T2OU 3

106 6 0
                                    


Chapter 3


Mori's PoV

*ringgggg

Nagring ang telepono pero hindi sinasagot nitong si Boss Migs -- short for Miguel, malamang busy sa pagttype sa laptop niya kaya ako na ang sumagot.

"Goodafternoon. Island Resort, this is Mori. How may I help you?... Kay Sir Miguel po? Ok po Ma'am. Heto na po." Pagtingin ko kay Boss Migs ay nakatingin din pala siya sa akin na parang nagtatanong kung sino yung tumawag. Nagkibit balikat ako dahil hindi ko naman alam kung sino.

"Tss. You should've asked..." bulong nito saka kinuha sa kamay ko ang telepono.

Bwisit! Napakainitin talaga ng ulo. Ang suplado.

"Son? Oh how are you? I'm sorry my phone got drained and am busy working kaya nakalimutan kong icharge... Well, nagmeryenda ka na ba? How's your studying?... Be a good boy, ok?... I love you too son... Wag papagudin si Nana Isabel at si Lolo... bye bye!"

Pagkababa niya ng telepono ay tumalikod ako, najijingle kasi ako e.

"Where are you going?"

Napahinto ako saka siya hinarap. Yan ang ayaw ko diyan sa boss ko e, bawat galaw ko kailangan alam niya lagi katulad nalang ngayon, iihi na nga lang ako kailangan pa bang magpaalam sa kanya?? Paano nalang kaya kung najejebs ako! aish!

Ngumiti ako sa kanya. "Sir, sama ka?" Napakunot ang noo niya sa tanong ko. "Where to?" Tanong nito.

"Sa CR. Natatae kasi ako e." Sagot ko at napa-"tss" na naman sya. Napakahilig niyang gumanon.

"Tanong ka kasi ng tanong kala mo naman tatakbuhan ko trabaho ko." Bulong ko saka umalis.

"Did you say something?" Tanong niya at walang gana ko siyang sinagot.

" Wala po boss."

Sa totoo lang makikipagtsismisan lang ako dito sa labas nakakainip kasi sa office, tsaka tapos ko na lahat ng dapat kong gawin, nakaupo na nga lang ako don. Buti sana kung talakative si Boss ang kaso hindi, kinakausap lang yata niya mga papel niya.

Oras na din kasi ng pagdedeliver ni Apple ng mga isda ngayong hapon, may malaking event kasi bukas dito. Ikakasal yung anak ni Mayor kaya kailangan lahat ng ihahanda bukas ay meron na ngayon katulad nalang ng mga isda na inorder at kung anu-ano pang seafoods. Buti na nga lang at marami kaming order para naman kahit isang linggo ay makapahinga kami sa negosyo sa palengke pero hindi mangyayari yun dahil baka mawalan na ako ng suki. 2 days ko lang pagbabakasyunin sina Apple at ang feeling pogi niyang tom-boyfriend para naman makapag-unwind sila, syempre kasama na din ako pati si Nanay. Hehe. Bahala na si Boss Miguel dito tutal kaya naman niya kahit nakapikit pa siya. Hahaha

Di ko maipagkakaila na magaling naman si Boss Miguel sa paghahandle nitong resort kahit na medyo supladito ito, hm, mabait naman siya. Yung problema nga sa housekeeping na matagal na, nasolusyunan niya ng isang araw lang e.

Nagpapatanggap na din siya ng OJT na kung dati ay ayaw approvan ng ibang namumuno dito, lalo na ni manong Inggo.. at heto pa, lahat ng may record at bad attitude ay tinanggal niya pati na rin yung mga alam niyang pepetiks petiks sa trabaho, lahat sila tinanggal niya at pwede na silang mapalitan anytime kapag may napusuan na si Sir sa mga nag-apply last week. O 'di ba? Buti nga nawala na din dito yung supladang team leader ng F&B e.

Napakasama ng ugali non magnanakaw pa ng pera sa kaha kaya pala laging kulang yung count nila tas napagbibintangan yung walang malay na tao.

Buti nalang talaga...

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon