Mori's PoV
4th day na namin sa school at halos lahat ng subjects ay puro assignments nalang ang pinagawa. Natapos ko ng gawin ang assignments ko kaya naman oras na para manood ako ng balita sa TV. Habang nanonood ako ay tinitignan ko ang phone ko. Nagtataka lang ako kasi wala pa si Apple, anong oras na. Baka mamaya ay kung saan na siya dinala ni Michael. Oo magkasama sila ngayon. Ang lola mo aarte-arte pero sumasama naman kay Michael, hindi ko maintindihan yang bestfriend ko kung ano ba talaga nararamdaman niya kay Michael. Minsan oo, minsan hindi ang sagot niya sa akin tuwing itatanong ko kung may gusto pa ba siya kay Michael, and in the end saka siya magdedenial kapag inaasar ko na siya. kagaya nalang nong isang araw, 'di ba?Natigilan ako sa pag-iisip at tumingin sa may pinto. May nagdodoor bell. Hindi naman pwedeng si Apple yan dahil alam naman niya ang code ng kwarto namin.
Binuksan ko ito at bumungad ang mukha ni Boss. Naningkit tuloy ang mga mata ko. Halos araw araw ay nagpupunta siya dito. Nagtataka na nga ako dahil baka mamaya napapabayaan na niya ang resort sa probinsiya.
"Hi. Goodevening!" ngiti nito sa akin. Nakita kong hindi lang sarili niya ang dala niya kundi may hawak din siyang pizza na dahilan para magningning ang mga mata ko.
"Pasok ka," pinapasok ko siya at pinaupo sa couch. Nakakaloka! Feeling ko ang awkward. Uupo na sana ako ng maalala kong magtitimpla pala ako ng juice.
"Nasan si Apple?" tanong nito at sumunod sa akin. Kahit na medyo malaki itong condo ay parang feeling ko nanliliit dahil nandiyan siya sa paligid ko.
Palihim akong huminga ng malalim saka siya sinagot at winala ang kaba sa dibdib ko. "Ayun, kasama yung manliligaw niya."
"What? May manliligaw na siya? Sino 'yun? Bakit sumasama siya sa hindi niya kilala? Kaklase niyo ba? Dapat hindi mo pinayagan." sunod sunod na tanong nito. Natawa ako sa kanya. Ang kuya mo concern. Haha.
"Wag kang mag-alala hindi naman siya aanuhin 'non tsaka may tiwala ako doon."
"Sino ba nanliligaw sa kanya?"
"Si Michael," kako sa kanya at inilapag sa mesa ang dala kong pitcher at baso. "Halika na nga dito, kainin nalang natin 'tong dala mo bago pa tumigas at lumamig." yaya ko sa kanya.
"A-Are you sure na nililigawan siya ni Michael?" nagtaka ako sa tanong niya. "Oo naman, bakit hindi?"
Maya maya pa ay nakita kong napangiti siya at parang nanalo sa lotto. "Uy, bakit?" tanong ko dito. Ngumiti ito sa akin at umupo sa tapat ko.
"I'll be honest with you," panimula nito. Napalunok ako at sumagi sa isip ko na... na... na baka bakla si Boss at may gusto siya kay Michael!! Oh M G!! "I thought ikaw 'yung nililigawan ni Michael but I was wrong. Natakot ako kasi mas matagal na kayong magkakilal---"
"Wait... Anong sabi mo??" Halos matawa ako sa confession niyang ito! Haha. Ako? Liligawan ni Michael? Pffft. That's impossible! Sa simula palang ng kwento ay si Apple na talaga ang gusto nito at sobrang tinamaan siya kay Apple kaya naman heto at nanliligaw ulit siya kay Apple tapos ang iniisip nitong si Migs, ako daw? Hahaha. Baliw!
"I thought it was you that's why I am making my move to be with you because I thought it was really you whom he's been talking about. And natakot ako na baka kapag hindi ko nasabi sa'yo ang nararamdaman ko baka siya ang sagutin mo dahil mas matagal na kayong magkakilala and now I was wrong all along."
"Oo, mali ka. Ano ba yang iniisip mo Migs? Hindi ako liligawan non dahil matagal ng may gusto 'yun kay Apple tsaka hindi kami talo 'no," paliwanag ko sa kanya habang ako ay natatawa sa sinabi niya. Kaya pala kung makapagsungit siya kay Michael ay ganon ganon nalang dahil ang alam niya ay nililigawan ako nito. Pfft.
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Teen FictionMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...