Mori's PoV
"Mommy!""Miracle..." Niyakap ko ang baby ko ng salubungin niya ako pagkalabas ko ng kotse. It feels so good to come back home and saw her with a big smile.
"Mommy, lolo brought me to another lolo earlier and he's so cool." Excited na pagkukwento niya. Tinignan ko si Dad at nag-iwas ito ng tingin sa akin at kumamot sa kanyang ulo. Inayos ko ang buhok ni Miracle at ibinigay ito kay yaya.
"Wash up ka muna baby then after mo magshower saka tayo matutulog, okay?"
"Okay Mom. I love you!"
"I love you too baby."
Pagkaalis na pagkaalis ni Miracle ay siya namang pagharap ko kay Daddy na ngayon ay tatakasan na sana ako. May pagsisipol pa siyang nalalaman kaya naman hinarangan ko siya at itinaas ko ang isa kong kilay at pinagkrus ko ang kamay ko.
"Dad..."
"Ay! Oo na. Ipinasyal ko lang naman ang apo ko sa Tito Enrico mo eh."
Para akong nanghina sa sinabi niya at napaupo nalang ako sa couch. "Dad naman eh. Why did you do that?" Mangiyak-iyak na tanong ko.
Nilapitan ako ni Dad at inakbayan saka tinap ang balikat ko. "Pasensiya na anak. I got too excited to be with her kaya isinama ko siya sa pagkikita namin ng Tito mo. Don't worry about it."
"Dad hindi naman 'yon ang problema ko eh. Nakakahiya lang kasi kina Tito Enrico at saka hindi pa ako nakakabisita doon. Baka sabihin niya iniiwasan ko sila dahil sa ginawa ko."
"Don't worry. He knows everything!"
Sumimangot ako sa sinabi ni Dad. "Dad naman e! Puro ka 'Don't worry'. Napakadaldal mo talaga, kahit kailan wala kang nililihim kay Tito Enrico! Sana naman tinatanong mo din ako kung okay lang."
"Bestfriend ko eh." Sagot niya. Ano pa nga ba ang magagawa ko sa kadaldalan ni Dad? Ako nalang talaga ang susuko sa ginagawa niya. Pinapahirapan niya ako eh!
Tumayo ako at iniwan siya. "Itutulog ko nalang muna 'to baka sakaling bukas mabawasan pagkadaldal mo, Dad."
"Have a goodnight bata!"
"Goodnight din po Tanda."
That's how we treat each other. Sometimes sweet and sometimes not. Naging close kami lalo ni Dad because of Miracle. We were close back then but when Miracle came to our lives we were more closer, nagtampo lang talga siya noon. Its just that ayaw ko lang ang pagiging madaldal niya minsan. Ewan ko ba kay Dad nakakahiya kasing itanong kung anong ipinakain sa kanya noon ng mga magulang niya.
"Mommy, alam mo ba ang bait ni Lolo Enlico. We played in a play ground with kuya Tlistan and then he cooked delicious food for us."
Upon hearing Tristan's name makes me miss him. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagpapakita sa kanya. Maski sa kanya ay nahihiya ako dahil sa pag-alis ko ng walang paalam. Ang dami kong kailangang bawian ngayong nakabalik na ako.
"So, did you enjoy playing with kuya Tristan?"
"Yes Mommy. Next time sana kasama ka para mameet mo din sila." She answered excitedly.
"Hmm." I stroke her hair for her to sleep. Nakasanayan na kasi niya ang ginagawa ko sa kanya para makatulog siya. We are not sleeping separately dahil gusto ko palagi ko siyang kasama sa pagtulog.
******
Tumunog ang phone ko in the middle of a meeting with ate Dexy and the other manager and ofcourse with Migs.
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Teen FictionMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...