Chapter 7
Miguel's PoV
"Is that all?" Tanong ko kay Kris.
"Yes sir. Bale, 5 days sila dito for their tour and everything is set para sa pag-istay nila dito and for the discount, I think nasabi na sa'yo ni Sir Inggo ang tungkol dito, right Sir?"
"Yes. He gave them 10% discount for their stay."
"Then, ok na po lahat. Nakausap ko na rin sila Chef and other team leaders for this event at ok na daw po lahat."
"Ok. You may go. Thanks Kris." Pagkatalikod na pagkatalikod niya ay itinuon ko ulit ang sarili ko sa monitor ng computer. I was about to call my Dad thru skype when someone knock on the door. And its Kris, again.
"Sir?"
"Yes? May nakalimutan ka ba?" Tanong ko dito.
"Yes Sir. Remind ko lang po na College students tong mga to, alam niyo na medyo iba ang pag-iisip ng iba sa kanila lalo nat'... alam niyo na po nandito sila sa probinsiya natin."
Napatango ako sa kanya. I get it. "Ok. Check all the lights around the resort first, kailangan may ilaw lahat bawat sulok ng resort, pakicheck na ngayon pati CCTV's, make sure n gumagana. And tell to all employees na may meeting tayo around 4pm sa gazeebo."
Hindi masabi ni Kris ang gusto niyang sabihin tungkol sa mga magtotour dito next week.
Alam ko na gusto niyang sabihin na baka mamaya pag-uwi nila ay may bitbit pa sila na remembrance na dadalhin ng siyam na buwan. Aba, mahirap na lalo na't mga bata pa yang mga yan but I'm sure they'll know their limitations. Hope so.
Pagkaalis ni Kris ay sakto namang sinagot ni Dad ang tawag ko sa kanila, kaya napangiti ako.
"Miguel, kumusta? How's the resort? Kim is waiting for you, nandito siya oh." Panimula ni Dad at ipinakita si Tita Kim na katabi niya.
"Im fine. The resort is, well, still a resort. How about you Tita? Inaasikaso ka ba ni Dad ng mabuti diyan?"
Nakita kong natawa si Tita ng pasimple siyang sikuhin ni Dad kaya napangiti rin ako.
"Oo naman. Asikasong asikaso ako ng Daddy mo sa katunayan nga ipinasyal niya kami kanina sa park ni Tristan and your son did enjoy it." Nakangiting sabi ni Tita.
Speaking of, where's my son?
"Dad, where is Tristan?"
"He's asleep. Napagod kakalaro kanina with his cousins." Sagot ni Dad.
"Kumusta naman daw yung mag-asawa? Ok na ba sila?"
Napabuntong hininga sila sa tanong ko. I know the answer already.
"They want to separate kaya ayun pinagbigyan na namin. Bakit pa namin ipipilit ang dalawang tao na ayaw ng magsama kung hindi na nila mahal ang isa't isa, di ba?"
Napailing ako sa sinagot ni Dad. Humuhugot e. Kahit kailan talaga napakakunsintidor ni Dad kahit wala sa lugar.
"You should've call me Dad para makausap ko sila..."
"Miguel... I already talked to them pero wala talaga. So, let them be until they realize na nagkamali sila. Maybe, they need time and space for each other kaya hayaan nalang natin sila. Look, your cousin will be mad if we keep on insisting to talk to them. You know him, right?" Mahabang paliwanag ni Tita.
Wala na kong nagawa. Sayang naman ang ilang taon kung maghihiwalay lang sila ng basta basta. But what can I do kung ayaw na talaga nila? Hay buhay!
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Teen FictionMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...