Migs' PoV
"Buntis ako."
"Buntis ako."
"Buntis ako."
What she said was continuosly echoing through my ears a thousand times. I don't know what to react and the only thing I know is I'm stiff. My mind went literally blank! How can she be pregnant if we did not do that thing what we called 's*x'?
We only did kiss but having s*x?? Definitely not!!
"Hey Boss Love..." Mori called. I unintentionally stand and walk three steps away from her. I heard her say something but I can't hear those exact words.
"Stop it Mori!"
Natawa siya at tumayo saka hinawakan ang braso ko. "Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? Sabi ko... joke lang yun."
Now, I heave a sigh trying not to be angry at her. "Mori, hindi magandang biro yan."
"Hala. Sorry na. Ang seryoso mo kasi, Love."
Hindi ko pinansin ang pagsosorry niya. "May kukunin lang ako sa loob." Pagpasok ko sa loob ay napasuntok ako sa pader at pinakawalan ko ang inis na nararamdaman ko. Gusto kong magalit sa kanya dahil hindi nakakatuwa ang sinabi niya pero pinipigilan ko lang ang sarili ko sa pwedeng maging outcome kapag nag-away pa kami. Paskong pasko pa man din.
Kumuha ako ng pwedeng mainom na alak sa bar counter nitong rest house ni Vince saka ako uminom. Maya maya pa ay naririnig ko na si Mori na tinatawag ako.
"Love, tagal mo namang bumalik doon." Umupo ito sa tabi ko sa may bar stool at hinarap ako. Naglalambing. "Galit ka ba dahil sa sinabi ko? Sorry na po."
"Hindi dapat ibinibiro ang mga ganong bagay Mikomori."
"Oo na po. Kaya nga ako nagsosorry, di ba? Wag ka ng magalit, okay?" Tinitigan ko siya. Ano pa bang magagawa ko kundi patawarin siya. "I love you, Boss Love ko." Sabi nito at tumayo sa pagitan ng mga hita ko at mabilis akong hinalikan sa pisngi.
Bad Mori! Baka nakakalimutan niya lalaki ako at natetempt din.
Itinaas ko ang isang kilay ko saka nagpout sa kanya. Mukhang hindi niya nagets ang gusto kong iparating dahil lumingon pa ito sa likod niya. Slow! Pagharap niya ay sinalubong ko siya ng isang matamis na halik.
"That's your punishment for joking that you're pregnant." Ngumisi ito ng nakakaloko at parang hindi ko gusto ko ang ngisi niyang iyan.
"Parang gusto kong magjoke palagi." Napaturo ako sa kanya at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Natawa nalang din ako.
"You really are something...." kako at pinisil ang magkabilang pisngi niya saka siya hinalikan ng smack lang. "kahit naman hindi ka magjoke ng ganon palagi kitang hahalikan. Dito..." sabay halik ko sa noo niya at sa ibang parte pa ng mukha niya. "...Dito, dito, at dito, dito pa."
"Love baka maubos ako niyan?" Nakasimangot na tanong nito.
Ngumiti ako at tinitigan siya sa mata. "I love you!"
"I love you more, my Love."
"Balik na tayo sa labas?" Tanong ko at tumango siya. Nagdala ako ng isang bucket ng beer at ipinatong ito sa mesa.
"Ikaw lang iinom?" Tumango ako kay Mori. Ayoko siyang malasing dahil baka kung ano na naman ang gawin niya. Naalala niyo nong nagsuka siya sa pool at kung anu-ano ang sinabi niya sa akin noon, di ba? Ayaw ko ng maulit iyon.
"Ang daya naman, eh. Kahit isa lang, huh? Love?"
"Isa lang ha."
"Yes!"
Nag-inuman kaming dalawa. Ang isa niya ay naging dalawa, naging tatlo hanggang sa hindi na namin mabilang kung nakailan na kami. Parang mauubos yata namin ang laman ng bar ni Vince.
Itinigil ko na ang pag-inom ng nagdadalawa na ang paningin ko at hindi na tama ito. Kumuha ako ng tubig at iyon naman ang sinimulan kong inumin para mawala yung lasa ng alak sa bibig ko. Si Mori? Ayan, kunwaring matibay pero nakasandal na sa couch at nakanganga. Nakakatawa ang itsura niya. Kinuha ko ang DSLR niya at kinuhanan siya ng litrato. Bigla itong napabangon at nakasimangot na humarap sa akin.
"Miguel, ano yan? Kinukuhanan mo ba ako? Dapat maganda ako diyan ha. Yung pang beauty queen."
Sinunod ko ang sinabi niya at pose lang siya ng pose. Pati ang buhok niyang nananahimik ay ginulo niya at nag-akto siya na parang baliw. Tawa lang siya ng tawa at saka tumigil ito at lumapit sa akin.
"Patingin nga..." sabi nito at kinuha sa akin ang SLR. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya habang nakatayo kami at lalo siyang gumaganda sa paningin ko. Hindi ko namamalayan na nakahawak na ako sa magkabilang pisngi niya. Hindi niya ako pinapansin dahil nakafocus siya sa SLR. "...Boss Love, wag kang magulo." Reklamo nito at hindi ko pinansin ang sinabi niya.
Bigla nalang parang may nag-udyok sa akin na halikan siya kaya iyon ang ginawa ko. Ilang segundo ang nakalipas ay tumutugon na din siya sa halik ko. Nasa malamig kaming lugar pero parang bigla nalang nag-init ang buong paligid. Sobrang init.
"Migs..." Bulong ni Mori sa pagitan ng paghalik ko sa kanya. Nakagat niya ang labi ko kaya natawa ako at lumayo ng bahagya sa kanya ngunit parang magnet si Mori na bigla nalang lumalapit at dumidikit sa akin hanggang sa natumba kami sa couch. Ako sa ilalim at siya ay nasa ibabaw ko.
Ngumiti ako sa kanya at inayos ang magulo niyang buhok. "Ang likot likot mo talaga Mori."
"Love mo ba ako?" Biglang tanong niya.
"Syempre naman."
"Then, ituloy na natin to." Napakunot noo ako sa sinabi niya. Anung itutuloy? Ang inuman ba?
"Lasing ka na kaya itigil na natin ang pag-inom baka pagalitan pa ako nina Tito at Tita."
Sumimangot ito at inirapan ako. What an attitude.
"Hindi mo ako mahal." Pagtatampo nito at umalis siya sa ibabaw ko kaya lang mahaba ang kamay ko kaya nahila ko siya agad at niyakap siya. Nagpumiglas pa nga ito nong una pero sumerender din. I know what she's talking, I get it.
"I love you and I don't want to take away your virginity at a young age. I respect you, okay?" Kako sa kanya saka ko siya hinalikan ng mabilis.
"What if hindi na ako virgin? May nauna na?"
Heto na naman siya. Napakagaling magjoke. Natawa ako sa sinabi niya. "Ang galing mo talaga magjoke, eh." Kako sa kanya sabay pisil sa pisngi niya.
Seryoso lang siyang nakatingin sa akin kaya nagtaka ako. "Hindi ako nagbibiro, Migs."
This time, binitawan ko siya at napaupo ako sa sinabi niya. "Si Jason ba?" Tanong ko.
Dahan dahan siyang tumango habang nakayuko. Parang nanghina ako sa sinabi niya. I thought I will be her first but then again, hindi ko pa pala talaga siya kilala. Naalala ko ang sinabi ni Gian, maraming sekreto si Mori. Marahil ay isa na ito sa mga iyon.
Lumunok muna ako kasabay ng pag-alis ko ng inis at galit na nararamdaman ko. Wala na akong magagawa doon kung may nauna na, ang mahalaga ay kasama ko siya. Ngumiti ako kahit na parang may bumaon na kutsilyo sa puso ko. Wala e, mahal ko kaya tatanggapin ko kung ano ang mga nakaraan niya. Kahit ano pa yan.
Nilagok ko ng mabilisan ang isang bote ng beer saka ako sumandal sa inuupuan ko. Pumikit ako dahil sumasakit na rin ang ulo ko. Sobrang sakit!
"Matulog na tayo." Tumayo ako at naglakad papasok sa loob kahit na nararamdaman kong pagewang geeang na ako sa paglalakad. Akala ko ay sumunod si Mori pero paglingon ko ay nandoon lang siya sa inuupuan niya kaya binalikan ko siya.
"Sorry, Migs." Bungad niya sa akin habang may mga luhang pumapatak mula sa mga mata niya.
Nilapitan ko siya at lumuhod ako para lumevel sa kanya. Pinahid ko ang mga luha niya at ngumiti ako sa kanya. Kahit na masakit sa akin ay pinipilit kong maging okay lang sa harap niya. Sino ba naman ang lalaki na gugustuhing malaman na ang girlfriend mo ay may nakauna na, I really really hate it way back then I even gave advices to my friends like Vince but now the reality strikes me. Iba pala talaga kapag nasa mismong sitwasyon ka na, ngayon ramdam ko na ang mga sinasabi ni Vince noon, ang pagiging bulag bulagan niya sa ginawa sa kanya ng dating girlfriend niya.
"Don't be sorry, Mori. It happened. Ang importante ngayon ay masaya tayo and I don't care if you lose it or not basta nandito ka sa tabi ko at nagsasabi ka ng mga nakaraan mo. Let's be open to each other, okay?" Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya at hinaplos ang likod niya.
"Matulog na tayo, okay?" Tumango ito at kumalas sa pagkakayakap ko. "Tabi tayo, ha. Ayaw kong mag-isa."
Mori's PoV
Nagising ako na wala na si Boss sa tabi ko. Ngumiti ako kahit na para bang ang bigat ng pakiramdam ko. Dami ko kasing nainom kagabi. Kasabay ng pagbangon ko ay ang pagpasok ni Migs na may dalang pagkain.
"Breakfast in bed?" Nakangiting tanong ko. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo ko bago umupo sa tabi ko.
Ipinatong niya sa kama ang tray na dala niya saka inayos ang buhok ko. "What do you feel?" May pag-aalalang tanong niya.
Automatic akong napangiti at huminga ng malalim. "I feel oh so good, ikaw kasi ang nakita ko pagkagising ko." Sagot ko sa kanya. Natawa siya at pinisil na naman ang pisngi ko. Napakahilig talaga niyang pisilin ang pisngi ko.
"Mambobola..." sagot nito at saka kami kumain. Ang sarap sa pakiramdam na paggising mo siya agad ang makikita mo at may dala pang pagkain. Nagkaroon tuloy ako ng instant katulong. Lol.
Parang maghapon yata ay nandito lang kami sa loob ng bahay nagkukwentuhan, nanonood ng TV, nagfofoodtrip, natutulog at hindi pinapansin ang mga tawag at text ng mga kapatid ko. Ineenjoy pa namin ang araw na to. Pag-uwi kasi sa amin magiging busy na ulit siya, may mga meeting siya bukas hanggang 29, may problema daw kasi kaya ngayon sabi ko sa kanya mag-enjoy lang siya kasama ako.
"Humahaba na ulit ang buhok mo." Komento niya habang tinitirintas niya ang buhok ko. Di ba sa sobrang bored namin pati buhok ko naaayos niya.
"Pagupitan ko ba ulit?"
"Wag na. Pahabain mo na to, mas bagay mo yung mahaba ang buhok tas magpabangs ka ha."
"Oh sige. Kung gaano na kahaba itong buhok ko ganon na din kahaba ang relationship natin. So kapag pinaputulan ko 'to, it means trip ko lang. hahaha."
"Lakas mo talaga mangtrip my love." Natatawang komento ni Migs at umupo sa tabi ko. "Let's go dahil namimiss na ako ni Tristan."
Tumayo ako at kinuha na ang mga gamit ko. Pagdating kay Tristan ay ayaw kong makihati sa kanya. Once na sinabi na ni Migs ang pangalan ni Tristan ay go lang ng go, hindi pwedeng magpakipot. Sino ba naman ako para agawin ng lubusan si Migs kay Tristan, di ba? Takot ko lang kay big boy.
"Masaya ka ba?" Tanong ni Boss Love. Ngumiti ako ng pagkalapad lapad saka siya sinagot. "Oo naman Boss Love. 1,000 percent happy. Ikaw ba?"
"More than you do." Sabi nito saka hinalikan ang kamay ko. Nagddrive kasi siya kaya hindi niya ako pwedeng ikiss sa pisngi.
Madali lang ang byahe namin dahil wala naman masyadong traffic. Gabi na kasi. Nakatulog na nga din ako at paggising ko nandito na kami sa bahay nila Mommy.
Nagtataka ako kasi wala sila dito sa bahay. Sila ate at kuya lang ang nandito at lahat sila ay nasa sala.
"Mga ate at kuya nasan sila Nanay?"
Mukhang nagulat sila sa pagdating ko dahil lahat sila ay napatayo maliban kay kuya. Nilapitan ko sila at nakiupo sa tabi ni kuya Mark, si Migs naman ay nakatayo sa likod ko at hawak ang magkabilang balikat ko. "Anong meron?" May pagtatakang tanong ko.
Kinakabahan naman ako sa kanila. Hindi ko tuloy napigilang ngumiti at humarap kay ate Vanessa na parang kagagaling lang sa pag-iyak. "Ate anong meron, bat ka umiiyak?" Ngumiti siya at kinuha si baby Zia kay kuya Rock.
"Wala naman. Katatapos lang namin manood ng movie. Nakakaiyak kasi, eh." Sagot niya habang natatawa. Tumango ako at ngumiti saka nagkwento tungkol sa ginawa namin ni Migs sa Tagaytay after non ay umuwi na rin si Migs at heto na ako sa kwarto nakahiga at bigla kong naisip si Apple. Ilang araw na nga pala kaming hindi nagkikita. Nakakamiss siya!
Tatawagan ko sana kaso cannot be reached ang ate mo. Hindi ko tuloy siya makamusta at hindi ko alam kung kailan siya makakauwi.
Matutulog na sana ako ng kumatok si ate Moira at umiiyak.
"B-bunso..."
BINABASA MO ANG
The Two of Us
Teen FictionMikomori Martinez is such a nice girl. She'll do anything for her blind mother. She works hard everyday as a fish vendor until one day Manong Inggo offered her the position of secretary of the General Manager of the Resort where he works and she ac...