Mori's PoV
"Dean, thank you ha." Pagpapasalamat ko sa taong nagpangiti sa nakakabwisit kong araw. Ginulo nito ang nananahimik kong buhok saka tumawa.
"Wala yun." Sagot nito. "Basta kapag may problema ka, tawagan mo lang ako and I'll be there."
Tumango ako at ngumiti hahang pinapanood ang sunset. Sandali kong nakalimutan si Migs dahil sa pagdala niya dito sa akin. Isa talaga sa best view ang Tagaytay kapag sunset.
Salamat talaga kay Dean dahil kung hindi niya ako narescue baka kung saan na ako napunta ngayon. Gusto ko lang munang lumayo. Lumayo kay Migs na siyang dahilan kung bakit nasasaktan na naman ako. Ayoko sanang isipan ng ibang masama yung nakita ko pero nababahala ako sa narinig ko. Fiancee? To be specific, 'my Fiancee'?
Alam kong Ex niya yung si Jenny pero yung tawagin niyang ganon iba talaga ang iisipin ko.
Ayan, nagsisimula na naman lumuha ang mga mata ko at nakakahiya na kay Dean.
"Tahan na, Mori. Mauubos mo ng isang box ko ng tissue na matagal ko ng inaalagaan sa loob ng kotse ko, eh."
"Ha-ha-ha. Sorry. Last na to, promise."
Huminga siya ng malalim. "Last na din yang pag-iyak mo ha. Wala na akong stock sa susunod na umiyak ka."
"Hayaan mo, papalitan ko 'tong tissue mo para may magamit ako sa susunod."Natawa siya sa sinabi ko. "Silly. I'm just joking!"
Huminto na ako sa pag-iyak dahil nakakahiya na sa kanya. Huminga ako ng malalim saka tumayo. "Tara. Kain tayo ng bulalo? Treat ko." Pagyaya ko sa kanya. Nagugutom na din kasi ako.
Naubos yata ang energy ko kakaiyak kanina.
"Let's go. I know a place."Pumunta kami sa sinasabi ni Dean na kainan. Napangiti nalang ako sa nakita ko. Restaurant kasi ito ng barkada ni Boss at ni Kuya Mark, si Vince.
Naalala ko na naman si Boss nong unang punta namin dito. *sigh! Pumasok na kami ni Dean at naghanap ng upuan. Nakita ko agad si Vince at talagang hands on siya sa business niya. Nakita rin niya kami kaya agad niya kaming nilapitan at kinuha sa waiter ang menu card na hawak niya.
Ngumiti ito at humarap sa amin. "Welcome back Mori and welcome back to your family." Ngumiti rin ako sa kanya. "Thank you."
"And how are you Dean? Bakit kayo ang magkasama ni Mori?" Nagkatinginan kami ni Dean sa tanong niya. Bat' nga ba dito kami nagpunta?
"I'm fine..." sagot niya saka niya ako tinignan. "Sinamahan ko lang si Mori, nagcra-crave daw kasi siya ng bulalo."
"Ohhh. Okay." sagot niya. pagkaalis niya ay sinundan siya ni Dean. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila pero sa tingin ko mukhang seryoso. Nagkibit balikat nalang ako sa sarili ko saka itinutok ang atensiyon ko sa labas. Maganda naman ang view kahit puro bundok ang nakikita ko. Bundok na mariming ilaw dahil sa mga christmas lights na nagkalat.
"Iced tea, juice or me?" Naningkit ang mga mata ko sa narinig ko. Nilingon ko si Dean at nalukot ang noo ko sa dala niyang bar tray at natawa ako sa itsura niya. "So, waiter ka na ngayon? Hahaha"
"Sort of," sagot niya. "So, anong gusto mo Iced tea, juice or me?" saka siya ngumisi.
Inirapan ko siya ng pabiro. "Beer." nakangiting sagot ko sa kanya.
"You serious?" gulat na tanong nito.
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"Ok. Right away Madam."
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Teen FictionMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...