T2OU 20

58 4 0
                                    

Chapter 20
     
     
Miguel's PoV
      
    
I made it for Jenny pero hindi ko na nagawang ipabasa sa kanya iyon dahil sa biglang pag-alis niya.

"Boss, okay ka lang?" Natauhan ako ng biglang magsalita si Mori. Nandito na pala kami sa pool side. Hihipuin niya sana ang noo ko ng hawakan ko ang kamay niya at pinigilan ito. Nadala yata ako ng pagtawa niya kaya hindi ko na alam ang nangyari.

"Ayos lang ako. Pakiphoto copy nga pala yung contract ni Tatay Dodong."

"Ha? Boss, may sumapi na naman ba sa'yo? Kanina lang  sorry ka ng sorry ng wala namang dahilan tapos ngayon... Yung totoo Boss, anong ginaganyan mo? E may tatlong copy ka na ng contract niya ah tapos gusto mo pang dagdagan? Sinasayang mo ang papel!"

Tinignan ko siya ng 'what-the-look' saka binalingan ng tingin ang taong nakisabat.

"Ay. May gumugulo sa isip niyan." Sabat ni Kris ng nakangiti.

Lumabas din sa kung saan si Chef at nakisabat na din.  "Anong pinag-awayan niyo at nagsosorry 'tong si Boss sa'yo?" Tanong niya. 

Ngumiti si Mori at napapalo sa sariling palad.  "Yun ba? Naku, wala kaming pinag-awayan Chef, hindi ko nga alam dito kay Boss kung bat' nag-sosorry e."

Naningkit ang mga mata ko sa paliwanag ni Mori. So, parang ako pa ang lumalabas na baliw dito? Nagsosorry ng walang dahilan? Kasalanan niya 'to e.

"Mori... Linisin mo yung pool, wala si Juan ngayon." Utos ko sa kanya saka ako umalis. Wala pala ha! Matapos niya akong iwasan at hindi kausapin, wala lang?

Bakit hindi niya aminin na dahil sa pagsusungit ko yun kahapon kaya siya ganyan?

"Boss, seryoso 'to??"  Sigaw niya bago ako makapasok sa loob. Umupo ako sa may lobby at nakita kong natatawa si Pearl na nasa front desk.

"Napakareklamador po talaga niyang si Mori. Hahaha." Sambit nito at napangisi lang ako habang tinitignan si Mori sa paglilinis.

Paniguradong nagcha-chinese na naman yun ngayon at baka minumura na niya ako sa galit. Meron naman si Juan kaya lang malelate daw siya ng pasok ngayon kaya si Mori muna ang maglilinis ng buong pool. Mapakiddie and adult pool kailangan niyang malinis bago pa may dumating na guest.

In a minute may dumating na nga na guest at mukhang mag-istay dito ng ilang buwan. Ang laki ba naman ng bagahe niya.

"Mikomori po?" Napatingin si Pearl sa akin. Mukhang si Mori ang hinahanap nitong lalaking 'to.

"Yes. Is she here?"

"She's here Sir but she's working right now. Pwede po kayong bumalik mamaya."

Goodgirl Pearl! Nag-thumbs-up ako sa kanya saka ko  nilingon si Mori sa may pool side. Nakangiti ito habang naglilinis, mukhang ok na siya.  Pfft.

"No. I'll stay here for a month. Give me your biggest room that you have, here's my payment."

Napalingon ulit ako kina Pearl at sa guest ng marinig kong mag-istay siya dito. Wow! Yayamanin. Pfft.

Pagkatapos ng pakikipagtransact ni Pearl sa kanya ay tinulungan na ni Mark ang guest at hinatid na sa kwarto nito.

Nagkatinginan lang kami ni Pearl at nagkibit-balikat siya. Nevermind that!

"Mind if I sit here?"  Tss. Nandito na agad siya.

Ngumiti ako. "Yeah sure. Feel at home in this resort."

"Oh, you're a guest here too?"

"Yes." Basically, I am also guest in our own resort.

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon