T2OU 34

44 5 0
                                    


Mori's PoV

Nagpunta ako ng library para makapagreview, may long quiz kasi kami mamaya. Kaya ako nandito kasi hindi naman ako makapagreview sa classroom gawa ng ang iingay ng mga classmate ko.

"Hi Mori." bati sa akin ni Zachi, ngumiti ako sa kanya. "Pwede makiupo?" tanong nito.

"Sige. Hindi naman sa akin yan para magpaalam ka eh." Ngumiti ito at umupo sa harap ko. Napansin kong nakatitig siya sa akin kaya nangalumbaba ako sa harap niya.

"May dumi ba sa mukha ko?" Mabilis itong umiling at sumagot.

"W-Wala. I just find you... beautiful." aniya.

"Asus. Marami ng nakapagsabi niyan sa akin. Naririndi na nga ako, e. Hahaha." Ang hirap talaga maging maganda. Haha. Tignan mo natatameme tuloy itong si Zachi.

Bumalik ako sa pagrereview habang mukhang shungang nakangiti. Kaloka naman kasi itong si Zachi, parang ngayon lang nakakita ng maganda, e ang daming magaganda dito sa school na 'to. Mapakatulad kong mahirap at kagaya nilang mayayaman.

Nagulat ko ng bigla niyang ilapit ang mukha niya at bumulong ito sa akin. "May boyfriend ka na ba?" tanong nito. Lihim akong natawa dahil sa kakulitan nitong taong 'to. Lumapit din ako at bumulong sa tenga niya. "Wala pa." sagot ko.

Napa-yes siya ng pabulong at bumalik sa pagkakaupo. Tinitigan ko siya, gwapo sana kung hindi weirdo e. Bat' ba ang daming weird dito? Una si Mark (Since hindi ko naman siya kapatid, Mark lang ang itatawag ko except sa Ate niya dahil mabait naman at matinong kausap) tapos ngayon naman ay itong si Zachi.

Pagkatapos kong makapagreview ay bumalik na ako sa room namin. Nilapitan ko kaagad si Apple at tumabi sa kanya. Sumandal ako sa balikat niya at nilambing siya. "Ano na naman yun?" tamad na tanong nito at hinaplos ang buhok ko. Inaantok tuloy ako sa ginagawa niya.

"Wala ka na naman ballpen ano?" Palihim akong napangiti sa tanong niya. Kilalang kilala talaga niya ako. Hehe. Nawala kasi yung ballpen ko kaninang pabalik na ako dito. Ewan ko ba, napakaclumsy ko.

Naramdaman kong may kinalikot siya sa bag niya at nagningning ang mga mata ko ng iabot niya sa akin ang extra ball pen niya. "Thank you!" Niyakap ko siya at pinalo lang niya ang kamay ko. Binitawan ko siya at kunwaring nagtatampo sa kanya. Maya maya ay ako naman ang niyakap niya. Pfft. Para kaming mga ewan.

Napansin kong nakatingin sa amin si Zachi kaya naman binulungan ko si Apple at ikinuwento sa kanya ang nangyari sa library kanina.

"Lagot ka kay Boss," aniya at ikinaway niya sa akin ang hintuturo niya. "Isusumbong kita." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Apple naman~~" reklamo ko dito. Tinawanan niya ako. "Joke lang. Syempre hindi ko sasabihin sa kanya baka mamaya biglang lumipad yun dito, akalain na naman niyang may nanliligaw sa'yo."

Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi. Kaya love na love ko 'to kahit na minsan kalog at may pagkastraight forward.

*****

Ang bilis ng araw, heto at nasa kalagitnaan na kami ng Oktobre. Katatapos lang ng exam kahapon kaya heto kami ngayon at inaasikaso na ang nalalapit na Halloween party. Medyo naeexcite ako dahil ang sabi nila ay magsusuot ako na parang si Maleficent sa araw na iyon, kaso iniisip ko din kung pang halloween nga ba siya o kyeme lang. Anyway, kung matalo man ako sa araw na iyon ay okay lang dahil sanay na akong natatalo at sanay na rin akong nananalo. Kung sakali ay pagbibigyan ko ang iba. May dagdag puntos pa rin naman ako sa grade ko, ano man ang mangyari, e.

Blangko pa rin sa isip ko kung sino ang nagsponsor para sa gagamit ko sa pageant. Hindi kasi sinasabi ni Pres kaya hinayaan ko nalang. Ang sabi ko sa kanila ako na ang bahala sa pagmemake-up sa sarili ko dahil hindi ako sanay na gumagamit ng hindi sa akin at ayokong igamit nila sa mukha ko ang ginamit na sa ibang mukha at marunong naman akong magmake-up.

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon