T2OU 2

151 6 0
                                    

Chapter 2

Mikomori's PoV

Martes na at heto ako hinahanda ang sarili ko sa pagdating ng bagong General Manager o GM ng Island Resort kung saan ako magtratrabaho.

Mababaliw na yata ako dahil hindi ko alam ang isusuot ko, kung mag-islacks ba ako o pantalon nalang tutal naman ay dadating palang yung si Sir Miguel.

"Ok na ba to?" Tanong ko kay Apple na kanina pa chinecheck ang bawat isusuot ko. Nakailang palit na nga rin ako e.

Ngumuso siya saka ako sinenyasang tumalikod kaya ginawa ko naman.

"Sumango ka kanyak." / "humarap ka sa akin." Utos nito saka niya inilapag sa mesa ang kinakain niyang mansanas at lumapit sa akin.

"Adda kurang e." / "May kulang e." Sabi nito saka ako pinaupo at sinimulang ayusin ang buhok ko.

Hinayaan ko lang siya sa ginagawa sa buhok ko. Makalipas ang ilang segundo ay tapos na ito at saka inabot sa akin ang salamin.

Siguro kung susumahin ay hindi na maipinta ang mukha ko sa ginawa niya sa buhok ko.

"Naggulo met." / "Ang gulo naman." Reklamo ko sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko saka nakipantay sa ulo ko at nakiharap sa salamin.

"That's what we called 'Messy hair style'. Alam mo yun?"

"Paenglish-english ka pa. Amina dyay sagaysay, dada-lem lang toy buok ko." / "Akin na nga yung suklay, sinisira mo lang buhok ko." sabi ko dito saka tinanggal ang pagkakaipit ng buhok ko saka ko pinusod ng pataas at ginawang bun hair ito.

"ganda talaga ni Mikomori."

Ngumiti ako kay Apple habang inaayos ang bag ko.

"E kanino pa ba ako magmamana?" Tanong ko dito saka tinignan si Nanay na nasa tabi namin. "Edi sa Nanay kong maganda. Hindi ba Nay?"

"Syempre naman anak ko." Sagot nito saka kinapa ang braso at balikat ko. "teka, ano bang suot mo?"

Sasagot sana ako ng biglang sumingit si Apple na napakadaldal. "Nakasuot po siya ng pang semi-formal attire po Nay, yung parang mag-aapply lang. Sexy niya nga po e. " Napangiti ako sa sagot ni Apple. Buti naman hindi niya ako inilaglag ngayon kundi baka itahi ko na bibig niya sa kadaldalan niya.

Katunayan ay hindi naman ako nakaskirt talaga kundi nakaripped jeans ako, slightly loose white V-neck shirt at converse na galing sa ukay. Oh di ba?

Ok na 'to, tutal naman sabi ni Manong Inggo kahit anu daw pwede kong isuot e basta nakaskirt or slacks. haha. Pasaway ako.

"Sige po Nay, alis na po ako." Pagpapaalam ko saka siya hinalikan sa pisngi niya at niyakap.

"Goodluck, Nak."

Kumaway lang ako sa kanila saka pinaandar ang Mio kong motor na pinaghirapan kong pag-ipunan ng ilang buwan. Ayaw nga akong payagan ni nanay na bumili ng ganito kasi delikado daw pero syempre sa kagustuhan kong magkaganito ayun, binili ko na.

Hindi ko nga lang madalas gamitin ito kaya mukhang bago pa talaga kahit na isang taon na ito sa akin.

Sinuot ko ang helmet ko saka ako tuluyang umalis.

Goodluck sa akin.

********

Patakbo akong pumasok sa lobby ng resort ng makita kong parang nagkukumpulan sila dito. baka dumating na si Sir Miguel.

Wrong timing. Kung kelang nagmamadali ako saka naman may nagtext sa phone ko kaya huminto ako para halungkatin sa bag ko ito.

"Kaasar naman. Nasan ka na bang cellphone ka?!" usap ko sa sarili ko kahit muntanga na ko dito.

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon