T2OU 27

47 5 0
                                    




Mori's PoV

Dumating na ang araw na kailangan na naming umalis nila Apple at hindi ako handa. Haha. Chos. Off ko ngayon at papunta kami ng pwesto at sobra akong naiexcite ngayon dahil makakatapak ako muli sa palengke. Hehe.

"Apple tara!!" hiyaw ko. Naku naman sobrang bagal kumilos kanina pa siya sa banyo di na makaalis-alis. "Apple ano maglalako pa ba tayo o diyan ka nalang habang buhay?"

Lumabas siya ng banyo nang nakasimangot at nakahawak sa tiyan niya. "Nagtatae ako." halos mangiyak na sabi nito. Nataranta naman ako at kinuha ang gamot sa lalagyan namin at inabot sa kanya ito.

"Nakailang jebs ka na ba?" tanong ko sa kanya saka kinuhanan siya ng tubig. "Pang-apat na." sagot niya.

"Oh siya maiwan ka na dito at ako nalang ang pupunta sa palengke, dito ka nalang sa bahay. Magwater therapy ka ha para hindi ka madehydrate. Ayokong nagkakasakit ka, alam mo yan!"

Ayaw ko man umalis pero kailangan ako sa palengke ngayon dahil wala din si Auntie na magbabantay, may lakad na siya e.

Matapos kong bilinan sina Nanay at Manang Maria sa mga dapat ipakain kay Apple ay umalis na kami ni Junior dahil baka bumili na sa iba ang mga suki namin, mahirap na.

Pagdating namin ng palengke ay busy-busyhan na agad ang peg naming dalawa ni Junior. Marami ding bumabati sa akin dahil namimiss daw nila ang awra ko dito sa palengke. Syempre Josa e. Hahaha.

"Mori, anak, buti naman bumalik ka na. Kumusta naman ang trabaho mo sa resort, balita ko pag-aaralin daw kayo nong may-ari ah."  May pakpak talaga ang balita. Ngumiti ako at nagmano sa kanya.

"Maayos naman po ang trabaho ko doon. Napakabait nga po nila, hindi na ako magtataka kung pati yung mga batang tinutulungan ko ay tulungan din nila."

"Ang swerte mo talaga, 'nak. Sana si Jenny matulungan din nila. Oh siya, goodluck ha." 

Hindi na ako sumagot at nginitian nalang siya. "Plastik!"  sabi ko sa isip isip ko. Mga tsismosa nga naman. Kunwaring mabait yan tas kapag nakatalikod ka na ang dami-daming sinasabi, dagdag-bawas pa ang sinasabi tungkol sa mga bali-balita.

Hapon na at hindi pa rin ubos ang paninda namin kaya naman nagdesisyon akong magligpit na dahil hindi rin ako mapakali dahil kay Apple. Paalis na kami ng biglang dumating si Boss---teka si Boss nga!

Nginitian ko siya. "Boss Migs, anong ginagawa mo dito?" Ngumiti siya at nagkibit balikat. Tinanggal ko ang apron ko dahil nakakahiya naman sa kanya. "Pwedeng pabili?" Napatawa ako sa kanya. Nakakaloka. Bakit kailangan pa niyang bumili e kahahatid lang ni Junior sa kanila nong bagong isda na pinadeliver ko.

"Am I not allowed to buy?" tanong nito kaya naman pinagbigyan ko na. Kawawa naman e.

"Siya, sige na. Anong bibilhin mo?"

"Lahat yan." sagot niya kaya naman nagulat ako. "Seryoso ka Migs?" Nagkibit balikat na naman siya at ngumiti. Naks! Ang gwapo talaga ng lahi nito. Hahaha.

"Bale 1500 lahat yan, discounted na ng 69 pesos yan." sabi ko at nagbigay siya ng dalawang buong 1000. "Keep the change." aniya.

"Uy keep the change ka diyan. Ito na sukli mo, magkakautang na loob na naman ako sayo niyan e."

"Ikaw bahala." sagot niya at kinuha ang 500. Binigay sa kanya ni Junior ang plastik ng isdang binili niya at hindi pa siya umalis. "Tara na." pag-aaya niya. Napakamot ako sa leeg ko. "Saan naman?"

"Sa resort. Doon na kayo magdinner. Ako magluluto for our dinner. Nandoon din sila Gian, lahat sila."

"Pass na muna ako. May sakit si Apple, kailangan niya ng kasama. Si Junior nalang para naman makabonding mo rin kapatid ni kuya Gian."

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon