T2OU 53

21 2 0
                                    


Migs' PoV
   
Iniwan ako nina Moira at isinama niya si Tristan sa kanila. I had to cook breakfast for Mori dahil wala siyang iniwan ni isang pagkain. Yung niluluto niyang pagkain kanina ay baon pala nila hindi man lang ako sinabihan ng mas maaga.

Pagkatapos kong magluto ay umakyat ako sa kwarto ni Mori. Bubuksan ko na sana ang pinto ng makita kong lumabas si Pres sa kwarto niya kaya napahinto ako.

"Kanina ka pa ba dito kuya?"

"Yes. Nagluto ako, magbreakfast ka na rin sa baba."

"Thanks but I have to go to the airport to fetch Mom and Dad. Ikaw nalang muna ang bahala kay kambal and kuya sana ayusin niyo ang dapat ayusin."

"We will. Thanks Pres."

Pagkaalis niya ay pumasok na ako ng kwarto ni Mori. Umupo ako sa gilid niya kama niya at ginising siya. Medyo matagal bago pa siya tuluyang magising.

"Goomorning my lo..." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng nag-iwas siya saka ako tinalikuran. It hurts me but I know it hurts her more dahil sa nangyari kahapon.

"Can we talk, please?" I beg.

Tinanggal niya ang kumot na pinantaklob niya saka siya humarap sa akin.

"Ano?" Walang gana niyang tanong.

"I know you saw me with Jenny yesterday and I want you to know the real story behind it. The truth is she hugged me and she's thanking me for helping her and that was nothing. Ikinuwento pa kita sa kanya and I even said that you are my fiancee..." i explained and she just stared at  me blankly. "...Please forgive me?"

Naghihintay ako sa sagot niya ng biglang may magsalita sa pinto and it's Mark na nakasandal dito. "Patawarin mo na yan bunso. Wala siyang kasalanan don, may pa-event kasi yung si Jenny pero kinansel na ni Moira kaya hindi na babalik yon don and don't worry I got your back." Kinindatan ako ni Mark kaya naman ngumiti ako sa kanya at palihim na nagthumbs-up ako sa kanya.

"...I need to go guys. Mori ha, forgive him hayaan mo binugbog ko na yan sa labas kanina."

Pagkaalis niya ay hindi pa rin ako kinibo ni Mori kaya naman tumayo nalang ako at paalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"B-Boss..."

Palihim akong napangiti at dahan dahan akong umupo sa tabi niya.

"Bati na tayo." Hindi ko mapigila g hindi mapangiti dahil sa kacute-tan niya.

Hinila ko siya at inakbayan saka pinasandal sa dibdib ko. "I'm sorry my love." Sabi ko saka hinalikan ang noo niya.

She pouted. "Sorry din!" Sabi nito at niyakap ang bewang ko.


*******

Pagkatapos namin kumain ay nagpunta na kami ng mall para magshopping ng mga panregalo para sa Christmas eve. Ilang araw nalang kasi ay christmas na and  I don't have a plan to buy some gifts but this woman beside me wants me to buy for my family.. Minsan lang naman daw ako magreregalo at para naman matuwa sila sa pasko.

Ilang oras din kaming naglibot-libot at sa ilang oras na yun ay parang magkakalyo na ang paa ko. palibhasa kasi sanay sa lakaran itong si Mori kaya kahit ilang oras na lakaran ay kaya niya.

"Nasaan na sina Apple?" tanong ko sa kasama ko. May itinuro siya sa harap namin sabay takbo niya. Napailing ako sa ginawa niya dahil para siyang bata.

Nagyakapan sila sa gitna ng hallway na para bang ilang taon silang hindi nagkita. Napangiti ako at nilapitan sila, tinap ko ang balikat ni Michael at kami na ang nag-usap, yung dalawa ayon umuorder ng makakain namin. Gutom na daw kasi sila.

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon