//Fast Forward//
3 months later...
KARYLLE's POV
Tatlong buwan na agad ang nakakaraan nang ikasal ako kay Christian. Sa tatlong buwan na yun, hindi ko naisipang makipagMake love sa kanya at wala akong plano. Kinasal lang naman kami para hindi bumagsak ang kompanya ni Papa. Wala sa usapan na makikipagtalik ako kay Christian. Inaamin ko namang hindi na ko virgin dahil sa ginawa sakin ni Yael pero mas gugustuhin ko pa ring gawin 'yun' kasama ang totoong taong mahal ko.
"Good Morning, Babe." narinig kong bati ni Christian mula sa likod ko at naramdaman kong hinahalikan niya ang leeg ko kaya agad akong umiiwas.
"I want you, Babe." mapang-angking bulong niya sakin pero hindi ako natinag at tumayo nalang mula sa pagkakahiga sa kama."KARYLLE!" pasigaw niyang tawag sakin kaya tumingin naman ako sa kanya. "I said I want you!"
"Sorry, I don't want you." seryoso kong sabi sa kanya.
"Karylle, We're married for almost 3 months.. We don't having sex yet!" pabalang na sambit niya pero hindi ko siya pinansin.
"AYAW MO BANG MAGKAANAK?" pasigaw niyang tanong sa akin.
Tinignan ko naman siya straight sa mga mata niya bago sumagot."GUSTO! GUSTONG GUSTO KO............. PERO HINDI SA'YO!"
------------
General POV
"Welcome Back, Boss Madam and Sir Ma'am." magiliw na bati ng isang matangkad at meztisang babae sa mag-ama.
"Thank You, Ms. Evangelista." magiliw na pasasalamat ni Mr. Viceral Sr.
"Oh, Anak... Mukhang hindi ka na sanay sa atmosphere dito ah!" pabirong sabi ng Ama ni Vice sa kanya.
"Hindi naman 'Tay, namiss ko lang ang amoy dito sa Pinas." nakangiting sagot ni Vice sa kanyang ama.
"Yung amoy nga ba ng Pinas o yung Naiwan mo dito sa Pinas?" nakangisi pero pabirong tanong sa kanya ng Ama.
"Sino naman mamimiss ko dito?" nakangiti paring tanong pabalik ni Vice.
"Sila Vhong, Anne, Billy at Kaye! May iba ka pa bang iniisip, 'Nak?" natatawang pang-aasar ni Mr. Viceral Sr.
"Wala 'Tay ha!" dipensa naman ni Vice sa kanyang sarili.
"Masyado kang Guilty ha!" pang-aasar parin ng kanyang Ama sa kanya at hinampas pa siya playfully sa braso niya.
"Handa ka na bang may makita ulit?""Handa na kong makita siya." sinserong sagot niya.
"Luh, halatang halata ka 'Nak, wala naman akong sinasabing 'Sino' eh, pwede namang yung mga basura.. Handa ka na bang makita ulit yung mga basura dito sa Pinas?" natatawang pang-aasar ng kanyang Ama.
"Ewan ko sayo 'Tay! Tara na nga. Pagod ka rin diba.. Ang layo ng biyahe natin!" pag-aya nalang ni Vice sa kanyang Ama na tawa parin nang tawa.
"Bakit ba tayo napagod eh... Nakaupo lang naman tayo sa eroplano buong flight!" natatawang sambit ng kanyang Ama kaya napailing nalang siya habang naglalakad. May tagabitbit naman sila ang Tatlong Rogelios...
-------------------
Pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng mansyon ni Mr. Viceral Sr. ay agad silang pinagbuksan ng mga Rogelio.
"Welcome Home, Jose Marie Viceral Jr." nakangiting sambit ng Ama ni Vice sa kanya.
Sabay pumasok ang mag-ama sa bahay at sobrang dilim.
"Tay, hindi ka ba nagBayad ng kuryente?" pabirong tanong ni Vice sa Ama.
"Hindi, ganto lang yan." sagot ng kanyang ama at naglean forward sabay sigaw. "DO RE MI FA SO LA TI DOOOO! LIGHTS ON!"
Pagkasabi nun ng Ama ni Vice ay bigla nalang nagbukas ang mga ilaw sa loob ng bahay at....
"WELCOME HOME VICERAAAAAL!!!!!" sabay sabay na sigaw at bati ng kaibigan at dating katrabaho niya sa kanya.
"Ayy! Basag ang eardrums ko ha!" pabaklang inarte ni Vice.
"Waaaaaah! Gurl! I miss you!"
"Brad! Na-miss kita!"
"Viceral! Long time no See."
"Kainan na tayo!!"
Tinignan naman ng lahat si Jugs na ngiting tagumpay pa.
"Sino naman toh? Matagal pa pasko ha? Bakit nandito si Santa?" pabirong tanong ni Vice.
"Si Jugs yan! Ang pinakamalakas lumamon.. I mean kumain, Big Brother este Brad!" natatawang sagot ni Vhong.
"Hii ateng! Nice to meet you. Tara na kain na tayo!" tuwang tuwa paring sabi ni Santa este Jugs. Nakatanggap naman siya ng malutong na batok mula kay Billy.
"Hahahaha, tara na nga.. Nagugutom na rin ako eh." natatawang aya nalang ni Vice.
"YEHEY!" tuwang tuwang sambit ni Jugs at muli siyang nakatanggap ng batok mula naman kay Vhong.
Napuno ng kwentuhan at tawanan ang dining area ng mansyon ni Mr. Viceral Sr.
"Grabe Brad, ang laki ng mansyon ng Tatay mo." manghang sabi ni Vhong. Kasalukuyan na silang nagkekwentuhan sa salas.
"Fyi, mansyon NAMIN ng Tatay ko." pagtatama ni Vice.
"Edi mansyon NIYO ng Tatay mo." sarkastikong sabi ni Vhong at natawa ang iba nilang kasamahan.
"Ewan ko sayo. MagMovie Marathon nalang tayo. Kukuha lang ako ng mga tape." paalam ni Vice at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa at umakyat.
Biglang tumunog ang cellphone ni Anne na agad naman niyang sinagot.
"Hello KARYLLE." bati ni sa kabilang linya. Tiyempo naman na narinig iyon ni Vice kaya hindi na muna siya pumunta sa kung nasaan ang mga kaibigan pero nakita siya ni Vhong.
"Anne, Loudspeaker mo nga." pabulong na sabi ni Vhong at agad na niLoudspeaker naman agad ni Anne ang phone niya.
"Hoy Anne Curtis-Smith! Diba may usapan tayo? Ano? Nasaan ka na? Kailangan ko ng kausap ngayon." halatang medyo inis na sabi ni Karylle sa kabilang linya.
"Paaataaay. Sorry na Karylle.. Mayy.. May pinuntahan pa kasi ako eh.." paghingi ng paumanhin ni Anne.
"Nakakaloka ka naman! Nag-usap na tayo eh. Sino ba yung pinuntahan mo? Si Vhong nanaman ba?"
"Nadamay ako dyan." pabulong na sabi ni Vhong.
"Hindi Gurl. May kauuwi lang kasing kaibigan NATIN." sagot ni Anne emphasizing the word NATIN.
"Ha? Sino?"
"Si Vice..... YOUR VICE is BACK."
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
December 26,2015