Mori's PoV
Literal na napaawang ang bibig ko kanina sa sinabi ni Boss. Nababaliw na ba siya? Hindi ako mapakali ngayon dito sa inuupuan ko dahil sa sobrang kaba, ilang oras na din kaming nasa byahe at walang hinto ito. Siguro ay mag-uusap nalang kami kapag tinatanong niya ako kung gusto ko bang kumain or kung naiihi na ba ako. Puro hindi ang sinasagot ko dahil hindi ko rin maintindihan ang sarili ko sa mga nangyayari. Dinaanan na namin ang Maynila kanina at ang matinding traffic nito pero patuloy pa rin kami sa paglalakbay. Nakatulog na ko't lahat hindi pa rin kami nakakadating sa destinasyon namin. Ito naman kasing si Boss, kung gusto niya akong isama sa mga gala niya magsabi siya para ready naman ako at para may ideya ako kung saan ba talaga kami pupunta. You know girls, dapat laging handa 'di ba? Buti na nga lang kahit papaano ay nakasukbit sa leeg ko itong binigay niya e. Ang problema ko ay ang cellphone ko na naiwan sa bodybag ko. Ito lang tuloy ang dala ko at ang 20 pesos na nasa bulsa ko. Enebeyen! Saan aabot ang bente pesos ko? Haha. natatawa tuloy ako, feeling ko nasa commercial ako. Yung sa bente pesos na yan.Napamulat ako at nagkunwaring humihikab. Jusko, ang maghirap magkunwaring tulog ano. Kanina pa ko nakapikit at hindi kumikibo.
"Gising ka na pala," ani Boss. Ay hindi. Tulog pa po ako Boss.Nilibot ko ang paningin ko at mukhang wala na kami sa Maynila, medyo parang probinsiya na kasi e at ang daming puno. "Nasaan na tayo, Boss?"
"Tagaytay." Simpleng sagot niya saka ngumiti. Tagaytay lang naman pal... "Ano? Tagaytay?!? Seryoso???" Napahawak ako sa bintana ng sasakyan at naamaze sa view. Well, wala pa naman masyadong view. Hehe.
"Excited ka na ba?" tanong ni Boss, lumingon ako sa kanya, ngumiti ako't tumango. "Paano mo nalaman," pabirong tanong ko at natawa siya. "It's all over in your face." sagot niya habang tinatawanan ako.
Sabi ni Boss, 5 minutes nalang ay nasa Sky Ranch na daw kami. Naeexcite naman ako dahil ngayon ko lang ito mapupuntahan, sa internet ko lang kasi ito nakikita kaya ngayon ang saya saya ko. Sana naman sinama ni Boss si Apple. Nakakaloka, Bakit ako lang kasi ang kinidnap niya e pwede namang dalawa kami ni Apple e. Baka mamaya magtampo 'yon sa akin.
"We're here," anunsiyo ni Boss. Napadouble WOW ako sa nakikita ko ngayon. Ang taas ng Ferris Wheel! Gusto kong sumakay doon!
"Boss, sakay tayo sa Ferris wheel!" excited na sabi ko. Hindi tuloy ako mapakali dahil sa excitement. Hehe. Pagbigyan niyo na ako, first time e. Nauna na akong bumaba at kumuha ng litrato sa mga rides at sa mga taong nakangiti dahil sa saya.
"Boss... Boss... Bossssss..." tawag ko kay Boss ng nakapout.
Hinawakan niya ako sa braso at pinaharap sa kanya. "Mamaya na. Kakain muna tayo dahil wala pa tayong kain simula pa kanina. Hindi ka ba nagugutom?" Nanghina ako sa sinabi niya at bigla nalang akong nakaramdam ng gutom.
Hinila na niya ako palayo doon at pumunta kami sa isang restaurant. Pagdating namin ay agad kaming inasikaso at mukhang kilala ni Boss ang may-ari nito.
"Bro, musta? It's been a long time, buti naman nagpakita ka na." sabi ng lalaking napakagwapo. Mukha siyang anghel na nahulog mula sa langit. Ang gwapo tlaga, nasisilaw ako sa kagwapuhan niya. "I'm sorry, just a little busy with work." sagot ni Boss. Umupo ako at binuksan ang menu na ibinigay nong babaeng lumapit sa amin kanina.
"Busy with work or busy with some---"
"Busy with work Bro," rinig kong sagot ni Boss. "By the way, Vince this is Mori, Mori this is Vince, barkada ko." Tumayo ako at nakipagkamay sa anghel na napakagwapo na si Vince.
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Teen FictionMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...