T2OU 9

62 5 0
                                    


Chapter 9

Miguel's PoV

"Boss sorry na~ hindi ko naman po sinasadya e tsaka lasing ako non kaya hindi ko na alam ang ginagawa ko. Sorna kasi Boss~"

Hindi ko pinansin ang kanina pang nangungulit na si Mikomori. Ang tanda tanda na kasi hindi pa marunong alagaan ang sarili niya at nagpapakalunod sa pesteng alak yan.

"Sir Miguel~~" muling tawag nito sa akin.

Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko saka idinial ang number ni Tristan.

Bago ako lumabas ng opisina ay huminto muna ako sa harap ni Mikomori na ngayon ay nakapout at mukhang nagmamakaawa base sa kanyang mukha.

"Please~~~" luhod nito at pinagdaop ang mga palad niya.

"You should've think before you do. Tsk tsk." Umiling ako saka tuluyan ng lumabas.

Medyo malayo na ako sa office ng bigla kong narinig na sumigaw si Mikomori.

"Eh sa nalasing nga ako eh!!"

Hindi ko nalang pinansin dahil sinagot na ni Tristan ang tawag ko.

"Hey son, how are you?"

[Tristan: D-Daddy! Huhuhu.]

Naalarma ako sa narinig kong pag-iyak ni Tristan.

"Tristan, what happen? Why are you crying? Where's your Lolo? Give the phone to him!"

Kinakabahan ako. Ayokong naririnig na umiiyak si Tristan lalo na't malayo kami sa isa't-isa.

[Dad: Migs---]

"Dad! What happen to Tristan?! Is everything ok there? Why is he crying?!"

[Dad: Migs calm down, would you?]

"Dad how can I calm down if I heard him crying?! Ano bang nangyayari? Be honest to me Dad!"

[Dad: *sigh Dinala namin siya dito sa hospital dahil inatake siya ng allergy at ng asthma niya but don't worry he's ok now. Yun nga lang the doctor said that we will stay here for a while hanggang sa mawala yung allergy niya.]

"How could that happen dad? Ano bang kinain or ginawa niya para atakihin siya niyang sakit niya, matagal ng hindi siya inaatake ng asthma niya ah? Tss. Im going there!"

[Dad: Migs---]

********

"Kris ikaw na muna bahala dito sa resort habang wala ako. May importante lang akong pupuntahan, babalik din ako. Nasan nga pala si Mikomori? Tss. Never mind! I'm going, call me if there is a problem. Geh alis na ko!"

Sumakay ako agad sa kotse ko at mabilis na pinaandar paalis. Sa mga ganitong sitwasyon hindi ko pwedeng isawalang bahala ang kalagayan ni Tristan, ayokong pati siya ay mawala sa akin, mawala na ang lahat wag lang siya o kung sino man sa pamilya ko.

He is my life, he is my everything.

Mabilis lang ang byahe ko mula sa Pangasinan dahil hindi naman ako nagcommute. Nasa kalagitnaan na ako ng Tarlac ng biglang may tumawid na bata kaya napapreno ako.

"Ouch!"

Daing ng isang boses ng babae sa backseat ng sasakyan --- wait--- Did I heard it from the backseat of my car?!

"What the hell??"

"Aray ko. Bakit ba bigla bigla ka nalang pumepreno Boss?"

"MIKOMORI?!! What the? What the hell are you doing in my car??"

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon