Apple's PoVhuh! Pagkatapos ng pinagsamahan namin ni Mori, iiwan lang niya ako dito sa Mansion ng mga Suarez! Yung totoo? Kung ipagpapalit lang pala niya ako kay Boss ay mabuting ngayon palang ay paghiwalayin ko na sila. Nakakasar talaga! Hindi man lang muna ako hinatid sa bahay bago sila naglagalag na dalawa!
Lahat sila ay halos wala na dito sa bahay nila. May kanya kanyang mundo na. Sina Tito Enrico at Mam Kim ay umalis na. May meeting daw sila. Tapos yung magkakapatid naman ay nowhere to be found!
Lumabas na ako ng bahay nila at nagpaalam kay Nana Isabel. Paglabas ko ay nadatnan ko lang naman si Jacob na papalabas ng gate nila, syempre nakasakay sa kotse niya. Jusko! Sana naman makita niya ang kagandahan ko.
Huminto muna ito sa harap at mukhang busy pa kaya naman tuluyan na akong lumabas at nilagpasan na ang kotse niya. Nakakaasar ang ganito! Lalakarin ko pa tuloy hanggang sa labas ng subdi.
Nang nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ay may kotseng sumasabay sa akin sa tabi ko. Nang makita ko ito ay si Jacob lang pala.
"Sabay ka na sa akin." pag-aaya niya kaya naman walang alinlangan na akong sumakay sa kotse niya. Chochoosy pa ba ako, e sobrang init.
"So, san kita ihahatid?" tanong nito kaya naman binigay ko nalang sa kanya ang address namin ni Mori.
"Malapit lang pala kayo sa kabarkada ni kuya Migs, eh."
"Ah. Oo. Si Mark." sagot ko sa kanya. Medyo madaldal din siya.
Iniliko niya ang sasakyan saka nagsalita ulit. "Paano mo siya nakilala?"
"Kay kuya Nick." maikling sagot ko. Gusto kong pumikit pero itong kasama ko ay sobrang daldal.
"Ano nga palang course niyo?"
"HRM."
"Ganon ba? Kaya pala hindi ko kayo madalas makita sa school kasi nasa kabilang dulo kayo ng school. Kami kasi sa kabilang dulo naman."
"Ano bang course mo?" tanong ko. Para naman hindi siya makahalatang tipid lang ang mga sagot ko sa kanya.
"BSBA." tumango ako. Oo nga pala, pamilya nga pala sila ng mga nasa bussiness industry kaya yan ang kurso niya.
"We're here." anunsiyo nito saka huminto. "Thank you." sabi ko saka bumaba ng kotse niya. Pagbukas ko ng pinto ay biglang nagsalita ulit si Jacob kaya naman laking gulat ko.
"Ay! Kabayo!" sambit ko at natawa siya.
"Sorry! Nagulat kita." natatawang sabi nito saka inilahad ang kamay niya. "Pwede makahiram ng cellphone?" napataas ang isang kilay ko pero ibinigay ko na rin ang phone ko sa kanya. Maya maya pa ay tumunog naman ang cellphone niya.
"Got it!" aniya saka binalik ang phone ko. Teka... Magsasalita pa sana ako ng unahan niya ako. "Kinuha ko lang number mo para may makatext naman ako, sayang kasi plan ko e. Isave mo nalang number ko. Thank you!" hindi na ako nakapagsalita dahil kumaripas na siya ng takbo.
"Mukha mo!" sambit ko at isinave na rin ang number niya. Pwede namang hingiin nalang niya ng sinasabi sa akin hindi yung pumaparaan pa siya. Lumang style na yun, eh. Tsk tsk.
Mori's PoV
Nakarating na kami ni Boss sa pupuntahan namin. Isa itong restaurant na pagmamay-ari nila Mark, yung reataurant na pinuntahan namin noong nakaraan. Ang sabi ni Boss ay may ipapakilala daw siya sa akin kaya naman umuo lang ako. Halos hindi mawala ang tingin ko sa kanya kanina pa dahil baka nananaginip lang ako, pero hindi. Totoo siya. Totoong nandito si Boss sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Teen FictionMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...