T2OU 54

17 2 0
                                    




Migs' PoV


Katatapos lang ng meeting namin at ngayon ay nagmamadali akong pumunta sa apartment nila Mori para sunduin sila ni Nanay Ellen. Ihahatid ko kasi sila kina Tito Erick dahil mag-istay sila doon hanggang new year na.

Paalis na ako ng office ng harangan ako ng secretary ko sa may pinto. "Sir, nandito po ulit si Miss Alcantara."

"Tsss. Papasukin mo."

Pagkapasok niya ay nagmadali akong kausapin siya at baka mainip na si Mori sa paghihintay sa akin sa apartment.

"Anong kailangan mo?" tanong ko ng hindi siya tinitignan dahil busy ako sa pagtetext kay Mori.

"Bakit kinansel ni Moira yung scheduled event namin sa inyo?"

Nagkibit balikat ako sa kanya. "You should know that better than me. She gave you a complete package for that event yet you're looking for another photographer." I explained. "So, if you have nothing to say, I'm going. Mori is waiting for me." kako sa kanya at iniwan ko na siya.

Okay naman kami ni Jenny pero kung siya ang magiging dahilan ng pag-aaway namin ni Mori, talagang lalayuan ko siya at ako ang iiwas once na lumapit pa siya.

Paglabas ko ng hotel ay naghihintay na sa akin ang valet service. "Thanks Vic." sabi ko pagkakuha ko ng susi. Papasok na ako ng kotse ko ng may dalawang tumawag sa akin.

"Boss Love."  /  "Miguel."

There, I saw Mori and Jenny called me infront of the hotel. Saglit silang nagtinginan at saka tumakbo sa akin si Mori. Somehow, I got nervous because of them. For goodness' sake, we're in a same place.

"What are you doing here?" Tanong ko kay Mori. Hindi niya pinansin ang tanong ko sa kanya, nilingon niya si Jenny.

"Tawag ka niya." sabi nito sa akin. Alam kong kilala niya si Jenny dahil ilang ulit na niya itong nakita.  "Kausapin mo muna." sabi nito saka ako tinalikuran at nagsimula na siyang maglakad papunta sa passenger's seat.

Napailing ako sa ginawa niya. Pinigilan ko siyang sumakay at hinila ko siya palapit kay Jenny. Hindi niya ineexpect ang ginawa ko at nakita ko ring nagulat si Jenny sa ginawa ko dahil isinama ko si Mori papalapit sa kanya.

"Love, this is Jenny. Jenny, she's Mori. The one I'm talking about." Pagpapakilala ko kay Mori.

Nagkatinginan sila at ngumiti si Mori sa kanya na ikinagulat ni Jenny. Inilahad din ni Mori ang kamay niya para batiin ito.

"Hello. Ikaw pala si Jenny, EX nitong Love ko. Nice to meet you." Nakipagkamay din si Jenny.

"Nice to meet you too."

"Jen..." Magsasalita pa sana ako ng pangunahan ako ni Mori.

"May kailangan ka bang sabihin kay Migs? Kasi kung wala na baka pwede na kaming umalis, uuwi pa kasi kami sa bahay hinihintay na kami nila Daddy. Kung pwede lang?"

Dahan dahang tumango si Jenny saka ngumiti. "Sure. Sorry naabala ko pa kayo. Next time nalang siguro hindi naman importante sasabihin ko."

"...And isa pa nga po pala, pwede po ba kapag may kailangan kayo kay Migs tawagan niyo po muna yung secretary niya and let her tell to her Boss what you need. Naka-standby lang naman siya anytime to pick-up a call from you. Medyo hindi kasi magandang tignan yung hinahabol mo yung EX mo around the hallway lalo ma't wala ka naman po palang sasabihin. Anyways, yun lang naman po. May number ka naman po siguro sa secretary niya? Just call her nalang, nagswap kasi kami ng phone nitong si Migs eh, kaya medyo nakakabother kung andaming nagtetext lalo na kapag galing sa iisang tao lang. Yun lang naman. Thank you po sa pag-intindi ha. Mauna na kami."

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon