#42- Tunay na Tatay?

796 28 4
                                    

GENERAL POV

Kinabukasan...

"Viceral, talaga bang hindi ka na namin mapipigilan umalis? Parang kahapon lang ang saya saya mo ha. Nagpaalam ka na ba kay Ma'am K? Nag-away nanaman ba kayo?" dire-siretsong tanong ni Billy.

"Basta Billy, ikekwento ko nalang sayo sa tamang panahon." natatawang sambit ni Vice kahit hindi naman talaga siya masaya.

"Ewan namin sa'yo Gurl. Ano ba talagang nangyari?" pag-usyoso ni Anne.

"Basta nga." sagot nalang niya habang inaayos ang mga gamit niya. "Sandali lang ha." paalam niya.

"Sige. May gagawin parin kami eh." paalam nila Billy at tumango nalang naman si Vice.

Sinadya niyang maagang pumasok para hindi siya maabutan ni Karylle pagdating niya. Pumasok siya sa opisina ni Karylle dala dala ang iPhone5 at alarm clock na binigay ni Karylle sa kanya para tanggapin niya ang pagtatrabaho sa kanya. Biglang tumulo ang mga luha niya sa mata habang inaalala niya ang araw na nakita niya si Karylle sa magasin at hindi niya ito mabili dahil kulang ang pera niya.
Yung araw na pumunta si Karylle sa palengke at na-"Who You"zone pa siya.. Yung araw na tinanggi ni Karylle na kilala siya nito hanggang sa yung araw ng first kiss nila at lasing na lasing si Karylle.

Kapag naaalala ni Vice ang mga nangyari hindi niya maiwasang mapangiti pero tuloy tuloy ang agos ng luha niya sa mga mata niya. Nilapag ni Vice ang iPhone5 at alarm clock sa table ni Karylle.

Pa'no ba yan.. iPhone at alarm clock. Ibabalik ko na kayo kay BruKa ha. Siya naman talaga ang bumili sa inyo eh.. Nadelete ko na naman yung mga selfie ko dito sa iPhone5. Baka maLate nanaman ako ng gising nito. *punas ng luha* Sorry ha, ibabalik ko na kayo. Nasaktan na kasi ako eh. Di bale, makakabili naman ako ng ganto kapag nagkapera na ko. Pero ngayon kailangan ko muna kayong ibalik. Bantayan niyo si BruKa ha. Pepektusan ko kayo! *natatawa habang pinupunasan ang luha* Kahit galit ako dun, ayaw kong mapapaano siya. Mahal na mahal ko yun.. Tamo! Nababaliw nanaman ako.. Kinakausap ko kayo.
pabulong na kausap ni Vice sa iPhone at alarm clock. Pilit niyang pinapatigil ang luha niya pero ayaw talagang tumigil lalo na nang makita niya ang litrato nila ni Karylle sa table nito.

'Tama na nga.'

Pagkabulong niya nun sa sarili niya ay pinunasan niya ang mga luha niya bago lumabas ng opisina ni Karylle. Magang maga ang mata niya kaya kapansin-pansin na umiyak siya. Bumalik naman siya sa table niya at inayos pa ang mga gamit niya na dapat niya pang ayusin.

"Gurl, umiyak ka ba?" pagpuna ni Anne nang lapitan si Vice.

"Hindi. Wala toh, sige na aalis na ko ha." sagot ni Vice at ngumiti para hindi halatang malungkot siya.

"Kung kailangan mo ng kausap ha, nandito lang kami." may pag-aalalang sabi ni Anne sabay yinakap ang kaibigan. Yinakap naman siya pabalik ni Vice.

"Thank You Anning. Sige na Alis na ko." sambit ni Vice sabag kalas sa pagkakayakap ni Anne.

"Mag-ingat ka ha." nakangiting paalam ni Anne. Nginitian nalang din naman siya ni Vice.

"Hoy Bully Crawford! Una na ko ha!" paalam niya kay Billy.
"Sige! Ingat sila sayo Viceral!" natatawang paalam ni Billy at hindi siya makalapit dahil may ginagawa pa siya.

Nagyakapan muli sila ni Anne.

"Ay may nakalimutan pa ko." pabulong na sabi ni Vice habang tinitignan lang siya ni Anne.
Binuksan ni Vice ang mini drawer sa may table niya at kinuha ang nokia niya. "Gotcha!"

"Bye Anning." paalam niya kay Anne at bumeso pa.

Dinala niya ang mga gamit niya at lumabas na ng opisina. Sumakay siya ng elevator.

Sa kabilang elevator naman ay lumabas si Karylle. (#Salisi)

Bakas na bakas sa mukha ni Karylle ang pagiging balisa hanggang sa makapasok na siya sa opisina. Tinignan niya kung nandoon si Vice sa Table nito pero wala na siyang naabutan. Simot na ang laman ng table. Lalo siyang nanlamya at pumasok sa sarili niyang opisina. Naupo siya sa swivel chair niya at napansin ang iPhone5 at alarm clock na natatandaan niyang ibinigay niya. Pigil luha niya iyong kinuha at pinagmasdan. Binuksan niya pa ang iPhone5 at ang pinipigilanh luha niya ay tuluyang bumagsak dahil ang wallpaper ni Vice ay silang dalawa na nakaWacky pa.

"Ma'am.."

Napatingin si Karylle sa may pinto at nakita niyang pumasok si Anne. Lumapit si Anne sa kanya at hindi nakatakas sa paningin ni Anne ang pag-iyak ni Karylle.

"K.." tawag ni Anne sabay yakap sa kaibigan niya bilang comfort.

"H-hindi K-ko s-sinasadyang saktan s-siya. Mahal na m-mahal ko si V-vice." pautal utal na sabi ni Karylle dahil sa pag-iyak.
Wala namang nagawa si Anne kung hindi ay iComfort ang kaibigan niya dahil hindi naman talaga niya alam ang nangyari.

------------------

Lumipas ang ilang araw, bumalik na si Vice sa pagtitinda sa palengke.

"Ate? Ate ikaw ba yan?" napalingon bigla si Vice nang may tumawag sa kanya.
"Waah! Ikaw nga ate!"

"Kyle.. Ikaw na ba yan?" nabiglang tanong ni Vice sa isang kulot na dalaga.

"Oo ate!!! Long time no see. Namiss kita pati yung kasim mo!" naeexcite na sabi ni Kyle.

"Namiss din kita Kyle." nakangiting sabi ni Vice.

"Hihi, isang kilong kasim ate. As usual." saad ni Kyle habang tinuturo ang kasim. Agad namang kinuha iyon ni Vice at tinaga. "Alam mo ba ate, nung wala ka.. Yung ibang nagtitinda ng kasim dito.. Ang susungit." pabulong na balita ni Kyle kay Vice. Natatawa namang inabot ni Vice ang isang kilong kasim. Kinuha naman iyon ni Kyle at inabot kay Vice ang bayad.

"Thank You ate, una na ko." nakangiting paalam ni Kyle. Nginitian nalang naman siya ni Vice.

Bigla namang may dumating na tatlong matipunong lalaking nakabarong at nakashades pa.

"Ikaw ba si Jose Marie Viceral?" biglang sabi ng isang lalaki na naging dahilan para magulat si Vice.

"AY, PWET NG KABAYONG BAKLA!" nahagis naman niya ng hindi sinasadya ang isang atay ng baboy sa isang lalaki.

"Ikaw ba si Jose Marie Viceral Jr.?" muling tanong ng isang lalaki. Tinignan naman siya ni Vice.

"Jose Marie Viceral ang pangalan ko pero hindi ako Jr." natatawang sagot ni Vice pero seryoso parin ang mukha ng tatlong lalaki. May kinuha naman ang isang lalaki mula sa bulsa nito at pinakita kay Vice... Isang litrato.

"Teka! Ako yan ah. 8 years old palang ako dyan, saan mo nakuha yan?" nagtatakang tanong ni Vice.

"Kay Mr. Jose Marie Viceral Sr. ang Tunay mong tatay"

XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
December 23,2015

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon