T2OU 67

23 2 0
                                    

   
Mori's PoV


"Dad!! Mom!!! Pres!! Kuyaaaa!!!!" Napasigaw ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Mabilis namang pumasok sina Kuya ng kwarto ko at nilapitan ako.

"Anong nangyari??! Anong masakit??" Tanong nila sa akin. Hinawakan ko ang ulo ko at halos maiyak ako sa sakit.

"Ang sakit ng ulo ko. Parang minamartilyo!"

"Tsss." Sa isang iglap ay nawala ang pag-aalala nila at nasermonan pa ako ng wala sa oras. Nakatitig lang silang tatlo sa akin habang nakakros ang mga braso nila. Si Dad, kuya Mark at Pres.

"Inom pa ha." Komento ni kuya Mark.

"Sa susunod kasi wag iinom kapag hindi naman pala kaya." Pasegunda ni Pres.

"Hindi. Sige lang, uulitin pa niya yan. Masarap naman uminom hindi ba? Dapat nga mas dinamihan mo pa eh. Yung halos mamanhid ka na sa sobrang kalasingan." Sinimangutan ko silang tatlo at hindi na ako nakasagot ng pumasok naman si Mommy na may dalang pampatanggal ng hangover.

"Pasalamat ka kilala namin yung naghatid sa'yo kagabi dahil kung hindi, hindi lang yan ang aabutin mong sermon galing sa amin." Inabot sa akin ni Mommy ang dala niya at umupo sa gilid ko.

"Thank you Ma."

Ngumiti lang si Mommy sa akin at hinaplos ang buhok ko. "You are always welcome bunso." Ngumiti rin ako at niyakap siya nang maalala ko ang anak ko.

"Si Miracle nga po pala, nasaan?"

"Ehem. Nasa baba kalaro si Trystan." Sagot ni Dad. Napatingin ako sa kanilang apat at awtomatikong napatayo ako at bumaba. Hinanap agad ng mga mata ko si Trystan at nang makita ko sila sa may playroom ay nagkasalubong ang mga mata namin.

"Tita Mori?" Nakangiting sambit nito at tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako. "Tita, namiss kita!" Sambit nito at nararamdaman kong unti-unti ng nababasa ang damit ko at hindi ko na rin napigilang umiyak.

"Namiss din kita Trystan." Niyakap ko ito ng mahigpit at saka pinunasan ang mga luha nito. Hindi ko alam na magiging ganito ang reaction niya sa reunion namin. Akala ko kasi ay magagalit siya sa akin. Narinig ko kasi kay ate Dexy na isa sa naapektuhan sa pag-alis ko ay si Trystan.

Buong maghapon ay hindi ko sila iniwanan ni Miracle. Talagang nagbonding kaming tatlo kahit na medyo wala pa sa kondisyon ang ulo ko ay pinilit ko talaga.

"Mommy, why are you hugging him?" Asked by my innocent daughter. I just smile at her and pull her into a hug.

"She's jealous, Tita." bulong ni Trystan at tumawa ng mahina. Sumimangot si Miracle at binitawan ako. "I heard that." she said.

"Anak, don't be jealous, okay? I didn't see your kuya Trystan for a long long time that's why I'm hugging him. You know I love you, right?"

"Yes Mommy."

She can understand it once I explain something to her kaya proud din ako sa anak ko na yan kahit bata pa siya, saan pa ba magmamana yan kundi sa akin lang din naman.

Iniwan ko na muna yung dalawa at gumawa ako ng pizza na gusto nilang kainin pati na rin ang spaghetti na parehas nilang paborito. Habang nagluluto ako ay pumasok si yaya Isabel.

"Ma'am nandiyan po si Sir Miguel."

"H-Huh??" nataranta ako sa sinabi niya at inayos ko ang buhok ko. Napahinto ako sa ginagawa ko ng maalala ko, bakit nga ba ako nag-aayos at natataranta? Sana hindi napansin ni Yaya ang ginawa ko. Hinarap ko nalang siya. "Papasukin mo, Ya. Pakisabi makipaglaro muna sa mga bata."

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon