T2OU 60

25 2 0
                                    



Migs' PoV
    
   
"Daddy, bilis! Come here. Ang bagal mo naman, eh."  Kanina pa hila ng hila sa akin si Tristan at kanina pa ako napapagod.  Hindi naman ako makapagreklamo sa kanya dahil nakikita kong masaya siya. I don't want to ruin his day.

"Tristan don't run, okay?" 

"Ow. Okay. I'm too excited lang kasi Da---Tita Mori?" 

"What??" Parang nabuhayan ako sa sinabi ni Tristan kaya nilingon ko sa likod ko ang sinasabi niyang si Mori. I heard him laugh kaya nilingon ko siya pabalik.

"I'm just kidding, Dad. Ha-ha-ha."

Huminga ako ng malalim.  "Tristan..." he acts as a cute one and do his peace sign to me. Wala na akong nagawa kundi ang guluhin ang buhok niya saka kami naglakad ulit. I secretly turn my head back expecting to see her but I only see strangers.

Hours had passed and hindi pa rin napapagod si Tristan kakalakad samantalang si Nana Isabel ay bumalik na ng hotel dahil pagod na daw ito. Sila Dexy naman ay hayan nag-eenjoy din. Ako nga ang photographer nila e. Kung alam ko lang talaga na magiging ganito ang role ko sana talaga hindi na ako sumama. Mukhang pinagtripan lang ako nitong mag-asawa, eh.

"Tata...y" nagulat ako ng may batang kumapit sa binti ko. Ito yung bata kahapon sa hotel.

"Mira...cle!"

"Bethina? Bethina, right?" Tanong ko at mabilis niyang kinuha ang bata sa may binti ko. Nagtaka ako dahil parang nagulat siya na nakita niya ako. Mukha na ba akong multo?

"Who's that?" Tanong ni Dexy.

"Ahh. Girlfriend ni Pres... wait, kayo pa rin ba?"

"Hi-hindi na po. Sige, mauna na po ako. Nice seeing you here kuya. Ahm. Small world."

Mabilis siyang umalis kasama ang bata at ang katulong nito. Nagkibit balikat nalang ako sa sarili ko at hindi na ito pinagtuunan pa ng pansin. Well, we're not that close at all. Baka nabigla lang din ako na nakita ko siya dito of all places. Small world, ika nga.

"Hmm. Migs, dito lang kayo ha. Bibili lang ako ng makakain." Pagpapaalam ni Dexy saka umalis. We stayed here like for 30 minutes already and Dexy's not here yet. Pinatawagan ko na kay Gian at hanggang ngayon ay kausap pa niya.

"What now, where is she?" Tanong ko matapos niyang makipag-usap sa phone.

"Sabi niya mauna na daw tayo."

"What? After thirty minutes of waiting? Tsk." I sighed. Wala na akong magagawa pagod na ako para makipag-away pa sa taong wala naman dito. Girls are always girls.

"Kumain na muna tayo, Migs."

"Yehey!" Sabat ni Tristan. "Finally, makakakain na rin kami ni baby Cassy."

"Tss. As if naman makakain na yan ng heavy meals, Tristan." Sagot ko. Wala na talaga ako sa mood kung hindi dahil diyan sa paghihintay namin kay Dexy ng trenta minutos hindi magiging ganito ang mood ko.

Sumimangot si Tristan. "Hay naku si Daddy nangongontra na naman."

Natawa si Gian. "Tara na nga lang Tristan, iwan na natin yang Daddy mong moody." At iyon nga ang ginawa nila. Nauna na silang maglakad habang ako ay sumusunod sa likod nila.

*******

We went back after 5 days at itinaon talaga ng magaling kong pinsan na wala akong madadatnan ng saturday and sunday sa mga empleyado dahil pinag-off niya ang mga ito, literal lahat sila sa opisina. So, what I am going to do now is to review all that they did for the past 5 days that I've gone and after that I'll be going to check the whole resort.

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon