Miguel's PoVSo silent.
I am driving now for almost 2 hours and none of us talk, maybe she's too sleepy to talk to me or its just that we dont have a topic to talk to?
I faked a cough and look at her. "Mikomori..." I called and she look at me and sigh.
"Boss naman e. Tawagin mo nalang akong Mori, ang haba ng Mikomori e."
"Hmm. Ok?"
Another silence filled us, again. So, i had to call her again while looking at the road.
"Hm. Mori..."
"Yes Boss." I tapped the steering wheel and looked at her. "Oh bakit?" Tanong nito.
"Yan tayo Mori e. Tawagin mo nalang akong Miguel or Migs kapag wala tayo sa trabaho or kapag dadalawa tayo, para kasing masyado ako ng bossy kapag tinawag mo kong Boss."
"Ahh. Ok Migs. Sabi mo e."
Silence... Again.
"Migs" / "Mori."
"You first" / "Ikaw muna."
Itinikom ko ang bibig Ko at sinenyasan siyang mauna na sa pagsasalita. Inayos na muna niya ang buhok niya saka humarap sa akin.
"Since, nasa first name basis na tayo at hindi kita boss ngayon, tatanungin kita. Ito na, hmm, pwede ba tayo maging friends?"
I stopped the car. Tinitigan ko ang kamay niyang nakalahad saka siya tinignan, nginuso niya ang kamay niya kaya hinawakan ko na ito at nakipagkamay.
"Friends." Sagot ko saka ngumiti at ipinagpatuloy ng magdrive.
Well, siguro naman ngayong magkaibigan na kami hindi na niya ko susungitan di ba? Hahaha. Sana lang. I'm looking forward with this friendship of ours.
*****
Alas singko na ng umaga kami nakarating kanina and I must say na para ko ng pinalipad ang sasakyan ko para lang makarating kami ng maaga dito sa resort. Kailangan ko kasing matulog ng kahit isa o dalawang oras man lang dahil hindi ako natulog magdamag kagabi dahil kay Dexy, di bale dahil sanay na ako ng laging napupuyat kapag pumupunta ng gabi si Dexy sa bahay. Nakasanayan na rin kasi naming magkwentuhan ng magdamag kapag hindi naman masyadong busy sa trabaho namin.
Pagkatapos kong ayusin ang buhok ko sa harap ng salamin kahit na medyo hindi pa rin ako sanay na wala na ang mahaba kong buhok, hindi naman as in mahaba, katamtaman lang, ay nagpabango na ako saka sinuot ang shades ko at lumabas ng kwarto ko.
Naglalakad ako sa hallway ng masalubong ko ang isa sa mga chef na employee ko dito at kung hindi ako nagkakamali ay siya si Nikki kaya ngumiti ako sa kanya at binati siya.
"Goodmorning chef Nikki."
"Goodmorning Sir." Balik na bati ni chef, nakalagpas na kami sa isa't-isa ng bigla siyang magsalita at hawakan ako sa braso kaya napahinto ako sa paglalakad. "wait, stalker ba kita, apay kaam-ammo nak?? Halla! Nagpintasak met unayen tapno suruten nak uray dinno ngem pasensiya kan ah, adda ngamin boyfriend kon su nga nasisyaat nu adaywan nakon ken haan nak sursurutenen ha. Ayos lang dayta, makabirok kanto ti babae nga para kanyam. Ok? Sayang naggwapo ka pay met." / "Wait, stalker ba kita, Bakit mo ko kilala?? Halla, ang ganda ko naman yata para sundan mo pa ko kahit saan pero pasensiya ka na ha, may boyfriend na kasi ako kaya mas maganda kung lulubayan mo na ako at wag mo na ko sundan. Ayos lang yan, makakahanap ka rin ng babaeng para sayo. Ok? Sayang ang gwapo mo pa man din." Gulat na sabi nito at kung anu-ano na ang sinabi na hindi ko naman masyadong maintindihan, ang tanging naintindihan ko lang ay boyfriend tas babae at gwapo?
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Teen FictionMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...