Mori's PoV
"So, okay na kayo ni kuya Boss?" Tanong ni Apple kaya hinarap ko siya ng nakangiti kahit na nakasalpak sa bibig ko ang toothbrush ko. Nagsisipilyo kasi ako e."Hmm." Sagot ko at saka tumango. Mabilis kong tinapos ang ginagawa ko saka ako tumabi sa kanya sa kama. "Nagpromise ako na hindi na ako magseselos at siya na rin mismo ang iiwas sa EX niya, sabi niya."
Parang ayaw pa niyang maniwala sa sinabi ko. Well, bahala siya basta kami ni Boss Love okay na at nagkaintindihan na kami. Takot ko lang din na mawala siya.
Hay. 2 days nalang at magpapasko na. Naeexcite ako kasi family reunion pala ang ganap nila dito tuwing pasko samantalang sa amin nila Nanay, pasko at death anniversary ang ganap namin sa bahay.
Nong nalaman nila Mommy yun ay nagdesisyon agad sila na magpadasal para sa pagkamatay ni Tatay.
Kahit na may hindi pagkakaunawaan sina Daddy at Tatay noon ay nagawa pa nitong magkwento ng tungkol sa kanila simula sa pagkabata. Si Daddy kasi ang panganay sa kanila kaya siya ang pinagbabudget sa lahat maging ang allowance nila ni Tatay kaya ganon nalang ang naging outcome ng pagsasama nilang magkapatid.
Sa tingin ko kaya naging mahigpit si Daddy sa pera ay dahil sa pagwawaldas ni Tatay ng pera noon. Kaya hindi ko rin masisisi si Daddy sa nangyari sa kanila ni Tatay. Dala na rin ng galit ni Tatay kay Dad kaya nagawa nila akong kunin.
Mahal ko sila pareho kaya masaya ako na napatawad na nila sina Tatay at Nanay. Masaya din ako dahil sobrang bait ni Mommy. Noong isang araw nga nakita ko sila ni Nanay na nagbobonding sa pagluluto, hindi ko na pinalagpas ang araw na yun kaya kinuhanan ko sila ng picture. May maidadagdag na naman ako sa collections ko.
"Bunso, sama ka maggrogrocery kami nina Mommy at Daddy kasama si Tita Ellena." Tanong ni Pres habang busy akong nakatutok sa laptop ko. Wala kasi si Apple busy sa boyfriend.
"Sige." Sagot ko sa kanya at mahilis kong pinatay ang laptop. Nakangiti akong lumapit sa kanya sa may pinto kaya lang sumenyas siya na bumalik ako sa loob kaya nagtaka ako sa ginawa niya. "Huh?" Kako sabay lingon sa likod ko at wala akong makita kundi ang buong kwarto ko.
"Tsk. Tsk. Tsk." Nakita kong umiling siya saka pinagkrus ang mga braso niya. "Magpalit ka ng damit mo. Lalabas ka ng nakaganyan? Ang iksi ng shorts mo at nakasando ka lang." napatingin ako sa suot ko saka siya tinignan at natawa.
"Oh, ano naman? Hindi naman ako mababastos kasi above the knee tong shorts ko."
Tumaas ang isa niyang kilay. "Kahit na. Pumasok ka sa kwarto mo at magbihis kung ayaw mong kaladkarin kita at ako mismo ang magbibihis sa'yo."
Napapout ako sa sinabi niya at sinimangutan siya. "Ano ba yan! Ang arte naman ee! Napakaover protective." Bulong ko sa sarili ko saka ako naglakad papasok at sinara ang pinto ng padabog.
"May sinasabi ka?" Tanong ni Pres mula sa labas.
"WALA PO!" Sigaw ko mula dito sa loob.
Hindi naman bastusin suot ko e. Tokong nga itong shorts ko e. Yung damit ko, ok lang naman. Daming arte e.
Namili nalang ako ng damit na pwede kong panlabas tutal naman maggrogrocery lang kami. Nagsuot ako ng blouse na may konting butas sa balikat ko na hindi naman halata saka ako lumabas at ipinakita kay Pres ang suot ko. Umikot pa ako sa harap niya at ngumiti ng pilit.
"Okay na ba KUya?"
"Tara na. Naghihintay na sila Dad."
Nauna na siyang maglakad at sinusundan ko lang siya. Sa sobrang inis ko ay gusto ko na siyang batukan mula sa likod niya. Kaloka. Over protective niyang kapatid ha.
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Teen FictionMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...