T2OU 49

28 2 0
                                    



Mori's PoV
   
"Bff..." pumasok sa kwarto ko si Apple at umupo sa gilid ng kama. Mabilis kong pinunasan ang luha kong walang tigil sa pagtulo. "Kumain ka muna." Yaya nito sa akin.

Umiling ako. "Mauna ka ng kumain, busog pa ako."

Hinaplos niya ang ulo ko. Alam kong naapektuhan din si Apple dahil sa nangyayari sa akin. "Mori, ilang araw ka ng ganyan. Nangangayayat ka na. Kumain ka muna, please, para sa baby."

Sinamaan ko siya ng tingin at wala sa sariling umupo ako sa kama.

"Anong baby? Wag ako, Apple ha."

"Your baby worms, jusko baka mamatay yang mga yan, sayang naman. Ang tagal mong binuhay yan sa tiyan mo tapos sa isang iglap mawawala lang? Kawawa naman di ba?"

Kunyatan ko kaya tong babaeng to? Kita ng nagdradrama nakuha pang mang-asar e.

Inipitan ko nalang ang buhok ko saka ako bumangon. Alam ko naman kasing hindi ako titigilan nito hanggat hindi ako kumakain eh.

Pagkababa namin sa kusina ay napataas ang isang kilay ko sa nakita ko. Aba at sumisipol pa. Umiling ako at mabilis namang tumakbo si Apple papalapit sa boyfriend niyang lumpiang hubad.

"Hon, 'di ba sabi ko sa'yo magdamit ka. Ako lang dapat nakakakita niyan. Baka ipagpalit pa ni Mori si Kuya Migs sa'yo eh."

"Tss. Asa!" Bulalas ko at umupo na ako sa upuan. Nakahain na ang lahat at sa tingin ko ay si Michael ang nagluto lahat nito. Wala naman akong maaasahan kay Apple kundi prinitong isda e.

Napatulala ako sa kawalan dahil naalala ko na naman ang eksena namin ni Nanay. Nakauwi na siya ng probinsiya at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pinapansin ang mga tawag niya. 

Hindi naman ako galit sadyang masama lang talaga ang loob ko sa kanya. Ang tagal na naming magkasama pero hindi pa nila naisipang aminin sa akin ni minsan.

"Mori..." tawag sa akin ni Apple. "Ano ng balak mo? Tumawag na naman si Nanay Ellen kahapon."

"Sabihin mo busy ako. Period."

"Then, how about your true family?"

"Hon, ano ka ba, kapamilya pa rin niya si Nanay Ellen. Di bale Tita niya."

"Oo nga pala. I mean, paano na ang tunay mong Tatay at Nanay kailan mo sila pupuntahan?"

Tinignan ko ng masama yung dalawa. "Pakakainin niyo ba ako o magkukwentuhan nalang tayo?" At ayan, nagsikuhan pa ang dalawa.

"Sabi sa'yo Hon mamaya na tayo mag-usap eh." Sabi ni Michael at ayan nagsubuan nalang silang dalawa.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko saka ako umakyat ulit sa taas at humiga. Ngayon lang ako nagmumukmok ng ganito dahil nitong mga nakaraang araw ay tinapos na namin ang pictorial. Wala kasi akong time mag-emote non kaya ngayon ko lang nagagawa and holiday na ngayon dahil malapit na ang Christmas.

Hindi ko nafefeel ang Christmas dahil sa nalaman ko. Hindi ko alam kung pupuntahan ko ba si Nanay o pupuntahan ko nalang ang tunay kong pamilya na matagal ng nawalay sa akin. Ewan, ang gulo gulo ng sitwasyon ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng marinig kong magbukas ang pinto ni wala man lang katok. Baka si Apple na naman ito.

Nakatalikod ako sa may pinto kaya hindi ko alam kung sino ito. Nagtataka ako dahil wala man lang umiimik.

"Love..."

Mabilis kong nilingon ang tumawag sa akin. "Love!" Mabilis akong bumangon at niyakap siya.

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon