Miguel's PoV
I'm busy roaming around my office when suddenly my phone ring. It's Nick. I answer it immediately as I sat down on the edge of my table."Yes Nick? Do you have problem?" He laughed at me unbelievably.
"Problema agad? Hindi ba pwedeng may itatanong lang?"
"I'm sorry," I said. "Anong itatanong mo?""It's about Mark, he told me last week na makikipagkita ka daw sa kanila and you said na may ipapakilala ka daw sa kanila. Is that true?" I closed my eyes and suppress my lips from smiling. Fvck! This is not me!
Huminga ako ng malalim at nilaro ang ballpen na hawak ko. "Yes, it's true but before that ipapakilala ko muna siya sa inyo soon. Just don't be too excited and don't tell Dad baka mamaya bigla tumawag na naman yun sa akin. You know them when they're too excited on something, they keeps on bothering people around."
"Yeah. Yeah. I know." He chuckle. Papatayin ko na sana ang tawag ng bigla ulit siyang magsalita. "Nga pala, kasama ko sina Mori last time sa mall and we also had dinner, mukhang nagshopping sila ni Apple, e."
Yes, I know. She told me about it and she's a little shy and embarrassed at the same time.
"Ganon ba? Buti naman kung ganon," sagot ko dito at nagpaalam na rin ako. "Nick, I'll call you next time. Medyo busy, e." Palusot ko at pumayag naman siya kaya pinatay ko na agad ang tawag para wala ng follow up question or kwentuhan, baka kasi mapunta na naman ang usapan kay Mori, mahirap na baka masabi ko sa kanya na nililigawan ko si Mori. It's not time to tell them yet.For now, masaya ako na lagi kong nakakausap si Mori kahit sa phone lang, minsan medyo busy but we find time to talk to each other. Hindi naman talaga sana ako aamin sa kanya kung nalaman ko lang ng mas maaga na hindi naman pala siya ang nililigawan ng Michael na iyon. Funny, right? He must be laughing at me, right now. Since that day, we got along and I even give him a ride to airport for his flight. He told me to take good care of the girls because if not he'll kill me. I laughed at him and agree. Ako pa ba?
Mori's PoV
Humiga ako sa kama ng makaramdam na naman ako ng pananakit ng puson ko. Heto na naman at nagsisimula na naman ang dysmenorrhea ko. Mabuti nalang at nakauwi na ako galing ng school, hindi na rin ako nakapasok ng trabaho dahil dito. Kung bakit naman kasi tuwing magkakaroon ako ay sobrang sakit niya.
"Uggh!" Halos maiyak ako sa sakit. Hindi na rin sana papasok sa trabaho si Apple nang pigilan ko siya. Nakakahiya naman sa may-ari kung dalawa kaming aabsent ngayon.
Pinilit kong bumangon para makainom ng gamot. Sa sala nalang muna ako para mapagbuksan ko si Apple mamaya pag dating niya. Nadala ko kasi pati yung susi niya dito sa bahay. Binuksan ko ang TV para malibang ako at baka sakaling mawala yung sakit kapag nanood ako ng mga comedy movies. Habang tumatawa ako ay siya ring paglabas ng dugo ko. Nakakaloka nakailang palit na ako ng sanitary napkin ko.
Tumayo ako ng may kumatok sa pinto, baka si Apple na ito. Pagbukas ko at nagulat ako sa taong nandito, walang iba kundi si Mark. Napakunot ang noo ko ng makita kong baby pala ang nasa backpack niya. Ngumiti ako sa kanya ng may pagtataka. "Hello?" bati ko sa kanya at puzzled sa mukha ko kung bakit siya nandito. Gabi na, dapat ay nakauwi na siya sa kanila atsaka yung baby dapat hindi na nilalabas ng ganitong oras.
"Pwede bang pumasok?" tanong nito at nataranta ako sa sinabi niya. Oo nga pala, nakalimutan ko.
"Sige. Pasok ka po." Pinapasok ko siya at pinaupo sa sala. Inilapag niya sa center table ang dala niyang plastic at kinuha ang baby sa backpack. Sa tansiya ko ay mga 7-8 months itong baby.
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Fiksi RemajaMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...