T2OU 21

44 4 0
                                    

Chapter 21

Miguel's PoV

"B-Boss nandito na po yung pagkain niyo po." Rinig kong sabi ni Chef Nikki mula sa labas. Napamulat ako at tumitig sandali sa kisame saka tumayo at pinagbuksan si Nikki.

Kinuha ko sa kanya ang hawak niyang tray ng pagkain saka ako ngumiti sa kanya at nagpasalamat.  "Thanks Nikki."

"S-Sige po Boss. Eat well po!"

I put the tray on the center table and stare at it. Mukhang masarap naman ang pagkain kaya lang parang wala na akong ganang kumain ngayon. Tinawagan ko si Manang at kasalukuyang kumakain si Tristan kasama ang mga pinsan niya na anak ni Nick kaya hindi ko na inistorbo pa. Now, Im checking what time is it. Mori will be here in a minute so I had to prepare for our leave. We'll be going to the City to buy some snacks and drink for later. Sinabihan ko na si Gian na ako nalang ang bibili since busy pa sila ni Dexy sa kabila.

Maya't-maya pa ay pumasok na si Mori at lumapit sa akin. "San tayo pupunta Boss?"

"Sa City." Sagot ko sa kanya saka siya nilagpasan. "Tara na." Yaya ko sa kanya saka lumabas ng office. Nasa likod ko lang siya na nakasunod at mukhang kinakausap na naman ang sarili niya.

Tumakbo siya para maabutan ako at kausapin. "Anong gagawin natin don Boss?"

Bumaba ako ng hagdan dahil ayaw kong gumamit ngayon ng elevator. Wala ko sa mood! Nakasunod pa rin si Mori at nangangalabit sa likod ko. "Boss, anong gagawin natin don? Sigurado ka bang sa City tayo pupunta, hindi sa Manila, ha Boss?" Tanong na naman nito. Huminto ako sa paglalakad at humarang naman siya ngayon sa daraanan ko. "Boss, ano na? Magsalita ka naman. Grabe! Baka mapanisan ka ng laway sa ginagawa mo niyan. Hindi mo ba ko sasagutin?"

Hindi na ako nakapagtimpi ay pinitik ko ang noo niya na siya namang napa-aray sa ginawa ko. "Aww! Grabe ka Miguel!! Bat' ka namimitik?"

"Ang kulit mo eh." Yun lang ang naisagot ko. Gusto kong tumawa sa reaksiyon ng mukha niya pero pinigilan ko ito.

"Ang sama mo talaga!"  Nakasimangot na reklamo nito habang hinahaplos ang noo niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa noo niya saka ko tinignan ang pinitik ko. Lihim akong napangiti ng makitang pulam pula ang noo niya. Ganon na ba kalakas ang pagpitik ko para mamula ang noo niya? Haha.     

"Ang pula." Bulalas ko.

Sumimangot siya lalo at nagreklamo na naman.  "Kasalanan mo yan e!" Saka ito nagpout. Dito ay hindi ko na napigilan tumawa ng mahina at tinignan niya ako ng masama saka tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kamay niya. Naglakad siya pababa ng hagdan kaya mabilis kong sinundan ito at bago pa siya makaapak sa ika-limang baitang kung kaya't dalawang hakbang nalang mula sa pinakadulo ng hagdan ay pinigilan ko siya at  ipinaharap ko siya sa akin at mabilis na hinalikan ang noo niya.

"Sorry!" The word that came out to my mouth then I realized what did I've done. Hinalikan ko ang noo niya kung saan ko ito pinitik! I said sorry sa pagpitik ko sa kanya.

Napakurap siya ng ilang beses at unti-unting hinawi ang kamay ko. "I-Im sorry!" Muling bulalas ko para naman sa paghalik ko sa noo niya. Sheet bat' ko nga ba ginawa yon??!

Umatras siya at mukhang nawala sa isip niya na nasa hagdan kami at wala sa patag na lugar.

"Aaaaahhh!!"

"Mori!" Napasigaw ako at mabilis na nahawakan ang kamay niya. Hihilain ko na sana siya ng ako ang mahila niya.

Mikomori's PoV

Nagulat ako ng biglang halikan ni Boss ang noo ko. Parang bigla nalang tumigil ang tibok ng puso ko sa ginawa niya. Nanginig ang kamay ko sa kaba at pinilit kong tanggalin ang kamay niya na nakahawak sa akin.

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon