T2OU 1

487 11 10
                                    

'The Two of Us'

Written by: SilentWriterLori

Copyright © 2016 by SilentWriterLori. All rights reserved.



Chapter 1

Mikomori's PoV

"Salamat Mikomori."

Napailing ako ng bahagya sa itinawag niya sa akin. "Manong~" kako nalang at mukhang nagets naman niya.

"Hm. Sige sige Madam Mori. Umikkat kan tapno makaado ka jay palengke intuno bigat to uliten." / "hm. Sige Madam Mori. Umalis ka na para makarami ka sa palengke bukas nalang ulit."

"Sige manong. Tuno bigat ulit." / "Sige Kuya. Bukas ulit." Pagpapasalamat ko ng iabot niya ang bayad ng mga deniliver kong isda sa kanila.

Sa akin kasi sila kumukuha ng mga isdang kinakain dito sa resort. Ito na ang pinakamalaking resort dito sa probinsiya namin kung saan merong isang daang isla. Alam niyo ba kung saan? Edi dito sa Sang Daang Isla. Dito na ako lumaki kasama ng Nanay ko at ako nalang ang bumubuhay sa aming dalawa, kami nalang kasi magkasangga simula nong namatay si Tatay, hindi naman sinasabi ni Nanay kung sino mga kamag-anak ni Tatay kaya hinayaan ko na.

Kilala ako dito bilang si Mikomori Lopez Martinez pero mas gusto kong tinatawag akong "Mori", masyado kasing nakakalalaki yung "Mikomori" kong pangalan e. hehe. Pero ayos lang maganda naman, 'sing ganda ko 'yung pangalan ko.

At kilala din ako dito dahil magaling ako magbenta ng mga paninda ko.

Ano ang mga paninda ko? Heto lang naman...

Pumwesto ako sa gitna at huminga ng malalim saka ko nginitian ang matalik kong kaibigan na si Apple.

"Ohh~ bangus kayo diyan... Sangagasot lang maysa kilon... Bangus, Bangus, adda pay tilapia mi... Aggatang kayon~ Bili bili na kayo!" / "...Isang daan nalang isang kilo... meron ding tilapia... Bili na kayo!"

Pagsigaw ko palang ay nagsilapitan na ang mga customer sa pwesto namin. Ganito lagi ang eksena sa tuwing sisigaw ako't magtatawag ng mga customer.

Sa umaga ang trabaho ko ay magbenta ng mga isda at sa hapon naman ay gumagawa ako ng tinapa at daing na bangus at sa gabi naman, aba syempre magpapahinga na ako.

"Ayos! Naubos na naman benta natin Mori, ang galing mo talaga."

"Tayo... Magaling TAYONG dalawa. Ito talaga..."

"Ok fine. Nalalaingak kanyamon. Hahaha." / "Ok fine, mas magaling na ako sayo. Hahaha."

Napailing nalang ako sa bestfriend kong si Apple. Ulila na rin yan kaya sa amin siya nakikituloy, ayaw din naman niyang tanggapin yung Tita niya na nasa Maynila dahil iba daw ang ugali, sugalor at manginginom daw. Kaya pinagtataguan niya ito at sinasabi niyang ulila na siyang lubos kahit na meron pa siyang kamag-anak.

Ok na din siguro yun para hindi kawawa si Apple sa poder ng Tita niya atsaka ayoko ding umalis siya noh, parang kapatid ko na rin. Sabi nga nila 'Sister from another mother' ko siya.

"O' s'ya, uwi na tayo, gagawa pa tayo ng daing at tinapa. Panigurado hinihintay na rin tayo ni nanay."

Huminto sa paglalakad si Apple kaya napahinto rin ako. "Sandali, naiwan ko yung binili kong damit kay manang joy." sabi nito saka tumakbo pabalik sa pwesto namin. Hindi ko na sinundan dahil lalakad na naman ako, mas mabuti pang hintayin ko nalang siya sa sakayan----...

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon