Chapter 18
Miguel's PoV
"Happy Birthday Mori~ happy birthday Mori~ happy birthday~ happy birthday~ happy birthday Mori~~"
Kanta naming lahat ng makapasok si Mori dito sa function hall. Gulat na gulat siya dahil hindi niya inaasahan itong surprise namin sa kanya. My son gave the bouquet of flowers with some Ferrero on the top of it.
She don't look surprise with the presence of my son dahil alam kong narinig niya ang usapan namin ni Nick kanina ang hindi niya inaasahan ay nandito ang Nanay niya at si Apple.
"Thank you Big Guy." Sabi nito kay Tristan. Nagyakapan pa silang dalawa.
"Ee~ Grabe kayo... Sabi na e. May ginagawa kayong kababalaghan. Hahaha."
Natawa ang lahat sa sinabi niya. Lumapit na ako sa kanya para pahipan ang cake. Kanina ko pa kasi hawak to, halos matunaw na rin ang kandila niya.
"You wish first." Kako sa kanya saka siya pumikit at ilang sandali pa ay dumilat na siya saka hinipan ang candle. Napatingin siya sa akin at sandali kaming nagkatitigan, ako na ang unang nag-iwas ng tingin.
Weird! Just weird.
"Ayieee." Pang-aasar nila. Ngumiti nalang ako kay Mori.
"Let's go." Pag-aaya ko sa kanya. Umupo na ang lahat sa mahabang mesa at sinimulan na naming kumain at syempre hindi mawawala ang kwentuhan. Pagtapos naming kumain ay sinimulan na ni Mori ang pagbubukas ng regalo. Nauna niyang binuksan ang regalo ni Dexy dahil excited na ito na ipakita kay Mori ang regalo niya.
"Laptop?!" I knew it. That's Dexy Girl. Ano pa bang magagawa ko?
"Eh, tanggapin mo na. That's a gift from me naman e. Atsaka hindi lang naman ikaw ang meron pati si Apple, meron din. Sige ka magtatampo ako sa'yo kapag hindi mo kinuha yang regalo ko."
At nakipagtalo pa ang pinsan ko sa may birthday. Ayaw sanang tanggapin ni Mori kaso wala na siyang nagawa dahil sa kakulitan ni Dexy. Nag-aalala naman ako sa regalo ko. Baka kasi hindi niya tanggapin ito. Kay Dexy na nga lang halos ayaw niyang tanggapin, paano nalang yung regalo ko?
"Come on Mori! Open my gift. Open my gift!" And now my son is excited too. Napakahyper talaga nilang mag-Tita. Hindi nakapagpigil si Tristan ay tinulungan pa niya si Mori para buksan ang regalo niya.
"That's me and you, when we were in the hospital."
"Waah. Thank you handsome. Ang ganda at ang gwapo natin dito oh."
Tuwang tuwa ang dalawa at parang sila lang ang tao dito at nakuha pa nilang magkwentuhan ng tungkol sa nangyari sa hospital. Ang regalo ni Tristan ay isang malaking picture frame na may picture nilang dalawa. I don't know when did exactly they take it.
"Kanino galing 'to, walang pangalan?" Tanong ni Mori. Nanahimik nalang ako dahil sa akin ang hawak niyang regalo. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng paniniko sa tagiliran ko. Pagtingin ko ay ang magaling na si Gian pala.
"Migs, 'di ba sayo yun?" Bulong niya sa akin, umiling lang ako bilang sagot saka ako uminom ng wine na nasa harap ko. "Imposible. Nakita kong hawak mo yun kanina e." Pagtataka niya at waring nag-iisip.
"That's not mine, dude. Baka kina Dad."
"Hindi e. May mga pangalan kung kanila. Sa'yo talaga yon e."
"Tsk. Ok fine. That's mine."
"Sabi na! Dideny pa e."
Medyo nairita ako kaya nilagok ko na yung naitirang wine sa glass ko. I must be nervous na baka ibalik niya ito sa akin, baka kasi hindi niya magustuhan, alam niyo naman siya minsan topakin. Tumayo na ako at akmang aalis ng biglang sumigaw si Mori.
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Fiksi RemajaMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...