KARYLLE's POV
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil pupunta kami sa OB para ipacheck ang pagbubuntis ko. Hindi ko alam kung masaya ako o malungkot. Siguro masaya dahil buntis ako at sinisigurado kong si Vice ang ama nito.. At the same time, malungkot dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Vice once na malaman niyang buntis ako.
"Karylle, you are 1 week pregnant. Medyo late mo lang naramdaman ang sintomas." sabi ng OB.
"Thank You Doc." nakangiti kong sabi sa kanya.
"You must have once a week check-up, to assure that the baby is healthy inside your body." nakangiting sabi ni Doctora.
"S-sige po.. Thank You." nakangiti kong sabi sa kanya at nakipagKamay bago kami lumabas ng ospital.
-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-
Nasa kotse kami pauwi na.
"Anak, kailan mo sasabihin kay Vice na buntis ka?" biglang tanong ni Mama kaya napatingin ako sa kanya.
"H-hindi ko alam Ma. I don't know if I would tell him." medyo nalungkot kong sagot sa kanya.
"Anak.. Kahit papaano ay, anak niya yang dinadala mo. Pag-isipan mong mabuti yan Anak." mahinahon na sabi ni Mama.
Kailan ko ba dapat sabihin? Kailangan ko ba talagang sabihin sa kanya? Hindi ko na alam. Siguro kay Anne at Vhong ko muna sasabihin.
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
GENERAL POV
Pagkauwi ni Karylle sa bahay nila ay agad niyang tinawagan si Anne para ipaalam ang kanyang pagdadalang-tao.
"Hello, Anne?" pambungad na sabi ni Karylle.
"Oh, K? Napatawag ka? Any problem?" sagot ni Anne sa kabilang linya.
"Anne... I'm.... I'm pregnant." nauutal na sabi ni Karylle habang may namumuong luha sa mga mata niya.
"W-wait K.. Did I hear it right? You're... You're pregnant?" hindi makapaniwalang tanong ni Anne.
"Yes Anne." simpleng sagot naman ni Karylle.
"A-alam na ba ni Vice?" nag-aalalang tanong ni Anne dahil narinig niya nang humihikbi si Karylle.
"H-hindi p-pa. H-hindi k-ko alam k-kung paano.. S-sasabihin sa kanya......" humihikbing sagot ni Karylle.
"Do you want us to tell him?" tanong pa ni Anne.
"S-siguro nga.. H-hindi niya kasi ako pinapansin eh. H-hindi ko naman alam ang n-number niya." sagot ni Karylle habang pinupunasan ang luha niya.
"Okay.. Ganto nalang K.. B-bukas.. Pumunta ka ng office.. Kaming bahala.. Para makausap mo siya." may halong pag-aalalang sabi ni Anne.
"S-sige Anne. Thank You." sagot na lamang ni Karylle.
"I'll tell Vhong nalang. Bye K." paalam ni Anne.
"Bye." paalam ni Karylle bago iend ang tawag.
-------------------------------------
Kinabukasan, maagang pumasok si Vice sa kompanya at as usual bad mood nanaman siya. Nitong mga nakaraang araw ay kapansin pansin ang parating wala sa mood si Vice. Tyinempo naman nila Vhong at Anne sa Lunch break para kausapin siya.
"Brad?" pagtawag ng pansin ni Vhong kay Vice na kasalukuyang nakaupo sa sofa sa loob ng opisina niya. Tinignan naman siya agad ni Vice.
"May kailangan kang malaman." seryosong panimula ni Vhong.
Nakatingin lamang sa kanya si Vice at hinihintay siyang magsalita."Karylle is Pregnant." diretsahang sabi ni Anne kaya medyo natawa si Vice at tumayo sabay lapit sa dalawa.
"Are you serious?" natatawa pang tanong no Vice.
"Oo.. Buntis si Karylle.. At obviously, ikaw ang ama." diretsong sabi ni Vhong.
"Porket buntis siya, ako na agad ang Ama?" nakangising sabi ni Vice. "Porket ba may nangyari saamin doon sa SUBIC? Hindi niyo naman alam kung may nakatikim pa sa kanyang iba bu-----"
Hindi natapos ni Vice ang pagsasalita niya nang may dumapong kamao sa panga niya kaya napaupo siya sa sahig.
"TARANTADO KA PALA EH! GAGO! ALAM MO KUNG GAANO KADISENTENG TAO SI KARYLLE! TAPOS GANYANG ANG INIISIP MO? ABA.. PUTANG INA MO!" pasigaw na sabi ni Vhong habang pinipigilan siya ni Anne dahil bilang kaibigan ni Karylle ay masakit para sa kanya na sabihan ng ganoon ang malapit na kaibigan.
Hinigit pa ni Vhong sa kwelyo si Vice patayo nang may pumasok sa opisina."Tama na yan Vhong." mahinahong sabi ni.... Karylle.
Napunta naman sa kanya ang atensyon ng tatlo habang hawak pa rin ni Vhong ang kwelyo ni Vice."HINDI K.. TARANTADO TONG LALAKING TOH EH!" halatang galit na sabi ni Vhong at akmang sisikmuraan pa si Vice.
"SABI KO TAMA NA!" pasigaw na awat ni Karylle at nilapitan siya ni Anne para aluin.
"Pwede ba, hayaan niyo muna kaming mag-usap na dalawa. Please." paghingi ng pabor ni Karylle. Binitawan naman ni Vhong ang kwelyo ni Vice at galit itong tinignan bago sila lumabas ni Anne ng opisina.
"Vice, buntis ako.. Siguro naman alam mong ikaw ang ama nito diba? Pero sa narinig ko kanina? Hindi ko inaasahang sasabihin mo yun... Masyado akong nasaktan sa mga sinabi mo.." sabi ni Karylle at nag-umpisa nang maCrack ang boses niya, meaning.. Naiiyak na siya. "K-kung hindi naman d-dito sa b-batang d-dinadala ko ngayon.. H-hindi naman na k-kita pupuntahan.. N-nasaktan lang tuloy ako... A-alam mo b-ba.. K-kung kasing dali l-lang nang pagbitaw n-ni Vhong sa kwelyo mo ang p-pagbitaw at paglet-go sayo, s-siguro.. W-wala tong batang toh ngayon sa sinapupunan ko... S-sana wala kang problema ngayon.. I-I'm sorry ha.. Promise.. Kaya ko na siyang buhayin.. I'm sorry kung.. Kung binigyan p-pa kita ng problema... S-sinabi ko l-lang naman sayo ito.. D-dahil, ikaw parin ang a-ama ng batang toh.. S-siguro ito na ang tamang oras.. P-para.. Para.. i-Let go ka.. T-tao rin ako Vice.. N-napapagod.. Don't worry, hindi k-ko naman tatanggalin a-ang pagiging Ama mo sa A-anak natin... Mahal na mahal kita... G-goodbye." umiiyak at nauutal nang sabi ni Karylle at dire-diretsong lumabas ng opisina.
Naiwang natuod si Vice sa kinatatayuan niya. Gustong gusto niyang habulin si Karylle pero sadyang parang dumikit na sa sahig ang sapatos niya at hindi namalayang tuloy tuloy ang agos ng luha sa mga mata niya...
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
January 1,2016
A/N: Last UD for todaaay! :)))