T2OU 4

113 6 2
                                    


Chapter 4

Miguel's PoV


"M-Mahal pa rin kita... Jason!"

I held her hand. "I thought you're a strong woman, I never expected you would be as fragile inside." Bulalas ko.

I put back her hand saka ako tumayo at lumabas ng office at dumeretso ng housekeeping.

Pagkakita sa akin ng naabutan kong tao dito ay bigla siyang tumayo at nilapitan ako.

"Sir goodevening po. May kailangan po ba kayo?"

"Pwedeng humingi ng kumot at unan?"

Nagtaka siya sa sinabi ko pero mabilis din niya akong binigyan at nagtanong pa.

"Para san po yan Sir?"

"For a crazy woman. Thanks." Sabay alis ko para hindi na humaba pa ang convo.

Pagbalik ko ng office... "Fvck!" I cursed dahil nadatnan ko lang naman na nasa sahig na si Mikomori.

Agad ko siyang binuhat at inihiga pabalik sa sofa saka kinumutan.

"How can I leave you if you keep on falling, Ms. Martinez?"

"G-Ganyan naman kayo e. An-Ang hilig niyong m-mang-iwan!"

At sumagot pa! I can't believe this woman. Hindi naman siguro siya lasing, di ba? Tsk. Tsk.

Umupo ulit ako sa sahig at binantayan siya. This is insane! I can't believe na binabantayan ko itong babaeng to ngayon.

Mikomori's PoV

Napamulat ako at nagtaka dahil hindi ganito ang kisame ng bahay namin kaya mabilis akong napabangon.

"Hala!" Bulalas ko at pagtayo ko ay bumungad sa akin ang napakaayos na opisina ng aking boss na si Boss Miguel. "Anya ar-aramidek ditoy?!" / "Anong ginagawa ko dito?"

"Gising ka na pala."

"AA-aahhhhhhhh!" Sigaw ko at saka ako napatakip sa mukha ko, kung tutuusin ay sa mata ko.

"Tss. Kala mo naman kung nakakita ng multo." Walang ganang sabi nito at saka niya inilapag ang hawak niyang dalawang tasa sa lamesa niya.

Teka, anong oras na ba?

Pagtingin ko sa wall clock ay mag-aalas syete na ng umaga. OH my! Lagot ako kay nanay.

Napatingin ako doon sa lamesa, may mga pagkaing nakahanda. Natuwa ako pero naglaho din iyon ng maalala kong kay Boss nga pala yon. Mas mabuti sigurong umuwi nalang ako, hindi ba? Nagutom ako bigla e.

"Where are you going?" Tanong niya. Kinuha ko na kasi yung bag ko at handa na kong lumabas ng tanungin niya ako.

"Uuwi na po."

"No. Come back here woman!"

Kaasar! Paengli-english pa kasi, alam na ngang dumudugo ilong ko sa kanya e. "Ano po yun Boss?" Tanong ko.

Kumunot ang noo niya. "Eat this." Sabi niya sabay turo sa pagkaing nasa harap ko. Nanlaki ang mga mata ko at saka itinuro din ito ng may pagtataka.

"Ito? Kakainin ko?! Ayoko nga baka tira tira mo lang yan 'no tsaka baka may lason yan." Tanong ko.

"Ayaw mo?" Tanong din nito. "Sige kung ayaw mo pwede ko naman ipakain nal------"

"Uy Boss saglit lang naman. Wala naman akong sinabi na ayaw ko. Heto na nga oh, uupo na po. Ikaw talaga ang bilis magprocess ng utak mo."

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon