T2OU 50

22 2 0
                                    



Mori's PoV

Tawang tawa ako sa itsura ni kuya Mark kaninang iniwan ko siya sa kotse niya. Hindi kasi maipinta nong sinabi kong corny siya. Parang gusto niya akong habulin at saka guluhin ang maganda kong buhok.

"Mmm..."

Nakasandal lang ako sa may pinto ng may marinig ako na parang kakaiba. Nagtaka ako kaya sinundan ko iyon.

"Mmmm."

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ako ng bibig ko. Sheet na malagkit!

Dali dali akong lumabas ng bahay at tumakbo sa bahay ni kuya. Nakakaloka! Ang Ate Apple mo at kuya Michael nagtutukaan. myghad! Yung mga mata ko! At ang ate niyo nasa ibabaw ng lamesa. Shocks! Baka mabuntis si Apple.

Kunsabagay, hindi naman sila nakahubad. Ang kaso nga lang baka masunog yung niluluto nila. Jusmiyo!

"Oh, miss mo na ako agad, bunso?" Bungad ni Mark sa akin. Bunso ang tawag nila sa akin dahil sa aming dalawa ni President ay ako ang nahuling lumabas kay Mommy. Oh 'di ba? Nagfefeeling mayaman ako. Yun daw kasi ang itatawag ko sa kanila, eh. Kaya pumayag na ako.

Nag-make face na naman ako sa kanya at pumasok ako sa bahay niya.

Nakakaloka! Ang LINIS ng bahay niya. Mas MALINIS pa ang bahay niya kesa sa apartment namin ni Apple. O 'di ba, kailangan naka-bold yung salitang 'MALINIS/LINIS' kasi yun ang totoo. Parang nakakahiya pang tumapak sa sahig.

"Aray!" Reklamo ko nong itulak niya ang mga balikat ko papasok saka ako pinaupo sa couch.

"So, what are you doing here?"

"Pwedeng dito muna ako? May live este may bisita pa kasi si Apple, eh."

"Sure. Why not. Nagugutom ka ba ulit? Kung nagugutom ka, you can freely go at the kitchen to find your food. May pagkain naman diyan kahit papaano, maliligo lang ako."

"Ok." Sagot ko sa kanya at pumunta ako ng kusina niya. Grabe ang bahay niya, parang bahay lang ng napapanood kong Kdrama. Addict din ako sa Kdramas pero secret lang natin ha.

Pagkabukas ko ng ref ay bumungad sa akin ang napakaraming drinks or iba't ibang klase ng beers, mga foods, and chocolates. Grabe! Hindi man lang ako ininform na ganito karami ang foodams ng ref niya.

Mas pinili ko ang beer, apple flavor kesa ang food or chocolates. Naumay kasi akong tignan. Gusto ko naman nito dahil parang matagal na akong hindi nakakainom. Last na inom ko yata ay noong sinukahan ko si Boss.

Pagkakuha ko ng beer ay nanood naman ako ng TV. Sakto, kakasimula lang ng movie kaya naman isinandal ko ang likod ko sa couch at ipinatong ko ang mga paa ko sa center table.

Fast and Furious 8 pala ito. Isa sa pinakapaborito kong movie.

Nakakalahati ko palang yung movie, nakailang bote na rin ako at ang mga talukap ng mga mata ko ay pabagsak na. Humiga na ako at parang hindi ko na kayang manood pa.


Migs' PoV


I looked at my watch and it's already 10:35 in the evening. I got out of my office to fetch Mori. Mark texted me a while ago that Mori slept in his couch while watching and he also send her picture, that boost my energy but that energy became half when I saw a lot of bottled beer beside her. tss

Dumeretso ako sa bahay ni Mark and he opened the gate for me. Pagkababa ko ng kotse niya ay napailing nalang ako sa suot niya for whoever's sake, nakaboxers lang siya at walang damit.

"Can you wear some shirt or sando?"

"Tssk. Parang hindi ka sanay."

"Ako sanay, e yang kapatid mo?"

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon