Apple's PoV
Nataranta ako ng sabihin ni Mori na hindi daw siya makahinga. Ano na naman kayang kinain nito?. "H-hoy Mori... Ano bang nangyari?" tanong ko sa kanya mahigpit niyang hinawakan ang braso ko habang nakayuko.
Nilapitan na din kami ng ibang kaklase namin pati na rin si Zachi na kadadating lang. "Oh anong nangyari kay Mori?" tanong nito.
"Hindi daw siya makahinga. Zachi, anong gagawin ko?" Hindi na ako mapakali dahil sa ikinikilos ni Mori. Tawagan ko kaya si kuya Miguel? "M-Mori, ano ba kasing ginawa mo or kinain mo?" Pakshet! Naiiyak na ako. Ayokong mawala ang kaisa-isa kong bestfriend no! Baka hindi ko kayanin. Susunod talaga ako sa kanya kapag namatay siya.
Kung ako ay hindi na mapakali si Zachi naman ay kalmado lang. "Mori... Anong masakit sa'yo? Gusto mo bang dalhin ka namin sa clinic?" Sumenyas lang si Mori na huwag na, kaya naman sumingit ulit ako.
"Uy Miko naman! Anong wag na? Ano ba kasing nangyayari sa'yo?? Nakakainis ka naman, eh. Bakit hindi ka na naman makahinga?" Ano ba kasing ginawa ng babaeng ito? Kasama lang niya si Kuya Miguel nong iniwan ko sa baba ah. Bakit ganito na?
Sa gitna ng pagdradrama ko ay bigla nalang pumapalo si Mori sa desk nito at para akong binuhusan ng malamig na tubig ng iangat niya ang mukha niyang nakatawa.
"Bwahahaha..." Hagalpak nito kaya sinimangutan ko siya saka ako tumalikod. Bwisit!! Napapahid ako ng pisngi ko ng maramdaman kong may mainit na likidong dumaloy dito. Tuluyan na akong naiyak. Nakakainis!
Huminto siya sa pagtawa at pumunta ito sa harap ko kaya iniwasan ko siya. "Uy umiiyak ka ba? Ano ka ba joke lang yun 'no." natatawang sabi nito. Inirapan ko lang siya at umiwas muli. Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko.
"Hey. I'm sorry, Apple."
Padabog ko siyang hinarap at nagulat siya sa ginawa ko. "Alam mo namang hindi dapat binibiro yang mga ganyan! Alam mo namang..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng pigilan niya ako.
"Okay po. Hindi na mauulit." paglalambing nito saka ako niyakap sa braso ko. Hindi ko siya inimik dahil sumama yata ang loob ko sa kanya.
"May date kami ni Miguel." Natigilan ako sa sinabi niya at napalingon ako sa kanya. tama ba yung narinig ko? May date sila ni kuya Miguel??
Suminghot ako. "Totoo ba yan?" tanong ko. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at ngumiti, yung ngiti niyang makatotohanan. Tumango ito at parang natanggal lahat ng hinanakit ko na kanina lang nabuo. Hindi kasi magandang biro ang ginawa niya.
"Sorry na ha." Pag-uulit nito. Napapout ako at tumango sa kanya. "Oo na. 'Wag mo lang uulitin ha." kako sa kanya.
Mori's PoV
Natatawa talaga ako nang mapaiyak ko si Apple. Ang epic talaga niya. Napakafierce pero deep inside may pagkaiyakin din yan. Pinigilan ko ang pagtawa ko ng makonsensiya ako. Umiiyak na kasi kaya para tumahan siya ay sinabi ko na ang date namin ni Boss. Buti nalang at hindi niya tinanong kung kelan dahil maging ako ay hindi ko alam. Hehe. Basta ang sabi niya pagbalik daw niya kaya heto at maghihintay na naman ako ng isang linggo o dalawa.
"Mori, pwede patulong?" Nilingon ko si Zachi saka ako tumango at nilapitan siya. Akala ko kung ano ang ipapatulong niya yun pala ay ang pagstaple lang ng mga ididistribute na photo copy para sa isang major subject namin. Medyo madami kasi kaya tinulungan ko na din.
"May lahi ka ba?" biglang tanong ko kay Zachi.
"I'm half Chinese and half Fil." Napatango ako at nagtanong ulit. Medyo curious lang. Haha.
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Teen FictionMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...