Miguel's PoV
It has been a week since Jenny came back. We kinda sort things out and she explained to me what happened to her all this years. I promised that I'll listen to her when the time comes and that is last week when she came back. I listened and I try to understand her situation. I try to set aside all the pain she brought me when she runaway, foolish decision but that's what my heart says... To forget the past and to forgive her.I know a part of me still have that 'LOVE' that I felt for her and maybe because she was my first love afterall.
"Ganon nalang 'yun Miguel? Pagkatapos ng lahat nang ginawa niya sa'yo, pinatawad mo na agad? Ang laki mong tanga!!!! Hindi ko alam kung bakit naging ganyan ka. Tandaan mo Miguel, siya ang dahilan kung bakit nagkandaletche letche ang buhay mo!" Dexy shouted me. She's angry because I told her about Jenny.
"Babe, tama na." pagsasaway ni Gian. Sinenyasan ko siya na hayaan nalang si Dexy dahil hindi yan papapigil once na galit siya kaso umiling si Gian, kaya naman...
Tinabig ni Dexy ang kamay ni Gian. "Bitawan mo 'ko!" galit na sabi nito pero hindi siya binitawan ni Gian bagkos ay niyakap niya ito sa bewang niya upang hindi makalapit sa akin.
"Miguel tandaan mo ang sinabi ko! Once na malaman kong binalikan mo 'yung babaeng yon umasa kang hindi na tayo magkikita at puputulin ko lahat ng ugnayan natin bilang magpinsan. Tandaan mo yan!!"
"Babe..."
Wala ng nagawa si Gian kundi ang bitawan si Dexy at saka umalis. Umiling si Gian saka lumapit sa akin. "Bro, wala akong papanigan sa inyo ni Dexy pero pag-isipan mo sana ang mga magiging desisyon mo, wag kang magpadalos dalos. Pakinggan mong mabuti kung ano ang nasa puso't isip mo. 'Wag mo sanang hahayaan na masaktan ka ulit ng dahil sa maling desisyon mo. Alam kong may natitira ka pang pagmamahal diyan sa puso mo para kay Jenny pero sana maisip mo yung mga tao pang nagmamahal sa'yo at concern sa kalagayan mo."
Gian left me after what he said. I just forgive her, wala ng iba. Ganon na ba ka-big deal kay Dexy 'yon? Napapikit nalang ako dahil sumasakit na rin ang ulo ko sa mga nangyayari.
Mori's PoV
Hapon na ako nakadating dito sa resort dahil may inasikaso pa ako at 'yun ay ang mga requirements ko para sa papasukan kong school sa Maynila. Pasipol sipol pa ako habang naglalakad papasok ng resort ng masalubong ko si Miss Kris na hindi maipinta ang mukha niya.
"Mori... Mori..." tawag nito sa akin ng makita niya ako. Hinila niya ako paupo sa isang cottage at palinga linga ito bago niya ako hinarap. "Oh my G! Oh my G talaga!!" tili nito sa sarili niya sabay yugyog sa mga balikat ko. Napa-aray nalang ako sa pinaggagagawa niya.
"Ano ba yun?" reklamo ko sa kanya. Pumikit siya saka tumili na naman. "Aray ha. Masakit na madam." reklamo ko na naman. Bumitaw siya sa akin at ginulo nalang ang sarili niyang buhok. "Hoy ano ba yun, madam?" tanong ko sa kanya.
"Grabe na itey!! Alam mo ba, galit na galit si Mam Dexy kay Boss Miguel at sinisigawan niya ito kanina sa office niya. Naku naku!!"
"Huh? Bakit daw? Anong nangyari??"
"Naku! Heto na nga. Ang alam ko ay dahil ito sa ex ni boss, yung Jelly ba yun?"
"Jenny." sagot ko. Napahinga ako ng malalim at tumayo. "Miss Kris shut up nalang tayo tungkol diyan. Baka may makarinig pa sa atin na pinag-uusapan sila, mahirap na." kako sa kanya at tumahimik naman siya kaya naman umalis na ako at nagtungo sa office ni boss. Napahinto ako sa paglalakad ng maramdaman ko ulit ang sakit. Isang linggo nang sumasakit ang dibdib ko. Natatakot naman akong magpacheck up dahil baka hindi ko kayanin kapag nalaman kong may sakit na pala ako. Huminga ako ng malalim at binaliwala ang sakit.
BINABASA MO ANG
The Two of Us
ספרות נוערMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...