T2OU 30

41 2 0
                                    




Mori's PoV

"Would you be my girlfriend?"

Seryoso siyang nakatingin sa akin at ganon din ako sa kanya at nang hindi ko na natiis ay humagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. Nagbibiro ba siya? Well, ang galing niyang joker. Pffft.

"Lakas talaga ng trip mo Migs. Hindi ko alam kung bakit nagiging ganyan ka."

"I'm serious Mori," natigilan ako sa sinabi niya at ang tono ng boses niya ay mukhang hindi siya nagbibiro. Napalunok ako at tinignan siya saglit after non ay napaiwas ako ng tingin sa kanya, parang nahiya ako bigla. Gusto ko ring lumabas dito kaso hindi ko magawa dahil nasa pinakataas pa kami at ang bagal ng usad nito pababa. Kung kanina ay excited akong sumakay dito ngayon naman ay parang gustong gusto ko ng madaliin ang oras, makalabas lang ako dito.

Nang maramdaman kong hawak pa pala niya ang kamay ko ay agad kong binawi ito at umiwas.

"I-I'm sorry if its sudden. I'm sorry kung nabigla kita. I-I just want you to be my girlfriend and I'm afraid na kapag hindi ko sinabi 'to sayo baka maunahan ako ng iba. Manila is big enough to find someone whom you can be with and I'm afraid that it might not be me that's why I'm confessing my feelings for you right now.Hindi ako nabibigla sa nangyayaring 'to but one thing is for sure and that is I Like You!"

Napahigpit ako ng kapit sa tuhod ko. Ano ba 'tong nangyayari? Anong sinasabi ni Migs?  Naguguluhan ako. Paraan niya ba ito para tuluyang makalimutan si Jenny at ginagawa lang niya akong panakip butas? Kung siya hindi nabibigla pwes ako sobrang bigla. Napailing ako at saktong pababa na kami kaya naman ng buksan ng staff ang pinto ay agad akong lumabas at dumeretso sa sasakyan. Nakasunod lang si Migs at binuksan nito ang pinto. Agad ko itong isinara at nagseatbelt na ako.

Buong byahe ay hindi ako nagsalita at ni tignan siya ay hindi ko ginawa. Sa window glass lang ako nakaharap buong byahe. Madilim na rin sa daan at marami ng street light ang nakasindi pati na rin ang ilaw sa kanya kanyang bahay. Medyo traffic na rin at marami ng red lights ang nasa harap namin. Gustong-gusto ko ng bumaba sa kotseng ito pero dahil sa traffic ay mukhang lalo pa nitong pinapatagal ang oras ko dito. Isa pa, hindi ko pa kabisado ang Maynila para lakbayin ito ng mag-isa at lalong hindi ko pa alam kung saang apartment kami titira ni Apple.

Siguro ay magdadalawang oras na kami sa byahe ng makadating kami sa destinasyon namin, sa titirahan daw namin ni Apple. Isa itong malaking building kaya naman ay nagtaka ako. This time, kailangan ko ng magtanong sa kanya.

"Bakit tayo nandito, Migs?"

Inihinto niya muna ang sasakyan sa harap mismo ng building na ito saka niya ako sinagot. "Dito kayo titira ni Apple." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Which is nakakailang.

"Goodevening Sir Miguel. Tulungan na po namin kayo." May sumalubong na bellman pero hindi ko na ito pinansin dahil nakatuon ang atensyon ko sa harap ng building na ito. Tumingala ako at binasa ang pangalan ng building.

"Grand S Residencia"

"Tara na," pag-aaya ni Boss. Nauna na siya at ako naman ay nanatili dito sa labas. Masyado na silang maraming naitulong sa amin, sobra sobra na ito. Hindi na tama na tumanggap pa kami ni Apple ng ganito sa kanila. Bumalik si Boss dahil nakita niyang hindi ako sumunod sa kanya. Umiling ako sa kanya.

"Hindi na tama 'to," bulalas ko at nagtaka siya sa sinabi ko. "Salamat pero masyado nang marami kayong naitulong sa amin ni Apple, sana hayaan niyo kaming kami naman ang maghanap ng matutuluyan namin. Akala ko kasi maliit lang na apartment ang titirahan namin, hindi ko naman akalain na sa condo pala kami."

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon