#49- HULA!

782 24 0
                                        

GENERAL POV

Katulad ng sinabi ng kanyang Ama ay maagang gumising si Vice para hindi niya madisappoint ang kanyang Ama. Pagkagising na pagkagising niya ay agad niyang ginawa ang kanyang morning routines. Pagkatapos ay isunuot niya ang ibinigay sa kanyang damit pang-opisina ng kanyang Ama.
(Yung nasa multimedia.)

Kinuha niya ang cellphone niya at lumabas ng kwarto, sakto namang kalalabas lang ng kanyang Ama mula sa kwarto nito.

"Oh, Anak.. Good Morning." bati ng kanyang Ama nang makita si Vicr kaya agad naman siyang lumapit dito.

"Good Morning din Tay. Tara sabay na tayong magBreakfast." sagot pabalik ni Vice sa Ama at tumango nalang bilang sagot.

-,-,-,-,-,-,-

Pagkatapos nilang kumain ng agahan ay agad namang nagpaalam na si Vice sa kanyang Ama. Lumabas na siya ng bahay at tumungo sa parking lot. Pinagbuksan naman agad siya ng pinto ng kotse ng Driver.

"Good Morning Sir Ma'am." nakangiting bati ng Driver kay Vice at nginitian ito bago pumasok sa loob ng kotse. Pumasok na rin naman ang Driver sa loob ng kotse. Habang nasa byahe ay nakatingin siya sa cellphone niya. Specifically sa huling text ni Karylle na hindi niya na nagawang replyan pa.

----------------------------------

VICE's POV

From: BruKa

Simple lang ang gusto kong sabihin sa kanya....
Hanggang ngayon Mahal na Mahal ko siya.. Sana patawarin niya na ko sa lahat lahat ng kasalanan ko sa kanya. Sana patawarin niya na ko dahil sa maling desisyon ko. MAHAL NA MAHAL KO SI VICE. ♡♡

Sa tuwing babasahin ko ang message na yan ni Karylle, naiinis ako sa sarili ko kung ano ba talagang mararamdaman ko. Alam ko sa sarili ko na galit ako sa kanya pero alam ko rin sa sarili ko at inaamin ko na hanggang ngayon Mahal ko parin ang BruKang toh. -,-

Bigla akong nabalik sa wisyo nang biglang huminto ang sasakyan.

"Manong, anong nangyari?" nagtataka kong tanong kay Manong Driver.

"Sir Ma'am, bigla nalang huminto eh. Meron namang gas. Pero siguro sa gulong. Titignan ko po muna." kamot-ulong sagot ni Manong. Tumingin ako sa wristwatch ko.

"Dalian mo na Manong! Tingnan mo na. Baka maLate ako eh. Lalabas po muna ko." paalam ko kay Manong. Agad naman siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto sabay lumabas ng kotse.
May isang matandang nakapukaw nh atensyon ko. Kung titignan mo... Isa siyang manghuhula. Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang tumingin sa akin. Ewan ko pero naramdaman kong naglalakad na ko palapit sa kanya. Bigla yatang tumaas ang mga balahibo ko nang makalapit ako sa kanya, nakatingin pa rin siya sa akin.

"Mag-iingat ka....." nabigla ako nang bigla siyang magsalita. "..... Mag-ingat ka sa mga taong nakapaligid sayo, hindi mo alam na ang taong kakakilala mo palang, siya rin ang taong magpapabagsak sayo."

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" nauutal kong tanong.

"Sinasabi ng mga baraha ko. Ang mga taong nakapaligid sa'yo, kilalanin mo silang mabuti. Lalo na yung nagmamay-ari ngayon sa pinakamamahal mo." sagot niya pa. Lalong parang tumaas ang mga balahibo ko sa mga narinig ko. Tumingin siya straight sa mga mata ko bago magsalita. "Tandaan mo lahat ng sinabi ko. Mag-iingat ka...."

Pagkatapos niyang sabihin yun tumalikod na ko.

"Mag-iingat ka.... Jose Marie Viceral Jr."

Rinig kong bigkas niya ng pangalan ko. Agad na kong bumalik kung nasaan ang kotse na tapos nang gawin ni Manong Driver. Nang makita niya ko at pinagbuksan niya ko ng pinto ng kotse. Agad na kong pumasok. Pagkasara ni Manong ng pinto ay binuksan ko ang bintana. Sinilip ko yung matandang manghuhula at nanlaki ang mata ko nang nakatingin siya sa akin. Ayoko sanang maniwala sa mga sinasabi niya pero may parte sa katawan ko na sinisigaw na 'Maniwala ka!"

--------------------------

Kasalukuyan akong nasa loob ng malaki kong opisina kasama ang mga bakla kong kaibigan.

"Grabe Meme, wit ka na namin maabot." rinig kong sabi ni Archie.

"Oo nga Meme. Grabe. Parang nung nakaraan lang dinare ka ni Archie na jowain mo si Karylle tapos binreak mo siya kasi sabi mo naKonpyus ka tapos nung nagkita kayo ulit at naging boss mo siya nag-iba ang ihip ng hangin hanggang sa naging kayo FOR REAL. Tapos-------"

"Tapos.. TAPOS NA!" pagputol ko sa sinasabi ni Buern. Binigyan ko rin siya ng death glare.

"Oops. Sorry Meme." sabi niya sabay peace sign. inirapan ko naman siya.

"Anyare sayo Memer? Parang kanina ka pa Bad mood ha?"  tanong ni Buern.

"Sino ba naman ang hindi mababad mood kung yan ang nakikita mo?" sagot ko sa kanya nang patanong din habang nakatingin sa labas. Nakakandong si Karylle kay Christian. Bakit ba ko nabibwisit!!!!!?

"Owwwwww, Selos ka na niyan?" rinig kong tanong ni Archie. Hindi ko nalang siya pinansin. Ewan ko ba? Nakakainis na nakikita ko siya na sweet sa kapatid ko. Urgh! Pero hindi, galit ako sa kanya diba? Galit ako sa kanya. >.<


XxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
December 29,2015
(A/N: Super duper SHORT UPDATE!!!!!! XD gebye.)

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon