Third Person's POV
Tinawagan ni Vanessa ang mga kapatid niya para sa isang napakaimportanteng meeting patungkol kay Nanay Ellen na kasalukuyang nasa hospital ngayon. Ilang buwan na ang nakaraan noong malaman ni Ellena na may malignant brain tumor siya.Sina Erick at Victoria palang ang nakakaalam nong unang at sila ang kasama niya tuwing magpupunta ito ng hospital ngunit isang araw ay nalaman ito ng magkapatid na sina Mark at Vanessa kaya sinabi na rin nila ito sa iba pa nilang anak maliban kay Mori dahil iyon ang bilin ni Ellena. Ilang linggo din nila itong sinekreto sa kanya dahil ayaw ni Ellena na mag-alala si Mori dahil tuwing nakikita niya ito ay napakasaya niya.
Katatapos lang ng pasko at nasa living room ang magkakapatid para pag-usapan ang gagawing pagbabantay sa hospital kay Ellena dahil nakaconfine ito. Hindi napigilang umiyak ni Vanessa dahil ayaw sana nito ilihim kay Mori ang nangyari sa Nanay niya kaso yun ang pinakabilin ni Ellena. Bata palang sila nila Mark at Moira noon ay napalapit na rin sila sa kanya kaya kahit na may nagawang kasalanan ito sa kanila ay pinatawad pa rin nila dahil napalaki naman nito ng mabuti ang kapatid nila at ibinalik sa kanya.
Kaya ganon nalang ang pag-aalala nila ng malaman nilang may sakit ito at mas masakit sa kanila dahil ayaw niyang ipaalam kay Mori ang nangyayari.
Nakatulala lang silang lahat at walang imik ng biglang dumating si Mori at si Migs. Nagkatinginan sila at nagulat kaya napatayo ang mga ito, mabilis na nagpunas ng mga luha si Vanessa.
"Mga ate at kuya nasan sila Nanay?" Tanong ng walang kamuwang muwang na si Mori.
Nilapitan sila ni Mori at naupo sa tabi ni Mark, si Migs naman ay nakatayo sa likod nito at hinawakan ang magkabilang balikat niya. Maski ito ay may alam sa nangyayari kaya panandalian niyang inilayo si Mori.
"Anong meron?" May pagtatakang tanong niya.
Hindi mapigilan ni Mori ang kabahan dahil sa mga itsura nila. Umiling nalang ito ng palihim saka ngumiti at humarap kay Vanessa na kagagaling lang sa pag-iyak. "Ate anong meron, bat ka umiiyak?" Tanong nito ngumiti si Vanessa at kinuha si baby Zia sa kanyang asawa.
"Wala naman. Katatapos lang namin manood ng movie. Nakakaiyak kasi, eh." Palusot niya kahit sa loob loob niya ay gustong gusto na niyang sabihin ang tungkol kay Ellena. Tumango si Mori at ngumiti saka nagkwento ng tungkol sa ginawa nila ni Migs sa Tagaytay after non ay umuwi na rin si Migs at nagpunta na sila sa kani-kanilang kwarto. Habang nakahiga si Mori ay bigla niyang naisip ang bestfriend niyang si Apple. Ilang araw na kasi silang hindi nagkikita dahil kinidnap ito ng kanyang boyfriend na si Michael at nagbakasyon sa Siargao.
Tinatawagan ito ni Mori at dahil nasa bakasyon sila at nag-eenjoy sa alone time nila ay napag-usapan nila na wala munang cellphone.
Matutulog na sana si Mori ng kumatok ang ate Moira niya at umiiyak.
"B-bunso..."
Mori's PoV
Nagulat ako sa pagpasok ni Ate Moira at umiiyak siya. Napabangon ako at tinakbo siya, mabilis niya akong niyakap at nakita ko sa likod niya si kuya Mark na nagmamadali."Let's go Moira. We have to go!"
Mabilis ang mga pangyayari. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa loob ng sasakyan ni Kuya habang si ate ay ipinapaliwanag sa akin kung saan kami pupunta at kung ano ang nangyari. Napalunok ako ng malakisa narinig ko.
"...Bunso sorry!" Umiiyak na sabi ni ate habang hawak ang dalawang kamay ko. "Ate bat' ka nagsosorry sa akin? Wala naman kayong kasalanan, e." Paliwanag ko at pinilipit kong pigilan ang mga luha ko.
"Still, naglihim pa rin kami sa'yo."
"Yun naman ang hiling ni nanay di ba? Pero bakit ngayon pa kung kelang masaya na tayong lahat?"
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Teen FictionMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...