T2OU 24

56 6 0
                                    

    

Chapter 24

Mikomori's PoV
     

Nagising ako ng maaga dahil balak kong panoorin ang sunrise. Niyaya ko si Michael pero tumanggi siya dahil may phobia siya sa dagat, muntik na kasi siyang malunod noon e. Balak ko pa man ding pumunta sa isa sa mga isla. Boring naman kung dalawa lang kami ni Ninong Jojo ang pupunta don, 'di ba?

Wala na ako ibang maisip na yayain kaya tinawagan ko si Boss. Sinagot naman niya at halatang antok na antok pa. Paano alas kwarto palang ng madaling araw. Hehe.

Pagkatapos namin mag-usap ni Miguel ay pumunta na ako sa resort. Alam ko naman kasing hindi basta basta babangon si Boss e. Pagdating ko ay naabutan ko si Cherry na humihikab. Pang night shift kasi siya ngayon at pang-umaga naman si Pearl.

"Goodmorning Cherry." Bati ko sa kanya at naputol ang paghihikab niya kaya natawa ako.  "Sorry ha. Hehe."

Nag-unat muna siya bago ako kinausap. "Bat' ang aga mo? 4 palang ng madaling araw ah. Excited magduty teh?"

"Hahaha. Hindi naman.Pupunta kasi ako ng isla, manonood ng sunrise pero wala pa yung kasama ko."

"Eh sino ba kasama mo? Si Michael na naman?"

"Hindi ah. Si Miguel niyaya ko kaso mukhang natulog ulit. Pwede ko bang hiramin susi ng kwarto niya?"

"Naku Mori ha. Bat' 'Miguel' lang tawag mo sa kanya?"

"Yun kasi usapan namin kapag wala kami sa trabaho tsaka siya din naman nagsabi sa akin na tawagin ko nalang siya sa pangalan niya. Nakakahiya nga minsan, syempre Boss ko pa rin siya kahit papano."

"Ahh." Tumango siya saka inabot sa akin ang susi pero binawi niya rin ito.  "Uy baka rape-pin mo si Boss!"

"Halla siya! Bat' ko naman rerape-pin yun? Wala akong balak sa kanya 'no. Gigisingin ko lang siya, anong oras na din naman baka di ko na mapanood yung sunrise."

Kinuha ko na sa kanya ang susi at umakyat na sa kwarto ni Boss. Kumatok ako sa pinto pero hindi niya ako sinagot.

"Tawagan ko na nga lang." Usap ko sa sarili ko. Kahit naman hawak ko ang susi niya hindi ko pa rin pwedeng buksan ang pinto. Remember, privacy!

"Miguel..." Tawag ko habang kumakatok. Hindi ko ito tinigilan hanggat sa may narinig ako.

"Fvck! Let me sleep!!" Hiyaw niya. Naku. Iipitin ko dila nito e. Mura ng mura. Namumuro na sa akin 'to.

Hindi na ako nakatiis at pinasok ko na siya sa kwarto. Nakita kong nakatakip sa tenga niya ang unan at nakakunot ang noo nito habang nakapikit. Bwisit na bwisit na siguro siya. Hahaha.

"Miguel..." Tawag ko ulit sa kanya at nilapitan siya sa kama. "Migs~" mukhang wa epek sa kanya ang pagtawag ko.

"Boss gumising ka na kasi diyan!" Niyugyog ko siya and finally umupo siya at tinignan ako ng masama. Napayuko ako at nagpeace sign sa kanya.

"What are you doing here early in the morning pestering me?"

Napasimangot ako. Hindi ko kasi naintindihan yung sinabi niya eh haha. Joke lang. Naintindihan ko yun no. Ako? Pinepeste ang umaga niya? Wow ha. Isinawalang bahala ko nalang muna ang sinabi niya, tumayo na ako at pinagkrus ang mga braso ko.

"Kasi naman! Bumangon ka na kasi para makaalis na tayo." Pangungulit ko sa kanya at nagpumadyak ako saka hinila ang kamay niya para tumayo. Napakamot siya sa ulo niya dahil sa inis at nagpahila na rin sa akin. 

"San ba kasi tayo pupunta?" Inis na tanong nito.  "Can you let me pee, wash and change first?" Tanong na naman niya saka dumeretso siya cr at hindi na hinintay pa ang sagot ko.

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon