Mori's PoV
Sinamaan ko ng tingin si Apple sa pagtawa niya dahil naikwento ko sa kanya ang nangyari kahapon nong nandito si Migs."Nakakaloka, Mori ha. Pffftt. Hahahaha." Humagalpak ito ng tawa. "Dapat pinakita mo na sa kanya ulit yan para may kasunod na si Miracle."
"Wag ako ha."
"Pero kinilig ka?"
Sinimangutan ko siya at mabilis na sinagot. "Hindi ah."
Hindi ko na siya pinansin at nagbusy-busyhan nalang ako sa trabaho ko na inuwi ko dito sa hospital. May mga kailangan pa kasing tapusin kaya dinala ko na dito.
Nahihiya na kasi akong ipatingin si Miracle kina kuya at Ate dahil may kanya kanya din silang ginagawa. Si ate Moira naman ay katatawag lang kanina para kumustahin si Miracle, gusto rin niyang umuwi kaso sabi ko sa kanya wag na dahil umu-ok naman na siya simula nong na BT siya. Strong baby yata ang anak ko kagaya ko.
Nag-stay pa kami sa hospital ng limang araw para sa monitoring ni Miracle, ngayon ay masigla na ulit siya. Si Migs naman ay palaging dumadalaw pero palaging saglit lang at mukhang laging nagmamadali, Siguro ay dahil kay Olivia. Nababalitaan ko kasi na sila na pero hindi ko pa nacoconfirmed kung totoo nga. Mahirap na din kasing maniwala sa tsismis ng hindi mismo sa kanya galing kung totoo.
Sina Apple naman ay inaasikaso na ang bussiness namin. Magkasosyo kasi kami niyan, si Pres lang talaga taga bantay noon nong panahong nasa galaan pa yung dalawa.
"Yaya, yung pagkain ni Mira nakahanda na. Pakainin mo nalang siya paggising niya."
"Sige po, Mam."
"...And wag mong hahayaang malowbat phone mo ha. Tatawag ako every 2 hours to check on her." Bilin ko kay Yaya.
"Opo Mam."
Hinalikan ko si Miracle bago ako umalis. Maaga kasi yung meeting ko ngayon kaya kailangan bago dumating yung client nandoon na ako sa hotel. Mahirap naman kung mauuna pa sila sa akin dumating.
"Goodmorning Miss Mori."
"Goodmorning din." Bati ko kay Maxine. Kinuha ko ang mga papeles saka ako nagpunta ng resto para doon hintayin ang client. Dito na ako magbbreakfast since hindi na ako nakakain sa bahay kanina. Itong client na hinihintay ko ay VVIP daw sabi ni Keith kaya naman ako na ang nagkusa para makausap ito sa gaganaping event niya. Mahirap din namang magkamali kapag may hindi nasunod sa gusto niyang mangyari sa event na ito.
"Hmm. Miss Mori?" Napatayo ako ng may tumawag sa akin at nilingon ko ito sa likuran ko.
"Hmm. Ahh. Yes." Sa pagmamadali ko ay hindi ko alam kung kakamayan ko ba siya o hindi. "Mori... You can call me Mori." I said.
She smiles brightly and sat across mine. "Oh, by the way, I'm Olivia Montemayor." Inilahad nito ang kamay niya kaya nakipagkamay na rin ako. Mukha naman siyang nice. Mabait, maganda.
"Pleasure to meet you." I said. I felt a little awkwardness and uncomfortable. Ewan ko baka nang dahil na rin siguro kay Migs dahil sa mga nababalitaan ko. Hindi bale hindi naman siguro niya alam na may nakaraan kami ni Migs kaya mas mabuti na rin ang manahimik nalang ako. I don't wanna brag about it and I don't like people to know it.
"Did you have breakfast? Kain tayo."
Shet lungs! Talagang nag-offer pa ako eh! Bat ba hindi ko naisip deretsuhin nalang sa kailangan naming pag-usapan. Tss.
"Yeah. Thanks. Tapos na ako sa bahay."Buti nalang.
Isinantabi ko na ang plato at kape ko para masimulan na namin ang meeting na ito at para matapos na rin agad.
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Ficção AdolescenteMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...