VICE's POV
Habang kinakalikot ko ang cellphone kong iPhone5. Hindi ko mapigilang mapangiti at magalak dahil bago sakin ang makatanggap ng espesyal na regalo lalo na't galing pa sa boss mo. Eh 'di Wow!
"Vice! Pinatatawag ka daw ni Ma'am K."
Napatingin ako kay Billy na hindi namalayan na nasa harapan ko na pala.
"Bakit daw?" sabi ko habang nakatingin parin ng iPhone5 ko.
"Pumunta ka na dun, baka mapagalitan ka pa." may pananakot niyang sabi.
"Ayan! NaDead tuloy ako." pabakla kong sabi dahil naDead ako sa nilalaro kong Flappy Chicken.
"Baka maDead ka kay Ma'am K kapag hindi ka pa pumunta sa opisina niya." sabi ni Billy at bumalik na sa table niya.
Ganoon ba talaga ang mga Boss? Kapag may ipapatawag, hindi man lang magawang lumapit at sariling harapin ang ipatatawag niya??
Inilagay ko ang iPhone5 ko sa bag ko. Mahirap na baka mawala. Hindi sa hindi ako nagtitiwala sa mga kasamahan ko. Mahirap na rin kasi magtiwala, lalo na't di ko pa naman sila lubusang kilala lahat.
Tumayo ako at nag-ayos nang sarili ko bago tumungo sa opisina ni Karylle.
Hindi na ko kumatok at bagkus ay binuksan ko ang pinto. O.O
--------
KARYLLE's POV
"Karylle, i just want to thank you. Dahil hindi mo ko inalis dito sa kompanya. Thank you very much." nakangiting sabi ni Yael.
"Syempre naman noh. Hindi naman magiging ganto itong kompanya kung wala ka. Tsaka alam kong mahal mo ito. Bakit ko naman ipagkakait diba?" paninigurado kong sabi.
"Mas Mahal naman kita."
"Ano yun?" tanong ko kahit narinig ko naman.
"Ha? W-wala." medyo nahihiya niyang sabi.
Tumayo ako mula sa swivel chair at lumapit kay Yael.
Nararamdaman kong kinabahan siya.
Nakita kong nagTurn ang doorknob at alam kong siya yun. Agad kong linapit ang mukha ko kay Yael, mga 1 inch nalang ang pagitan. Kung titignan mula sa likod ko, magmumukhang naghahalikan kami. Yun ang plano ko.
"Is he there?" pabulong kong sabi kay Yael.
"who?" pabulong din niyang sabi.
"Mr. Viceral." simple kong sabi habang pabulong parin.
"Yes. He's there." pabulong niyang sagot.
Agad na kong lumayo kay Yael at bumalik sa swivel chair ko.
"Oh Mr. Viceral. Why are you here?" tanong ko kay Bakla nang makita ko siya habang suot ng pekeng ngiti.
"Ah-ahh. Ma'am, pinatawag mo daw po ako?" may paggalang niyang sabi. Hindi bagay. -,-
"Ha? No. I don't need you." nakakunot noo kong sabi. Kahit ang totoo, pinatawag ko talaga siya para makita niya ang una kong plano.
Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun pero sa tingin ko, isa itong paraan para malaman niya kung ano ang nawala sa kanya.
"Ayy, ganun po ba? S-sige po." punong-puno ng paggalang parin niyang sabi.
"Before you go, I just want you to know that later may photoshoot ako. And as my Secretary, you will come with me." pormal kong sabi.
"Okay po. Copy." nakangiti niyang sabi. Nung makita ko ang ngiti niyang iyon parang WALA LANG nangyari. Agad akong umiwas sa pagkakatingin sa kanya.
"You can go now." pormal at walang kaemo-emosyon kong sabi at hindi nakatingin sa kanya.
Nakita at narinig ko nalang ang pagsarado ng pinto ng opisina.
Naiwan nalang kami ni Yael sa loob, nagkwentuhan nalang kami nang kung ano anong bagay.
First Plan: Failed.
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: Sa tingin niyo? Nagfailed ba ang plano? XD hahahaha. Ako? Hindi ko rin alam XD gebye. December 16,2015)
