Mori's PoV
Heto na. Ito na yung araw na magkikita kami. Awtomatikong napangiti ako sa nakita kong papalapit sa akin."Mori!" She hugged me tight and pout at me. "Ikaw ha. Nakakatampo ka! Hindi ka man lang nagparamdam ng ilang taon at hindi man lang tayo nagkita sa HongKong non."
"Kaya nga ate e. Sorry ha. Umalis ako ng hindi man lang nagpapakita sa'yo, natanggap mo naman yung sulat ko di ba?"
"Syempre naman. Pinapaframe ko pa nga e." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at natawa siya. "Joke lang!"
"Ate talaga. Akala ko totoo."
Naglakad kami paakyat ng office habang nagkukwentuhan. "Maiba tayo! Nagtatampo talaga ako sa'yo dahil wala ka nong kasal namin ni Gian ha. Ikaw lang ang absent non."
Kumapit ako sa braso niya at nagpaawa gaya ng ginawa ko kay Daddy. "Sorry na ate Dexy. Hindi na talaga mauulit."
"Ay! Talagang hindi na Mikomori! Subukan mo lang umalis ulit itatakwil kita."
"Hala. Para ka namang si Daddy, ganyan gayan din ang sinabi sa akin."
"Baka siya talaga ang tatay ko?" Then we burst out laughing. Kahit kailan talaga napakakalog nitong si Ate Dexy.
She tour me around the Hotel and Resort and we came to my 'office' daw. I can't believe na makakapagtrabaho ako dito kung hindi lang talaga dahil kay ate Dexy. May mas nauna ng nag-offer sa akin ng trabaho dito sa Pilipinas bago pa man ako umuwi. Maganda ang offer nila kaya lang mas pinili ko itong kina ate Dexy dahil na rin siguro sa hiya ko sa dami nilang naitulong sa amin ni Apple.
My work here is a Director of Events (Ang taas di ba? Kaloka!) na naging trabaho din ni ate Moira noon. Kumbaga parang naipasa lang sa akin ang trono ni Ate. Hehe.
"By the way Mori, this is Maxine, magiging kasama mo dito. Basta if you need anything you can ask her and she will give it to you."
Inilahad ko ang kamay ko at nakipagkamay sa kanya. "Nice to meet you Ms Maxine." Mukhang nahiya ata siya sa sinabi.
"Naku Mam, kahit Max nalang po."
"Hala. 'Wag mo akong pino-po hindi ako sanay and you can call me Ms Mori or Mori nalang. I'm sure nalalapit lang naman age natin."
"Sige po este sige, Ms Mori nalang."
"So, you guys are okay now?" Nilingon namin si Ate Dexy at tumango ako sa kanya. "Max will introduce you to everyone here in your department mamaya pag dating nong iba. Nasa meeting pa kasi kasama ni Miguel."
Upon hearing his name ay para akong kinabahan bigla kumbaga bumilis ang tibok ng puso ko.
"You okay?" Tanong ni ate Dexy saka ako niyakap. "Kaya mo yan girl. Anytime soon makikita mo rin siya. I'll try to help you, you know that, okay?" Bulong niya saka ito kumalas sa akin. "See you later."
Pag-alis niya ay ipinakita sa akin ni Maxine ang mga picture ng mga makakasama ko dito sa office na ito. Apat lang naman sila kaya madali lang tandaan.
"Ito po si Ms Kyla, Ms Kim, Sir Leo and Sir Keith."
"Ahh. Okay. Salamat Max. Hintayin ko nalang sila mamaya. Nandito lang ako sa office."
"Okay po Ms Mori."
Hindi na ako nagreact sa pag-po niya dahil baka maoffend ko pa siya. Hindi lang kasi talaga ako sanay.
So sa madaling salita parang si Maxine ang secretary nila dito. Umupo ako sa may desk ko saka ko tinawagan si Mommy, gusto ko kasing makausap si Miracle.
BINABASA MO ANG
The Two of Us
ספרות נוערMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...