T2OU 15

52 4 0
                                    

  
Chapter 15
    

Miguel's PoV
    
Nandito kami ngayon sa  funcion hall kasama ang EX ni Mori at sina Kris para pag-usapan ang magaganap next week sa gusto nilang mangyari sa kasal nila. Sa ngayon ay tahimik lang si Mori dito sa tabi ko habang nakapatong ang isang kamay niya sa mesa. 

Paniguradong kinakabahan ito kaya hinawakan ko ang isang kamay niya sa ilalim ng mesa to assure her that everything will be alright.

As the time passes, hindi parin niya binibitawan ang kamay ko hanggang sa dumating ang pinsan ko at ang magaling kong kaibigan na magkahawak kamay pa. Si Dexy naman ay may dalang paper bag.

"Are we late?" Tanong ni Dexy. Tumayo ako para ipakilala siya sa lahat.

"No. You're just in time." Sagot ko at hinarap silang lahat.  "Everyone, this is Dexy Girl, the daughter of the real owner of this resort." Pagpapakilala ko sa kanya at binati naman siya ng lahat pati si Richelle ay binati siya.

"Hi Ma'am! Ang ganda naman pala ng may-ari, kaya pala maganda din ang service dito."

"Ehem. Do I know you? Tsk. Next time don't compare me to our employees's service dahil walang koneksyon ang ganda ko sa ganda ng serbisyo nila. You should compliment them not me."  And that's it. When her attitude attacks.

Sasagot pa sana si Richelle para mag-sorry ng magsalita ulit si Dexy.  "Wow! Is that you Mori? Just Wow! You look more younger with your new hair cut. I like that----no, erase it, I love it. " Masayang sabi nito at halata namang kanina pa niya nakita si Mori sa tabi ko. "...Ohw. What's with that holding hands? Waaah. Kayo ha. You didn't tell me na kayo na pala."  Napabitaw agad kami ni Mori ng makita ni Dexy ang kamay namin. Fvck! Hindi na naman ako titigilan ni Dexy sa panunukso niyan mamaya. Bakit ba napakatalim ng mata niya?!

"Asus!" Sambit ni Dexy at nilapitan si Mori saka hinalikan sa pisngi at inabot sa kanya ang paper bag. "That's for you for taking care of Miguel." Sabi nito saka umupo sa tabi ni Mori at si Gian naman ay sa tabi ko na may binubulong.

"Magpaliwanag ka mamaya ha."
   
All through out our meeting hindi ako mapakali dahil kalbit ng kalbit itong si Gian. Sinamaan ko siya ng tingin saka sinapak ang binti niya. Kahit kailan talaga, paano ko nga ba naging kaibigan tong mokong na to? Tss.

"It's settled then. Thank you again Mr. Jason and Rich." Anunsiyo ni Dexy at napahinga ako ng maluwag dahil makakaalis na kami dito.  "Gian, Miguel, maiwan kayo dito may pag-uusapan pa tayo."  Napatingin ako kay Dexy with the look of 'SRLY?' And she just smiled at me and nod.

Pagkaalis nilang lahat saka ako hinarap ng dalawa.  "So, are you going to tell us or not?"

Mikomori's PoV
    

Nakisabay ako kina Mam Kris at Fernanda sa paglabas ng function hall. Magmemeeting pa yata sila. Dumating pala si Dexy Girl hindi ko naman alam, tapos binigyan pa niya ko nitong magandang damit na to. Masarap din siyang kakwentuhan kaso nga lang nahihiya ako minsan sa kanya. Ewan ko lang kung bakit ako nahihiya sa kanya. Abnormal na yata ako. Haha.

"My golly... Ang ganda ni Mam Dexy girl, parang manyika! Haru. Taob ang beauty ko Bes."  May pagpapapaypay na sabi ni  Fernanda, napangiti nalang ako sa sinabi niya, si Mam Kris naman ay natawa.  "...Pero infairness bagay sila ni Gian ah."

"Oo nga e. Nakakainggit yung puti niya, ang galing talaga mamili ni Gian sa jojowain..."  Sagot ni Mam Kris.  "Pero... May hindi sinasabi yung isa diyan~" dagdag ni Mam Kris saka sila sabay na tumingin sa akin, as in sabay na sabay.

Napailing nalang ako saka nauna nang maglakad.  "Wala yun." Sagot ko at hinabol nila akong dalawa at niyakap ang braso ko.  "A-Aray naman Fernanda." Reklamo ko ng masagi niya yung sugat ko na nakabandage..

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon