T2OU 5

103 4 0
                                    


Chapter 5

Mikomori's PoV

Natapos na ang kasal ng matiwasay at masaya ang lahat. Ngayon ay nandito ako sa kwarto ko nakahiga at nakatitig sa kawalan. Napangiti ako ng mapait sa sarili ko habang iniisip ang kanina pang gusto kong itanong pero wala naman akong makausap kaya sarili ko na naman ang tinanong ko.

"Kelan kaya ikakasal si Fernanda?" tanong ko at napahawak ako sa baba ko. "Mag-aasawa kaya yun ng babae?"

Napailing ako sa sarili ko sa pinag-iisip ko. Nababaliw na yata ako dahil sa mga iniisip ko. Napakaimposibleng magka-asawa si Fernanda ng babae, siya nga pusong babae e, maliban nalang kung babae ang magustuhan niya pero pusong lalaki naman. Hahaha. si Georgina! Pwede?

Gusto ko talaga silang paglayuin ng bestfriend kong si Apple noh. Hello? Wala kayang future si Apple don. Syempre gusto ko namang magkaanak si Apple, para naman maikalat niya yung lahi niyang maganda. Maganda din naman si Apple, sa totoo lang sa kanya nga ako natututong magmake-up simula nong pumasok ako sa resort. Kailangan kaya na matuto akong magmake-up dahil ayaw ni Boss ng walang make-up sa trabaho. Pero duh! kahit naman wala akong make-up maganda pa din naman ako e... Sabi ni Nanay. Hahahaha

"Mori hindi ka pa ba aalis?" Napasimangot ako sa tanong ni Apple na kumakain ng mansanas. "Hindi pa." sagot ko pero nabigla ako ng bigla niyang paluin ng malakas ang braso ko.

"Huwag kang mag-inarte Mikomori, hindi ka maganda. Porke haan na ka pinayagan ayta Boss mo nga makita ni Kuya Gian, agkasta kan. Matagal pa naman yun dito e, malamang sa malamang makitam to met lang isunan to." / "Porke hindi ka pinayagan ng Boss mo na makita si Kuya Gian, maggaganyan ka na... Malamang sa malamang, makikita mo pa naman yun kaya wag kang mag-inarts diyan."

"Kahit na." sagot ko sa kanya at humilata ako sa kama ko.

Maya't maya pa ay may narinig kaming busina ng sasakyan mula sa labas ng bahay. Dedma lang, malamang baka may kung ano  lang diyan sa labas. Hehe.

"Uy Mori may bwisita ka este bisita pala." biglang sulpot ni Georgina, si Apple naman ay lumabas ng kwarto. Hindi ko siya pinansin, mas pinili ko nalang humarap sa kabilang side at pumikit. Puyat ako kagabi kaya wag silang magulo, iniisip ko kasi kung paano ko makikita si kuya Gian. Hahaha.

Crush ko nga kasi yung tao e. Ilang taon kayang hindi umuuwi yun dito sa amin at sa facebook ko nalang siya nakikita at heto pa, may asungot na babae siyang palaging kasama sa mga picture niya. Malamang alalay niya yun. hahaha. Joke joke.

"Hoy Ate Mori~" inirapan ko si Georgina nang bumungad ang panget niyang mukha sa harap ko kaya tinulak ko ng bahagya ang noo niya. "Aray!" reklamo nito.

"OA ha." Tumayo na ako at inayos ang sarili ko sa salamin. "Asus bff... Mag-ayos ayos ka na. Bilis!" natatarantang pumasok si Apple at saka sinuklay ang buhok ko.

Iniiwas ko ang ulo ko saka siya kinausap sa harap ng salamin. "Bakit ba nagmamadali ka?" tanong ko pero dedma.

Kinuha niya ang face powder saka niya binudburan ang palad ko. "Hali, sige. agpulbos ka. Pardasam ta adda agur-uray kanyam iddyay ruwar. Tattan!" / "Magpulbo ka. Bilisan mo, may naghihintay sayo sa labas. Ngayon na!!"

Ano bang pinagsasabi nitong babaeng to? Wala naman ako naaalalang pinapapunta ko dito sa bahay na bisita tsaka duh may pasok kaya ko ngayong hapon.

Wala namang nakalista sa calendar note ko na bisita ngayon. promise!

"Sino ba kasi yang taong yan para pag-ayusin mo pa ko, e kahit anong ayos ko naman okay lang kasi maganda na ko."  reklamo ko.

Totoo naman kasing maganda ako. hahaha. Opps! Awan kumonkontra! / Walang kokontra! LOL

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon