VICE's POV
"Wala ka bang nakalimutan Anak?" pagtatanong sa akin ni Tatay habang inaayos ko yung mga dadalhin ko sa Subic... Yes, you read it right. Sa Subic ang napiling lugar nung ikakasal na ioorganize namin.
"Yes Tay.. Ready to go na si Wakla!" medyo naeexcite kong sagot sa kanya at sinara na ang bag. "1 week lang naman kami doon Tay."
"Mag-iingat kayo ha. Pati yung asawa ng kapatid mo." pagpapaalala pa ni Tatay.
"Opo Tay." pagsang-ayon ko namam sa kanya.
Dapat talaga si Chris ang makakasama ko at ang iba pa kaso may pupuntahan daw siya. Baka sumunod lang daw siya or depende nalang sa lakad niya. Sa isang linggo namin sa Subic at makakasama ko pa si Karylle, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. NagMomove-on na nga ako tapos makakasama ko pa siya. Isang linggo pa? Jusko. Ewan ko nalang talaga sa akin.
"Anak, magBeauty rest ka na agad. Para bukas hindi ka Bangag! Susunduin ka dito ng company car." sabi ni Tatay sakin sabay tapik sa balikat ko.
"Beauty rest talaga 'Tay?" natatawa kong saad sa kanya at kapwa natawa rin siya. "Sige na Tay, magpahinga ka na. Keri ko na itey!"
Tumango naman siya at sinabihan pa ko ng 'Good Night' bago lumabas ng kwarto ko.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya agad kinuha iyon para makita kung sino ang nagtext. Pagkabukas ko.. Siya nanaman.
From: BruKa
KuTeeeee, help! Makakasama ko siya for one week. Anong gagawin ko? Ito na ba ang chance para pormal na magSorry sa kanya? HELPPPP!
Nag-iisip pa ko kung anong magandang isagot.
/reply/
Teka Teh, nasaan ba ang hubby mo? Hindi ba siya kasama????
Yan ang nireply ko para hindi masyadong halata. Baka kasi mapaghalataan niya ko kapag kung ano ano pa sasabihin ko.
From: BruKa
Hindi siya kasama!! Hindi ko alam kung bakit.. Pero sabi niya lang na may importante siyang lakad. Wala akong balak alamin. So... Help mo KuTe! Gusto ko nang makausap siya, gusto ko nang magkaayos kami. :(((( Nasasaktan ako na magkasama nga kami sa opisina pero ang cold niya tapos minsan daig pa ang may dalaw kung magalit siya sakin. Kahit masakit, pinipilit ko nalang tanggapin dahil simula't sapul naman.. Kasalanan ko lahat. Kasalanan ko.... :((((((((((
Gusto kong magreply sa text niya pero may biglang kung anong pumigil sa mga daliri ko para magtype. Inilapag ko lang naman ang cellphone ko sa side table at humiga. Tinignan ko ang kisame. Hindi mawala sa isip ko yung texts niya. Ilang beses ko na siyang ipinagtabuyan pero wala eh. Parang waepek lang sa kanya pero kapag nakikita ko sila minsan ni Chris na magkasama at nagfaflash yung ngiti niya na dati ako lang dahilan... Ewan ko pero nasasaktan ako kahit sa simpleng bagay na yun. Bakit hindi ko siya magawang patawarin? Diba, Mahal ko pa naman siya? Pero iba na kasi ang sitwasyon ngayon.. Kasal na siya kaya hangga't maaari... Kailangan ko nang umiyas... Kailangan ko siyang layuan.
-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-
GENERAL POV
Kinabukasan, maagang nagising si Karylle para nga sa pag-alis nila papuntang Subic.
"Babe, mag-ingat kayo dun ha. I Love You." malambing na sambit ni Christian kay Karylle at akmang hahalikan ito pero agad itong umiwas.
"Sige. Bye Chris." sabi nalang ni Karylle at kinuha ang bag niya at lumabas ng kwarto nila. Naiwan naman si Christian na halatang inis na inis dahil ginagawa niya ang lahat para mapansin ng sariling asawa pero wala talagang epekto.
Sakto at pagkalabas ni Karylle ng bahay nila mag-asawa ay nasa labas na pala ang iba sakay ng company car.
"Nasaan si Vice?" bating tanong ni Karylle sa iba na mapansin na wala pa pala si Vice.
"Nandoon pa sa bahay nila. Tara na sakay na tayo para masundo na." sagot naman ni Billy...... Na siyang kinuha bilang isang photographer.
Agad naman silang sumakay sa CC at tumungo sa bahay ng mga Viceral.
•~•~•~•~••••••~•~•~•~•
Pagkahinto ng sasakyan ay bumaba sila upang salubungin si Vice na palabas pa lang ng bahay nito.
"Tara na Brad!" aya ni Vhong.
"Bakit kasama kang damuho ka?" nagtatakang tanong ni Vice habang nakataas ang kilay.
"Siyempre, sabi ng Tatay mo.." nagmamalaking sagot ni Vhong.
"Sabi ni Tatay o dahil kasama si Anne?" maawtoridad na tanong ni Vice at napakamot ng ulo si Vhong. "Yan tayo eh! Tara na nga!"
Pumasok naman na sila sa loob ng kotse. Katabi ni Manong Driver si Billy, hindi makakasama ang Girlfriend niyang si Coleen dahil may sakit ito pero susubukan naman niyang sumunod. Nasa middle seat si Vhong, Anne at si Liz. Nasa Last seat naman si Vice,Karylle at Kaye.
(Driver-Billy
Vhong-Anne-Liz
Kaye-Vice-Karylle)
"Buti kasama ka Kaye, namiss kita ha." nakangiting sabi ni Vice kay Kaye.
"Namiss din kita Viceral!" Kaye said then pinch Vice's nose at agad namang nag-inarte.
"A--aaray Ha! May pagkasadista ka din eh noh?" pabaklang sambit ni Vice kaya natawa naman sa kanya si Kaye.
"Hahahaha. Sorry na Viceral. Namiss lang din kasi kita!" natatawang sabi ni Kaye.
"Gaga ka kasi, saan ka ba nanggaling at ngayon ka lang nagpakita? Nagtatampo na ko." sabi ni Vice sabay nagpout.
"Ehh kasi... Inayos na namin ng Boyfriend ko yung kasal namin... Huy, invited ka ah!" magiliw na pagbabalita ni Kaye.
"Ay! Talaga? Wow! Advance congrats ha! Promise! Pupunta ako." nakangiting sabi ni Vice.
Habang nag-uusap ang dalawa ay may isa namang naO-OP sa tabi nila.... Si Karylle. Sinalampak nalang niya ang earphone niya para hindi na marinig ang pinag-uusapan ng dalawang katabi niya.
Habang nagkekwentuhan ang dalawa ay biglang dinalaw ng antok si Vice.
"Kaye, iidlip muna ko ha. Medyo nagkulang kasi ako ng tulog eh." paalam ni Vice. "Baka gusto mo ring matulog?"
"Hindi, okay lang sige. Idlip ka muna." nakangiting sabi ni Kaye kaya nginitian nalang din siya ni Vice bago ipikit ang mga mata at tuluyang nakatulog. Karylle on the other hand ay nakadikit ang ulo sa may window. Dahil sa paggalaw ng sasakyan ay di sinasadyang napatong ang ulo niga sa balikat ni Vice na natutulog din.. Bigla namang binuksan ni Manong Driver yung radyo at tumugtog ang...
Put your head on my shoulder~~~~
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
December 29,2015
