Mori's PoV
"Are you sure na kaya mo na?" Tanong ko kay Migs. Magdadalawang linggo na kami dito sa hospital simula nong magising siya at nagpupumilit na siyang umuwi dahil maayos naman na daw ang kalagayan niya and besides namimiss na daw niya ang anak namin.
Pinayagan naman na siya ni Doc na makauwi at may mga ibinilin lang na mga bawal gawin.
"Oo nga. I'm fine, Love."
Huminga ako ng malalim at sinunod ang gusto niya. Kinausap ko si Doc bago ko siya dinischarge. Nagpasundo na rin ako sa driver dahil hindi ko kayang magdrive ngayon ang gusto ko nasa tabi ko lang si Migs.
Sumandal ito sa akin at niyakap ako sa bewang. "Uy! Anong ginagawa mo?!" Pinalo ko ang kamay niya. Nakakailang kay manong driver.
"I love you!" Bulong nito na nagpatahimik sa akin. Alam ko araw araw niyang sinasabi iyan sa akin pero iba pa rin talaga ang tama nito sa akin. Malala. Nakakabaliw!
"Mam, Sir nandito na po tayo."
Hindi ko na nasagot si Migs nang magsalita si Manong. Lumabas ako ng sasakyan at hinawakan ang kamay niya para alalayan. Maya maya ay naririnig na namin ang boses ng batang maliit mula sa loob ng bahay.
"Dada... Dada... Mommy... Mommy..."
"Ayan excited na anak mo." Ngiti ko kay Migs. Pagkapasok namin ng bahay bigla silang nagpaputok ng mga poppers.
"Welcome home!" Sigaw nilang lahat. As in nandito silang lahat. Sina Apple at Mike, ate Dexy plus yung mga chikitings niya syempre hindi mawawala si kuya Gian, sina Daddy at Mommy, sina Tito Enrico at Tita, basta lahat sila.
Tinanggal ko ang dumi sa ulo ni Migs at nang manahimik silang lahat nilingon namin sila at tinuturo nila ng palihim si Miracle.
Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko saka ako bumulong kay Migs.
"Lapitan mo na si Miracle." Kako at hinaplos ang likod niya saka ako ngumiti.
Tumingala ako dahil anytime alam kong babagsak ang mga luha ko. Ito na ang simula ng pagsasama ng mag-ama. Dito na talaga mabubuo ang pamilya namin.
Nakita ko ang pagbuhat niya kay Miracle at niyakap ito. Halos lahat na pala kami dito ay nag-iiyakan sa nangyayari, pati ang baby ni ate Dexy nakakaramdam yata kaya ayan umiiyak na rin.
"Dada?" Ani ni Miracle habang hinahaplos ang mukha ni Migs. Nilapitan ko silang dalawa, inakbayan ko si Migs at sumandal sa balikat niya saka ngumiti kay Miracle habang pinapahid ang luha ko.
"He's here, baby." Pagkasabi ko sa kanya non ay bigla naman siyang umiyak.
"Waahuhuhuh..." Ngawa nito kaya naman natigilan kami. Kinuha ko siya kay Migs.
"Anak, why are you crying?" Tanong ko. Tumigil naman siya at ngayon humihikbi na.
"We're finally together!"
Niyakap ko siyang muli at tuluyan ko ng hindi mapigilan ang luha ko. "Yes Baby. Daddy is here now." Kako.
Nilingon ko si Migs na hindi na rin napigilan ang luha niya at naggroup hug kaming tatlo. "I love you both!" Aniya ni Migs.
"We love you too." Sagot ko.
Tinuro ako ni Miracle. "Mommy." Bulalas nito at tinuro din niya si Migs. "Dada." Tumango kami ni Migs.
This time humarap naman siya kina Dad. "Lolo Daddy, Lola Mommy, meet my Daddy." Aniya ng inosenteng si Miracle.
"Oh group hug na..." Anunsyo ni kuya Gian kaya iyon ang ginawa naming lahat.
Nagsalo-salo kami sa pagbabalik ni Migs at sa pagbuo ng pamilya namin. I prayed na sana nandito rin ang kapatid ni Migs at ang anak namin na si Heaven. I felt very happy that my dreams come true, na mabuo ang pamilya ko. Na sa bandang huli thankful pa rin ako kay God na tinupad niya ang pangarap ko. May purpose si God kaya ngayon lang niya ibinigay ito sa akin and that is to make sure that everything is in it's place.
Niyakap ako ni Migs pagkapasok ko ng kwarto ko at isinayaw. Kakatulog lang ni Miracle sa kabilang kwarto. Nakauwi na rin ang lahat kanina pa.
"I missed you, love!" Bulong nito. Niyakap ko siya ng mahigpit at ipinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya at ang mga legs ko sa bewang niya. Imbis na piggy back ride, its a piggy front ride. Hahaha
"Pfftt. You're heavy." Natatawang sabi niya. Ngumisi ako at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
"I missed you too, Boss Love." Kako sabay mabilis na hinalikan ito.
Naglakad siya sa kung saan at astang susunggaban ako ng mag-iwas ako.
"Aba... Aba... Nanunuklaw ka na ha." Kako at bigla nalang niya ako pinahiga sa kama habang siya ay ayan sa ibabaw ko.
"I love you too." Sagot ko sa kanya at alam kong kanina pa niya hinihintay iyan mula nong bumaba kami ng sasakyan.
This time hinalikan niya ako at wala na akong kawala. Parang parehas kaming nangulila sa isa't-isa. Ngayon naman ay pinagdikit niya ang mga noo namin at para bang may dinudukot siya sa bulsa ng pantalon niya. Napatakip ako sa mukha ko ng makita ko ito.
"Mori... Will you marry me?"
Niyakap ko siya ng mahigpit saka ako tumango. "Yes na yes, Boss Love! Oh my God!"
Parehas kaming bumangon. Umupo ako sa gilid ng kama at siya naman ay lumuhod sa harap ko. I handed out my hand to him as he slide that shining diamond ring on my finger. This would be one of my happiest day of my life."Dada?" Napalingon kami sa may pinto at doon ay nakita naming nakatayo si Miracle habang yakap ang paborito niyang teddy bear at habang nililidlid nito ang isa niyang mata. Nagising ang batang maganda.
Sinenyasan ko siya. "Come here, anak." yaya ko sa kanya as I wiped my tears away. Umupo sa tabi ko si Migs at inakbayan ako habang si Miracle naman ay kinalong ko sabay halik ko sa ulo nito.
Hinaplos ni Migs ang balikat ko kaya nilingon ko siya at mabilis na hinalikan sa labi. "Thank you, Boss Love." kako sa kanya at sumandal ako sa balikat niya.
"Hmm? Mommy what's this?" naramdaman kong hinawakan ni Miracle ang kamay ko at ang tinutukoy niya ay ang singsing na bigay ni Migs.
"I gave it to her, baby." Migs' said.
"where's mine, Daddy?" hirit nito. Ngumiti si Migs sa kanya at kinuha ito sa akin. I didn't expect that Migs would also give a ring to Miracle.
"Syempre meron din para sa baby namin." Inayos muna ni Migs ang buhok ni Miracle na nakaharang sa mukha niya. "Miracle, I will give this ring to you as a promise ring that I will love you with all my heart and I will never ever leave you forever. I love you both!" sabay yakap nito sa aming dalawa ni Miracle.
"I love you too, Daddy! I love you, Mommy."
Ngumiti ako sa pagkakataong ito. Matagal ko ring pinangarap ito na magkasama kaming apat (with Heaven) at mabuo ang pamilya namin. Ngayon ay matutupad na ito. Salamat sa lahat ng taong pinagdasal rin ang pamilya namin na mabuo. Salamat na lahat ng taong naniwala at binigyan kami ng pagkakataong makasama kayo sa kwentong ito.
Salamat sa pagbabasa at sana may mga natutunan kayo sa aming kwento. Hanggang dito nalang. Maraming Salamat!
Signing off: Mikomori Martinez soon-to-be Mrs. Suarez
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Teen FictionMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...