GENERAL POV
"Hindi... ko kayang wala ka sa buhay ko Vice... Mahal na mahal kita.."
Biglang napatingin si Vice kay Karylle nang marinig ang mga katagang iyon.
"A-anong ibig sabihin nun?" paniniguradong tanong ni Vice.
"Hmm, Tayo na?" nakangiting sabi ni Karylle. Tila natuod naman si Vice sa kanyang kinatatayuan. Maraming kinikilig na empleyado pwera lang kay Jhong.
"NOOOOOOOO. KARYLLE MYLOVES!! HUWAAAAH!" umiiyak na sigaw ni Jhong habang hinahagod ni Iza ang likod niya.
"T-talaga?" hindi makapaniwalang sambit ni Vice.
"Ayaw mo ba? Edi wag." kunwaring naiinis na sabi ni Karylle.
"H-hindi ah. Gusto ko... Gustong gusto ko." pambawi ni Vice habang nakapinta ang isang malawak na ngiti sa kanyang mukha.
"Yun naman pala eh." sabi ni Karylle at umirap playfully.
"Karylle, Mahal na mahal kita kahit merlat ka pa... Yieee." kinikilig na sambit ni Vice.
"KISS!!! KISS!! KISS!!!" sigaw ng kapwa empleyado ni Vice.
"Pano ba yan.. Kiss daw." sabi ni Vice using his naughty voice.
"Sige. Pikit ka muna." nakangiting sabi ni Karylle.
"Ayy, bakit kailangan nakapikit?" nakapout na sabi ni Vice.
"Dali naaa." pagpupumilit ni Karylle.
"Ito na mga ohh." sabi ni Vice sabay pikit at ngumuso.
Linapit ni Karylle ang mukha niya sa mukha ni Vice. Lalong kinikilig ang mga empleyado sa nasasaksihan nila pati yung nagbabasa nito.(Charot lang.)
Naglapat ang labi ni Karylle at pisngi ni Vice. #MedyoHopia
Dumilat si Vice.
"Bakit sa pisngi lang?" nakapout na sabi niya. "Dapat dito eh." sabay turo sa labi niya.
"Ayoko nga. Ang daming tao eh." sabi ni Karylle sabay belat.
"Nahopia si wakla." kunwaring malungkot na sambit ni Vice.
Napuno naman ng kilig at tawanan ang buong kwarto dahil sa nangyayari.
Dahil sa tuwa kahit naHopia si Wakla ay yinakap niya nang mahigpit ang kanyang nobya.
----------
KARYLLE's POV
"Karylle." napatingin ako kah Vice. Kasalukuyang nasa loob kami ng kotse. "Thank you ha. Salamat sa second chance."
Nginitian ko siya bago magsalita, "Vice, alam ko at alam mo na may nangyari dati.. Pero pinag-isipan ko rin yun at may tumulong sakin kung pa'no magMove-on. Alam mo inaamin ko, masyado akong nasaktan sa ginawa mo sakin dati.. Ewan ko ba. Nung nakita kita, unang inisip ko na maghiganti sayo. Pero sa ginawa mong to, masyado akong nasorpresa. At akala ko, hindi na mangyayari to. Akala ko hanggang panaginip nalang na mamahalin mo rin ako. Vice, mahal na mahal kita kahit bakla ka man o straight."
"Karylle, Sorry talaga sa nagawa ko sayo dati. Alam mo ba, masyado lanh akong naConfused sa nararamdaman ko kasi alam ko sa sarili ko na bakla ako... Baklang bakla... Pero nung nakasama kita, parang nag-iba bigla.. Hindi ko man naparamdam sayo dati na mahal kita. Ngayon, ipararamdam ko sayo at ipakikita kung gaano kita kamahal.. Hindi man ako straight na lalaki kung titignan pero mahal na mahal kita. Hindi ako perpekto pero kahit ganun, alam ko sa sarili ko na Mahal kita Karylle kahit nakakadiri.. Hahahaha." seryoso at pabirong sabi niya kaya hinampas ko siya playfull sa braso niya.
"Ang drama na eh." nasabi ko nalang sa kanya.
Bigla niya kong yinakap at yinakap ko siya pabalik. Ang tagal kong hinintay toh... Ang mayakap ang taong minahal ko at hanggang ngayon Mahal ko parin.
"I Love You." narinig kong bulong niya sa akin.
"I Love You Too." pabulong ko ring sabi sa kanya.
Sana lagi nalang gantong masaya kami, sana lagi kaming magkasama at laging matatag.
---------
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
December 21,2015
#ShortUpdate ✌✌
![](https://img.wattpad.com/cover/55724868-288-k453609.jpg)