General POV
Kinabukasan, maaga ngang nagising si Vice. Inayos niya muna ang mga nagawa niyang halos 20+ na designs bago mag-almusal.
Pagkatapos niyang mag-almusal ay agad na siyang naligo at nagbihis.
Maya maya ay dumating na ang kaibigan niyang si Vhong.
"Brad. A....yos... Ka... Na.. Ba?" tila naguguluhang tanong ni Vhong nang makita ang kaibigan.
Naninibago lang siya sa kaibigan dahil medyo panlalaki(?) ang suot si Vice.
"Okay na ba ko? Ayos ba yung suot ko?" mausisang tanong ni Vice kay Vhong.
"Oo Brad. Nakakapanibago ka nga eh. Akala ko kakambal mo lang.. Lalaking lalaki ang pormahan mo ah.. Pinanindigan mo yun 'HIM'. HAHAHAHAHA" natatawang sabi ni Vhong.
"Tarantado ka kasi! Edi kung 'HER' ang sinabi mo edi sana hindi ako maghihirap." sabi ni Vice habang naglalagay ng light make up at pinkish lipstick.
"Okay na sana Brad eh. Kung wala ka lang Make up." natatawa paring puna ni Vhong sa kaibigan.
"Tseee! Alam mo ba kung saan yung Yuzon Modeling Company?" tanong ni Vice at tumayo na para kunin ang folder na may mga designs niya.
"Hindi ehh." pagkasabi nun ng kaibigan ay tinignan niya ito nang masama at kinunutan ng noo. "Joke lang! Syempre alam ko.. Tara na nga." tila natakot na bawi ni Vhong.
Pagkatapos ng maikling pagkukulitan ng magkaibigan ay agad narin silang umalis.
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
Vice's POV
Hindi ko alam ang mararamdaman ko habang papasok sa building ng YMC. Naalala ko na. Ang YMC ang pinakamalaking kompanya sa buong mundo. Kaya pala pamilyar ang 'Yuzon' sakin.
Sumakay kami ni Vhong ng elevator.
.
2nd..
3rd..
4th..
5th..
Habang papalapit kami sa floor kung nasan ang opisina ni Mr. Yuzon parang gusto ko nang bumaba nalang ulit. Super kinakabahan ako.
6th..
7th..
8th..
9th..
10th..
11th..
12th..
13th..
14th..
*ting!*
Bumukas ang pinto ng elevator at agad na kaming lumabas.
Nagtanong tanong pa kami kung nasaan ang opisina ni Mr. Yuzon.
"Uhmm, Hi Miss." narinig kong sabi ni Vhong. May kausap na babae.
"Alam mo ba kung nasaan ang opisina ni Mr. Yuzon?" tanong pa niya sa babae.
"Uhm, if I'm not mistaken.. You're Mr. Ferdinand Navarro?" pormal na tanong nung babae.
"Yes Yes. That's me!" pagsang-ayon naman ni Vhong sabay kindat sa babae. Ayy talandee.
"Oh i see. Let me introduce myself. I'm Anne.. Anne Curtis. Mr. Yuzon's Secretary." magiliw na sabi nung Anne. "Let me lead you."
Pagkasabi nun nung Anne ay tumalikod na siya at naglakad para i-lead kami ng magaling kong kaibigan.
"Ang ganda niya Brad." parang naglalaway na sabi ni Vhong sakin na may kasama pang siko habang sinusundan namin yung Secretary ni Mr. Yuzon.
Maya maya ay nandito na kami sa may labas ng opisina ni Mr. Yuzon.
Kinakabahan nanaman ako.
Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang hindi katangkarang lalaki.
"Ferdinand, siya ba?" tanong niya kay Vhong at agad namang tumango.
"Can I talk to you, to my office. Just the two of us." pormal na sabi ni Mr. Yuzon na naging dahilan para super duper lalo akong kabahan.
Tumango nalang si Vhong.
Pumasok kami sa opisina niya.. Ang gara ng atmosphere. Emeghed. Gusto ko nang magback-out.
"You can seatdown. Mr?" sabi niya sakin. Agad naman akong naupo.
"Viceral po. Jose Marie Viceral." medyo kinakabahan kong sabi.
"How old are you?" mausisa niyang tanong.
"Uhmm, 29 years old." nakangiti kong sabi habang hindi ko pinahahalatang kinakabahan ako.
"Okay. May I see your designs??" tanong niya.. Ohh.. Inabot ko sa kanya yung folder na may lamang mga designs ko.
"Oh. They're look nice.. Absolutely good.. Very good." tila namamanghanga niyang sabi habang isa isang tinitignan yung mga designs na nasa folder.
"Thank you Mr. Yuzon." medyo nawala wala na yung kaba sa dibdib ko.
"Hello Yael.. Pwede ka bang maistorbo muna saglit?" narinig kong may biglang pumasok sa pinto na boses babae pero nakatuon lang ang atensyon ko kay Mr. Yuzon.
"Oh K. Pwede naman. Mukhang hindi ka nasabihan ni Anne na may kausap ako." medyo natatawang sabi ni Mr. Yuzon sa babae.
"Yeah. Wala kasi siya sa labas pati sa office niya eh.. Kaya dumeretso na ko dito."
Sabi pa nung babae.
"Well okay. Nandito ka rin lang.. Let me introduce to you..." tumingin siya sakin. "Our new designer.. Mr. Jose Marie Viceral."
Pagkasabi niya nun, humarap ako sa babaeng kanina pa niya kausap. Pareho kaming nagulat nang makita ko siya.
"IKAAAAW??" pabalang na sabi ni Karylle nang makita niya ako.
"Ako?" tanong ko naman na wala sa sarili.
"Do you know him?" tanong ni Mr. Yuzon kay Karylle.
"No. I don't..... I don't know him..."
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: pagkatapos ma"WHO YOU"-zone naging "I don't know him"-zone naman ngayon si VICERAL xD HAHAHAHAHA. Sorrna.. Gebye.)