T2OU 10

80 6 0
                                    


Chapter 10


Miguel's PoV

"Dad, is she ok?"

Tanong ni Tristan sa gilid ko. pinindot ko ang buzzer ng room namin to call an attention to the nurses. Ilang sandali pa ay nagsidatingan na sila kasama si doktora.

"Doc, she's in too much pain." Sabi ko at mas lalong dumaing sa sakit si Mikomori habang hawak ang puson niya. Kagigising lang niya at ok pa siya kanina tapos bigla nalang siyang nagkaganyan.

"Let me check her, sir." Lalayo na sana ako ng hawakan ni Mikomori ang kamay ko at pisilin ito.

"Mikomori, let go of my hand." Bulong ko sakanya. Umiling siya at mas humigpit ang kapit niya sa kamay ko. "Dito ka lang, Boss!" Halos pumiyok siya.

Wala na akong nagawa kundi hawakan ang kamay niya para suportahan siya. Sa tuwing hihigpit ang kapit niya ay siya ring kirot ng sakit na nararamdaman niya. Kung pwede lang kunin sa kanya lahat ng sakit ay ginawa ko na kahapon pa.

"Sir, I will give her a pain reliever to lessen the pain."

"Just give her now!" I shouted dahil nahihirapan akong nakikita si Mikomori sa sitwasyon niyang ganyan. All my life I saw pain from my loved ones that's why kung maaari sana ayaw ko ng makakita nang umiiyak sa harap ko.

Pagkaalis nila doktora ay bumitaw na si Mikomori sa akin pero bakas pa rin sa mukha niya ang sakit. Kumuha ako ng upuan at pagkaupo ko sa tabi ng kama ni Mikomori ay lumapit si Tristan at umupo sa lap ko. "Dad..." panimula ni Tristan. "Will she be fine?" Tanong nito.

Hinalikan ko siya sa ulo niya saka sumagot. "Ofcourse son. She's like you, a brave one."

"Ano bang sakit niya Dad?"

He's curious, eh?

Ipinaharap ko siya sa akin at inayos ng konte ang buhok niya. "Wala siyang sakit. It's just a monthly period of all girls."

"monthly period? Ano yun Dad?"

"You would not understand it for now, son. Malalaman mo din yan paglaki mo."

Tumango lang siya sa akin at tinitigan si Mikomori. Maya maya pa ay hinahaplos na nito ang ulo niya at hinawakan ang kamay.

"Mikomori is pretty, Dad. Mabait din ba siya?"

"Yes?" Sagot ko. Nagulat kami ni Tristan ng biglang hilahin ni Mikomori ang sariling kamay sa pagkakahawak ni Tristan.

"Hindi ako mabait, bata." Nakapikit na sagot ni Mikomori at unti unting umayos ng higa.

"Weei? Di nga?" Sagot ni Tristan sa kanya.

"Hindi na ba masakit puson mo? May gusto ka bang kainin?" Tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot dahil pinilit niyang bumangon kaya ibinaba ko muna si Tristan at inalalayan siyang makaupo.

"Mag-ccr ako." Sabi nito. Pagkatayo niya ay halos hindi ako makapagsalita dahil may dugo na naman sa likuran niya.

"Blood! Blood!" Turo ni Tristan saka nilapitan si Mikomori. "Mikomori... Mikomori... There's a blood in your shorts."

"Tristan, stay there." Sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan. Kinuha niya yung cardigan ko at itinali sa bewang ni Mikomori. "Ayan that's better, Mikomori. Para hindi makita ni Daddy yung blood stain sa likod mo. Takot kasi sa dugo yan e. Hehehe. You ok now, ha?" Bulong ni Tristan sa kanya at kinindatan ako.

Haha. Lokong bata.

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Mikomori pero huminto ulit siya kaya huminto rin ako.

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon