T2OU 47

31 4 0
                                    




Mori's PoV


"Bakit puro mukha ko ito?" nagtatakhang tanong ni Boss ng makita niya ang lahat ng larawan niya dito sa loob ng ballroom, hindi naman lahat ng nandito sa loob ay mukha talga niya. Yung iba dito ay larawan ng mga batang nakakasama ko at tinutulungan ko sa Pangasinan, pati ang ibang larawan ng mga isla ay nandito rin. Ngumiti ako sa kanya at huminto kami sa favorite kong picture niya na lagi kong tinitignan sa camera. Ito yung picture niya na kinuhanan ko sa bangka ni ninong nong papunta kami sa favorite hide out ko. Yung pilit kong pinapangiti siya.

Hinawakan ko ang kanang pisngi niya habang nakangiti ako sa kanya. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang hawak ko siya ngayon. Hinawakan niya naman ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya. Nakangiti lang din siya sa akin at mukhang alam na ang nangyayari ngayon.

"Happy Birthday my boss love!" bati ko sa kanya. Pinagdikit niya ang mga noo namin at pinisil ang pisngi ko na siyang nagpahiwalay sa amin. Napahampas tuloy ako sa braso niya. "Aray!" reklamo nito habang tumatawa. Tuwang-tuwa ang loko.

"Teka, sino nag-organize nitong photo exhibit?" tanong niya. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya at hindi siya sinagot, imbes ay hinila ko siya sa katabing pader at humarap kami dito. No idea siya kaya heto tanong ng tanong. "Anong ginagawa natin dito sa harap pader?"

Muli ay hindi ko siya sinagot. Sinenyasan ko ang lalaki sa gilid para itaas na ang skyfolding na nag-uugnay sa ballroom na ito at sa kabilang ballroom. Nasa kabilang ballroom kasi ang mga taong naghihintay sa amin kanina pa. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Boss Love at medyo kinakabahan din ako. Para kasing magiging first public appearance namin ito as a couple sa harap ng maraming tao. Hahaha. Wow! Feeling artista. Palibhasa nandito kasi ibang Prof ng school namin kaya kinakabahan ako ng sobra sobra. Baka kasi i-judge nila kami or worst baka ako ang ijudge nila, baka sabihin pa nila ginogold dig ko si Boss Love, e ang totoo ay hindi naman.


"HAPPY BIRTHDAY MIGUEL!" Bati sa kanya ng mga taong nagmamahal sa kanya. Nagsipalakpakan sila habang papalapit kami sa kanila. Ang ganda ng mga ngiti nila na para bang proud sila sa amin dahil bagong kasal kami but no proud sila dahil sa achievement kong ito, hahaha. char! Syempre masaya sila dahil sa kaarawan na ito ni Boss Love, ako kaya ang nag-organized ng lahat.

Bumitaw muna ako sa kanya habang binabati siya ng lahat. Nilapitan ko ang team ko para itanong kung ready na ba ang lahat para sa dinner at 'yes' sa wakas makakakain na rin kami. Gutom na gutom na din kasi ako eh. 

Sinenyasan ko na ang emcee para makapag-umpisa na sa program ng celebration na ito.

"Okay, everyone. Please settle down now as we start this birthday celebration of our favorite boss of all times." pagsisimula ng emcee. Nakita kong hindi mapakali si Boss sa upuan niya kaya tinext ko siya na nandito lang ako sa gilid.

"Should we start with a prayer from the good son of our beloved boss. May we call on Tristan to lead the prayer?"

Sinenyasan ko si Tristan na umakyat sa stage at iyon nga ang ginawa niya. Ngumiti ako sa kanya para hindi siya kabahan.

"Can we all stand for I am leading the prayer for our sumptuous dinner tonight?" tanong nito at sinunod naman siya ng mga tao.  "In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit, Amen. Dear Lord, Bless my Dad's Birthday today that you may give him more blessings, good health and birthdays to come and guide him always and lead him to a right path way of life. Also thank you to Tita Mori for giving him the chance to live again by loving him with all her heart. I promise that Daddy Miguel won't hurt her even if he's quite sometimes topakin. And please bless this meal, and all that it means. May the food nourish us and most of all, may we always invite you into our homes.  My Lord Jesus Christ. In your name, I pray. Amen."

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon