T2OU 42

36 3 0
                                    

Apple's PoV
     

Pinag-uusapan namin sina Mori at Kuya Migs dito sa labas habang wala yung dalawa. You know, when the lover's away the mouth will talk away. Hahaha. Charot!

Actually, tinanong ko sina kuya Gian kung saan nagpunta si Boss pero maging sila ay hindi nila alam pero kasi parang may kakaiba akong nasesense sa kanilang dalawa. Parang may something na mangyayari.

"So, pumunta naman tayo sa love story niyo ng boyfriend mo?" napataas ang isa kong kilay at parang nagtatanong kay ate Dexy kung ano ba ang ibig niyang sabihin, kasi medyo mahaba haba ang kwentuhan kapag kwento ng love story namin ni Michael, eh. Marami pang pasakalye bago naging kami.

"Mahabang kwento ate. Si kuya Gian nalang magkukwento sayo next time," sagot ko sa kanya at sumimangot siya.

"Oo nga babe. Ako nalang magkukwento," pagpresinta niya saka inakbayan si Ate Dexy at siniko lang siya ni Ate Dexy.

"Wag na. Iniiba mo lang mga kwento, eh." pfft. Tinawanan ko lang sila at umiling sabay inom sa juice na hawak ko.

After kong uminom ay biglang dumating si kuya Boss kaya kinawayan ko siya at napalingon naman sa kanya sina Ate at Kuya.

"Nandiyan na sila." Bulong na sabi ni Kuya Gian at tinakbo si kuya Boss at muli silang pumasok sa loob kaya nagtataka ako.

"Hay naku! Boys nga naman..." pailing-iling na sabi ni ate Dexy kaya nilingon ko siya. At ayan, umiinom na sa san mig apple niya.

"Sino bang dumating ate?" tanong ko at nagkibit-balikat siya saka nagpaalam na susundan sina kuya Gian sa loob.

"I'm gonna follow Gian, Tignan ko lang kung sino yun ha. Wait me here."

Ayan, napag-iwanan na naman ako ng lahat. Maghihintay na naman ako.

"Hayy!" sumandal ako sa upuan at iniscan ang pictures namin ni Michael sa phone ko mula nong high school pa kami. Medyo bitch mode pa ako dito dahil bwisit na bwisit ako sa kanya noon.

"Ang payat mo pa dito oh. Patpatin ka pa." usap ko sa picture na tinitignan ko.

"Patingin nga," ipinakita ko naman sa taong nasa likod ko ang picture ni Mich--- wait! "Mi-Michael?!" Nagulat ako sa presensiya niya at hindi na ako makapagsalita, nararamdaman ko nalang na unti-unti ng lumuluha ang mga mata ko.

"Miss me, Babe?" Pumunta ito sa harap ko sa lumuhod para pahiran ang mga luha ko. Hindi ko napigilan suntukin siya ng mahina sa dibdib niya.

"Nakakainis ka!" halos pumiyok ako habang nagsasalita. Hinawakan niya ang kamay ko at niyakap ako.

"I miss you too!" bulalas nito at niyakap ko na rin siya. Ilang buwan din kaming nag-LDR at sobra ko siya namiss, paano nalang kaya kung umabot ng taon baka hindi lang yakap ang matanggap niya sa akin kundi mas mahigpit na yakap.

Hindi pa rin ako kumakalas sa pagkakayakap niya. Parang ayaw ko na siya bitawan, pakawalan.

"Hindi mo man lang ako sinabihan na uuwi ka na para nasundo kita..." bulalas ko sabay pahid sa mga luha ko. Tama na ang iyak baka mamaya aasarin na ako nito.

"Gusto kong isurprise ka kaya si Kuya Migs ang tinawagan ko."

"Nang-istorbo ka pa. Baka mamaya mag-away pa sila ni Mori dahil sa'yo."

"Don't worry nag-usap na kami." This time kumalas ako sa pagkakayakap niya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya saka ito pinisil. Sumimangot siya ngayon ay nakapout na siya.

"Chaba chaba mo na, babe." Binawian niya ako at pinisil rin ang pisngi ko, infairness medyo mashaket! haha. "Ikaw ang machaba sa ating dalawa. Kain ka kasi ng kain, sabi ko sa'yo h'wag masyado. Pasaway ka talaga!" Pinilit kong alisin ang pisngi ko sa pagkakapisil niya at binatukan siya kaya ayun gumanti rin siya pero mas masakit yung ginawa niya kaya napa-aray ko.

The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon