T2OU 16

71 5 4
                                    

     Chapter 16
    
    
Miguel's PoV
    

"So, this is the final structure for the resort Mom?" Tanong ni Dexy kay Tita Kim. Kanina pa namin siya kausap tungkol sa extension ng resort. Ok na ang lahat. Nakahanap na kami ng mga construction workers na gagawa dito, hindi naman problema sa Engineer at Architech dahil nandiyan naman sina Gian at Dexy. Yeah. They are an artistic person in some ways kaya siguro bagay na bagay silang magkasama, parang Popoy at Basha pero iba ang kwento ng love life nila. Minsan magulo pero madalas mas ok pa sa ok. Hindi rin sila masyadong showy pero kapag ako lang ang kaharap nila kulang nalang sumpain ko sila dahil sa kalandian nilang dalawa, hindi na nahiya sa akin!

"Bye Tita Ganda. Always take care."  Paalam ni Gian kaya nakipaalam na rin ako sa kanya. Pagkapatay ng skype video call ay sumandal si Dexy sa couch at parang lantang gulay.

"An'problema mo?" Tanong ko and she looked at me lazily.

"Akala ko ba nakaleave ako? Bakit nagtatrabaho pa rin ako dito?"  Reklamo nito ng nakasimangot. Nilapitan siya ni Gian at dun, nagsimula na naman ang love birds. Napaka-liberated nila. Tsk.

"San ka pupunta Boss?"  Tanong ni Gian na ngayon ay yakap yakap ang pinsan ko sa bewang nito.

"Malamang pupuntahan niya si Mori." Tamad na sagot ni Dexy saka tumayo at lumapit sa akin.

"Oh, san ka din pupunta hon?"

"Pupunta din kay Mori. Sasama ka ba?"

Napakunot noo ako sa sinabi ni Dexy. Bakit siya pupunta kay Mori? May agenda ba silang dalawa na hindi ko alam? Day off niya ngayon ah.

Nagkatinginan lang kami ni Gian at nagkibit balikat ako. Nauna ng maglakad si Dexy habang nasa likod niya lang kami na para bang body guard niya kami ni Gian.

Sumakay siya sa sports car niya kaya napasunod din kami. Ano bang hinabalak nitong pinsan ko? Nang makasakay na kami ni Gian ay humarap siya sa amin.

"Lead me the way." Sabi nito at nagtaka na naman kami ni Gian at hindi kami kumibo. Inirapan kami ni Dexy saka nagalit.  "Ano, tutunganga lang ba kayo diyan? Sabihin niyo sa akin kung saan ang papunta kina Mori para alam ko. Napakaslow niyong dalawa. Bilisan niyo bago pa mag-init ang ulo ko!"

Nataranta si Gian at agad niyang sinabi kung saan ang bahay nila Mori. Lumabas pa kami ng highway papunta sa direksyon ng City at saka pumasok sa medyo makipot na daan. Liko dito, liko doon ang ginawa namin hanggang sa huminto na kami sa isang bahay na medyo malaki, mukhang luma na up and down, may gate din sila na medyo kinakalawang na. Maganda pa naman yung bahay kung aayusin lang ang kabuuan nito.

"Yes! Sa wakas. Hahaha. Tara na~"

Nagkatinginan na naman kami ni Gian sa sinabi ni Dexy. Kanina lang ang seryoso niya, ngayon naman excited. Nauna na ngang bumaba sa amin at dumeretso sa bahay nila Mori, though nakaopen naman yung gate nila kaya free kang makapasok sa loob.

"Boss mauna ka na sa loob, punta lang ako sa bahay sandali."  Paalam ni Gian saka umalis. Nandiyan lang naman sa kabilang bahay si Gian kaya ok lang na umalis siya sandali.

Nandito palang ako sa labas ay naririnig ko ang boses ni Dexy na kinakamusta ang Nanay ni Mori pati na rin ang bestfriend nito na si Apple.

Nilibot ko ang paningin ko sa may garden nila at kumunot noo kusa ang noo ko sa nakita ko. Imbis kasi na mga bulaklak ang makikita dito, mga isda na binababad sa init ang nakasabit sa may alambre na nakalagay sa malaking bilao.

Mga daing yata ang tawag dito, i don't know ngayon lang kasi ako nakakita ng isdang binababad sa init.

"Miguel halika na dito sa loob. Dali."

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon