Mori's PoV
Parang wala akong gana ngayong araw na lumabas at magpunta sa bahay nila Boss. Kasalanan kasi ni Migs 'to eh. Ilang araw na siyang walang paramdam, ni 'Hi' ni 'Ho' wala! Nakakaasar na! Pati ang preparation ko para sa pageant naaapektuhan. Kaya ayaw ko sanang maglovelife dahil ang daming complications, eh. Kaso tinamaan ako, ayan tuloy!"Mori, ano? Tutuloy pa ba tayo o tutuloy?" Nakapamewang na pumasok si Apple habang ang isang kamay ay sinusuklay ang buhok niya. "Kasi kung hindi na, nakakahiya kay Tito Enrico..." Totoo naman ang sinabi niya. Nakakahiya kay Tito.
Bumangon na ako't naglakad patungong shower room. Siguro ay inabot na ako ng mahigit isang oras dito kakabuhos ng tubig at kakasabon. Hindi na ako nagulat nong bugbugin ni Apple ang pintuan at ngawaan ako ng ngawaan.
"Mori, ano na?? Bilisan mo naman! Baka mamaya tayo nalang hinihintay sa sobrang tagal mo kumilos!"
Isang buhos nalang ang ginawa ko at lumabas na ako. Paglabas ko ay galit na mukha niya ang sumalubong sa akin.
"Sorry." Sambit ko at nilagpasan na siya.
"Ano bang problema mo? Hindi ka pa rin ba niya tinatawagan o tinetext man lang? Naku ha! Ako, nagdududa na diyan kay Boss Miguel, baka mamaya nilalandi na pala siya ng Jenny na yun. Matitira ko talaga sila." Nagngingitngit na sambit niya.
"Sira." kako sa kanya at natawa kahit na deep inside napapaisip ako sa sinabi niya. Natatakot ako na baka ganoon nga ang nangyayari ngayon. Malay natin, 'di ba? Marami na akong nabasa na ganyan sa mga libro, kunwari mawawala yung lalaki at hindi na magpaparamdam tapos malalaman mo nalang na nakipagbalikan kay EX o di kaya naman ay may sakit kasi si EX kaya kailangan niya ako. Mga ganong dahilan na hindi naman dapat yun ang inirarason.
Mahal ka nga pero sa EX pa rin sumasama, edi ibig sabihin hindi pa talaga siya move on, 'di ba? Hay naku!
"Tara na." aya ko kay Apple. Agad siyang tumayo at nauna ng maglakad sa pinto. "Finally!" sabi niya habang nakataas ang magkabilang kamay niya. "Makakaalis din. Ako ko bukas na tayo makakapunta doon, eh."
Nagpout nalang ako habang sinusundan siya. Nagtaxi na kami para mabilis kaming makarating sa kanila. Buti naalala ko pa kung saan ang bahay nila.
Ibinayad namin ni Apple yung tip na binigay sa amin ni Tito Enrico noong nakaraan. Buti nga parehas sa mga kasamahan namin dahil kung hindi talagang ibabalik namin yun sa kanya ngayon din. Hehe.
Nauna ng lumabas si Apple at nagdoorbell na, samantalang ako ay hinihintay ang sukli ni Manong. Pagkabigay niya ay agad na akong bumaba. Sakto kabubukas ng gate.
"Magandamg tanghali po!" bati ko sa nagbukas ng gate.
"Mori!" sigaw ng batang pagkagwapo-gwapo. Sinalubong ko siya ng malaking hug at binuhat ito. Sobrang bigat niya. Hahaha.
"Ako, walang yakap?" kunwaring pagtatampo ni Apple. Close din naman sila pero talagang mas close lang kami ni Tristan.
"Apple! Apple! Apple!"
Natawa ako kay Tristan ng magtatatalon ito habang yakap si Apple. Ang kulit, eh. Napakabibo niya ngayon.
"Let's go inside." hila niya sa amin ni Apple. "Ang bait talaga ng anak ko..." pagbibirong sabi ni Apple kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Loko talaga 'to. Buti nalang at hindi narinig nong bata ang sinabi niya, kundi baka magtaka siya.
Pagpasok namin ay busy ang lahat sa paghahanda.
"They're here... They're here..." biglang sigaw ni Tristan kaya naman nakuha namin ang atensiyon nilang lahat. Ngumiti kami at lumapit sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Teen FictionMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...