T2OU 43

30 4 0
                                    


Mori's PoV
    

Maaga naming binisita sa sementeryo si Tatay kanina dahil sa hapon ay medyo mainit na. Inalalayan kong makaupo si Nanay sa sofa at saka ko isinindi ang TV at ang DVD player. May binili kasi akong movie na hanggang ngayon ay hindi ko pa napapanood kaya heto pagkakataon ko na since wala naman akong ginagawa.

Tumabi ako kay Nanay at sumandal sa balikat niya. Pansin ko lang kanina pa siya walang imik.

"Nay, may problema po ba?" hinawakan ko ang isang kamay nito at ang isa naman ay ginamit niyang pangkapa sa ulo ko.

"Wala anak, may iniisip lang." sagot nito. Umayos ako ng upo at hinaplos ang kamay niya.

"Tungkol po ba ito sa bisita niyo kahapon?"

Ngumiti ito at umiling. "Kumusta na kayo ni Miguel?" pag-iiba ni Nanay ng usapan kaya hinayaan ko nalang ito. Baka nga hindi na dapat ako makialam tungkol doon.

Kinapa naman niya ang mukha ko. "Masaya ako para sa'yo anak. Alam kong mabait si Miguel at hindi ka niya papabayaan kaya sana kahit na anong mangyari pagkatiwalaan niyo lang ang isa't-isa, wag kayong susuko sa mga darating na posibleng maging problema. May solusyon ang lahat, anak, tandaan mo yan." Napakunot noo ako sa pinagsasabi ni Nanay. Parang ang layo yata sa usapan namin yan.

"Ano ba yang pinagsasabi niyo Nay? Syempre kahit na magkaproblema man, nandiyan ka pa rin naman na pwede kong mapagsabihan, malapitan."

"E, paano kung wala na ako?"

"Ano ka ba, 'Nay? Syempre hindi ka mawawala no. Wala ka namang pupuntahan, di ba?" Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. Ngumiti naman siya at hinalikan din niya ako sa ulo ko.

******

"Alam mo ang weird ni Mother E simula nong dumating tayo. Feeling ko dahil yun sa bisita niya nong nakaraan, eh." Yan din ang iniisip ko pero ayaw ko namang pangunahan si Nanay dahil baka mamaya hindi naman pala siya ang kausap kundi si Nanay Maria.

"Wala na ba talagang kamag-anak ang Nanay at Tatay mo Mori?"

Napaisip ako sa tanong ni Michael. Dito siya namamalagi sa bahay since wala naman siyang matutuluyan dito. Tulog na si Nanay at kaming tatlo ay gising pa at nagkukwentuhan lang dito sa may teris.

Nagkibit balikat ako. "Ang sabi nila, wala na daw kasi parehas silang only child at parehas nang patay sina lolo at lola both sides at wala naman silang nabanggit noon na may mga pinsan pa sila sa malayong kamag-anak."

"Weird." bulalas ni Michael habang napapailing saka nagstrum sa gitara.

"Feeling ko talaga may sinesekreto sa'yo si Nanay, eh."

Hindi na ako nakaimik sa sinabi ni Apple, maski naman ako napapaisip sa ikinikilos ni Nanay atsaka kung wala na talaga silang kamag-anak, bakit may narinig akong 'kuya' sa usapan nila?

Hanggang sa makabalik na kami ng Maynila ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol kay Nanay. Si Apple kasi laging tamang hinala kaya pati ako nahahawa sa kanya, si Michael naman ayun busy na nagpresinta na aalamin daw niya ang tungkol doon sa kausap ni Nanay nong nakaraan.

Si kuya Gian naman, ayan kanta lang ng kanta habang nagddrive. Ihahatid daw kami sa school dahil doon din naman ang punta niya, mag-uusap daw sila ni Sir Ace. Si Boss naman, tulog pa yata. Napuyat kasi kagabi hanggang alas dos magkausap kami sa phone. Hehe. Mamaya susunduin daw niya ako, magddate kami.

"Here we are girls..."

"Thanks kuya G." bulalas ko at sabay sabay kaming bumaba. Pagwapings ang lolo niyo, nagsuot pa talaga ng shades niya.

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon